Dedicated to NicoleLovesJ!! ^O^

***

Chapter 3: The Cheater

Charm's POV

Natapos na ang Lunch Break pero hindi ko na nakita pa si Kris. Hanggang sa mag-uwian na hindi ko pa din siya nakita. Nag-aantay ako ngayon sa labas ng gate ng school namin. Madalas kasing dito ko siya inaantay kapag nauuna akong lumabas sa kanya...

Pero dumaan ang oras...

Hanggang sa dumilim na ay hindi na siya dumating...

Matapos niyang mag-walk out kanina ni hindi man lang siya nagtext o tumawag kung saan siya pupunta. Bakit ba siya nagalit? Dahil ba magkasama si Drei at----hindi. Hindi naman siguro 'yun ang dahilan. Hindi pwede...

My eyes started to water pero agad ko namang pinunasan...

Hindi dapat ako umiiyak. Baka umuwi na si Kris at nakalimutan niya lang magpaalam. Tama...

"You're such a noob" napatingin ako sa nagsalita. Nakasandal siya sa kabilang bahagi ng gate, sa may dingding. Hindi ko alam kung sino siya dahil madilim sa part niya...

"S-Sino ka?"

Lumakad siya palapit hanggang sa tamaan na ng ilaw galing sa poste ang mukha niya. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay at nakasakbit sa isang balikat niya ang bag niya...

"Why are you wasting your time waiting for a person who'll never come for you?" parang may mga kasamang karayom ang mga salita niya at sabay-sabay na tumusok sa puso ko...

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya... "N-Nakalimutan lang niya lang sigurong itext ako o kaya naman ay tawagan"

Lumapit pa siya sakin kaya napatingin na ako sa kanya. Itinulak niya ang noo ko gamit ang dalawa niyang daliri...

"Stupid" then he smirked... "He's busy with someone else" lumakad na siya papalayo sa akin. Naiyukom ko na lang ang palad ko sa sinabi niya. Busy with someone else? Hindi magagawa sa akin ni Kris 'yun. Matagal ko na siyang boyfriend at alam kong mahal na mahal namin ang isa't-isa. Hindi siya basta-basta mapapamahal sa iba dahil ako lang ang mahal niya...

"Hindi ganung klase si Kris" I said through gritted teeth...

"Whatever you say" sabi niya na tuloy pa rin sa paglakad hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Napaupo na lang ako at napaluha. Kakaiba talaga ang presensya ng lalakeng 'yun. Nakakapanlambot ng tuhod, tagusan din hanggang buto ang salita niya, at sobrang nakakaintimidate sya. TT3TT

Itinuon ko ang kamay ko sa may dingding at pinilit ang sarili kong tumayo...

"Pasensya ka na kay Drei ah"

"Aykabayo!" napatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa likudan ko...

"HAHAHAHAHA!" sabay-sabay na tawa nila. Mga kabarkada pala ni Drei...

Hindi ko na sila pinansin at lumakad ako ng paika-ika. May sugat kasi yung tuhod ko dahil sa biglang pag-upo ko kanina. Ang sakit. TT^TT

May humawak sa braso ko... "Waaaaaaah! May sugat ka!" sabi ni Zoe. Lumuhod siya sa harapan ko at dinampian ng panyo ang sugat ko...

"A-Ah. W-Wag na. Okay lang naman eh" >O< Hindi na niya kailangang lumuhod!

The Heartbreaker Meets The Brokenhearted (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!