Chapter 03. Don't Judge A Book By It's Cover

5 1 0
                                        

Napatigil siya nang makita ako. Nagtagpo pa ang paningin namin saglit ngunit agad ko ring iniwas ang tingin at muling ibinalik ang tingin sa kamay ko na binabanlawan ko sa faucet.

Pakiramdam ko bumigat ang hangin sa paligid.

Nang matapos kong hugasan ang kamay ko, agad akong naglakad at nilampasan siya nang hindi siya tinatapunan ng tingin. Pero bago ko pa man mahawakan ang siradura ng pinto, nagsalita siya-

"Amara, bakit mo 'ko iniiwasan?" Napatigil ako nang marinig ko ang tanong na 'yon. Ramdam ko ang paglapit niya, at kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakaharap na siya sa akin.

"Wala naman akong natatandaan na may ginawa ako para iwasan mo 'ko, ah."

Bumuntong-hininga ako at dahan-dahan na humarap sa kaniya.

Nakakunot ang noo niya, may halong lungkot at pagtataka sa mga mata niya. Tila ba gusto niya talagang maintindihan kung ano ang dahilan ng lahat. Kung ano ang dahilan kung bakit ko siya iniwasan.

Bubuksan ko pa lang sana ang bibig ko upang sabihin na nagkakamali siya, ngunit inunahan niya ako.

"A-a-a. Huwag mong sabihing hindi mo 'ko iniiwasan. Masyado kang halata."

Napapikit ako sandali, saka napabuntong-hininga. Hindi ko na itinuloy ang gusto kong sabihin. Nahulaan niya eh.

Oo, tama naman siya, iniiwasan ko nga siya. At ano naman ngayon? Close ba kami? Hindi naman, 'di ba? Hindi rin kami magkaibigan. Magkakilala lang kami sa pangalan.

"Bakit mo ba kasi ako iniiwasan? Sabihin mo na." pilit niya pa. May halong lambing ang tono.

Ngunit hindi pa rin ako sumagot. Ayoko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag nang hindi ako mukhang... ewan. Tanga siguro.

"Sabihin mo na," ulit niya. Lumingon-lingon siya sa paligid. "Tayo lang ang nandito, huwag ka nang mahiya."

Napakunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? May nalalaman ba siya?

Bigla siyang lumapit, masyadong malapit. Nakaramdam ako ng kaba nang bumulong siya:

"Iniiwasan mo ba ako dahil kay Jace na 'yon?"

Nanlaki ang mata ko habang inilalayo ko ang ulo ko sa kaniya. Paano niya nalaman 'yon?

Ngumiti siya, 'yung ngiting alam mong may alam siyang hindi mo pa inaamin.

"So, iniiwasan mo nga ako dahil kay Jace!?" ulit niya, mas malakas na ngayon. Nagulat ako dahil hindi pa ako nagsasalita ngunit parang alam na niya.

Handa na ang bibig ko para magpaliwanag pero itinaas niya ang kamay niya para patigilin ako.

"Alam ko na ang gusto mong sabihin."

Bigla niya akong inakbayan. Hindi ko alam kung maiilang ako o matatawa. Natural lang ba ito sa kaniya?

"Gusto mo lang namang sabihin na hindi, kahit totoo naman talaga ang sinabi ko."

Paano na naman niya nalaman 'yon? Nakakatakot na. Nakakabasa ba siya ng isip ng tao? Manghuhula ba siya? Mind reader?

"Hindi ako nakakabasa ng isip ng tao, at mas lalong hindi ako manghuhula." bigla niyang sabi, na para bang narinig niya ang iniisip ko kani-kanina lang. Wait, did he just read my mind right now?

Napakurap ako. Hindi ako makapaniwala.

"Pero iniisip ko pa lang 'yan kani-kanina lang ah, tapos ngayon sasabihin mo na hindi ka mind reader o manghuhula? Pinagloloko mo ba ako?" diretsong tanong ko. Hindi ko na kinaya-sobrang accurate niya.

A Heart Once DreamedWhere stories live. Discover now