Ika-43 Kabanata

36.9K 578 19
                                    

Hindi na ako nagpahatid kay Humpy sa bahay nila Aries. Hinatid na niya ako pauwi ng bahay.

"Hey lil'sis! You want-"

Hindi ko pinansin si kuya na may hawak na isang bowl ng fries. Umiiyak akong pumanhik sa itaas namin at pabalibag na isinara ang pinto. Ni-lock ko din ito para walang makapasok.

Sumandal ako sa likod ng pintuan at dahan-dahang napaupo. Niyakap ko ang mga tuhod ko at isinubsob ang mukha ko doon. Habang umiiyak.

Muling bumabalik sa isip ko ang mga nakita ko. Nakakainis. Parang gusto kong magwala at sumigaw, pero hindi ko magawa.

Narinig ko ang sunod-sunod na katok ni kuya.

"Aika. May problema ba? Nag-away kayo ni Aries?"

Hindi ko siya sinagot. Umiyak lang ako ng umiyak. Mas lalo namang lumakas ang pagkatok ni kuya.

"Aika. Ate Shana mo 'to. Nag-aalala ang kuya mo. Ano ba ang nangyari?"

"Aika ano ba? Tell me what's the problem." Dagdag pa ni kuya.

"I'm okay. Go away! I wanna be alone. I don't wanna talk to anybody."

Tumigil sa pagkatok si kuya pero narinig ko naman ang boses ni ate.

"Aika, if you need someone to talk to, ate's here."

Lumipas ang hindi ko malaman kung ilang oras dahil nakatulog ako. Nagising ako sa sunud-sunod na namang katok.

"Aika open the door."

Bigla akong napabangon sa kama ng marinig ko ang boses ni dad. Damn! I hate him. Nagsimula na naman akong maiyak.

"Sweety! Buksan mo 'to. Anong problema anak? Umiiyak ka daw na dumating. Ayaw mong kausapin ang ate at kuya mo, pati si ate Shana. Anak natatakot kami, ano bang problema mo?" anas ni mommy na lalong nagpaiyak sa akin. Naawa ako sa kanya.

"Babe!"

Nanlaki ang mga mata ko at tila nagising ang buong diwa ko na parang gusto ko ulit umiyak ng marinig ko ang boses ni Aries. Ibang-iba talaga ang epekto niya sa akin, para bang gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya ang lahat. Para akong batang gustong magsumbong, pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang mga nalalaman ko. Kasi involve doon ang mommy niya. Ayokong pati ang samahan nila ng mommy niya masira.
Gusto ko na maayos ko 'tong problema ko ng hindi niya nalalaman ng totoo.

"Babe, kausapin mo'ko. Kung may problema ka, please tell me. Hindi ako aalis dito sa tapat ng pintuan, hanggat hindi mo'to binubuksan, Aika."

"Umiwi ka na. Ayoko ng kausap. I wanna be alone."

"I do what I said Aika, hindi kita pipilitin na papasukin ako. Pero dito lang ako, sa tapat ng kwarto mo. Hanggang sa lumabas ka." Nasa boses ni Aries ang pagiging pursigido sa sinabi niya.

"BAHALA KA DYAN!"

Ang kulit niya talaga kahit kailan.

Hindi na ako nakarinig pa ng boses mula sa labas. Pero naniniwala akong nasa pintuan parin si Aries at hinihintay ako.
Napatingin ako sa alarm clock na nasa bedside table. Alas onse y medya na ng gabi. Muli akong humiga. Pakiramdom ko pagod ako, siguro ganito talaga kapag tapos ka na umiiyak, mapapagod at aantukin ka. Kaya pumikit nalang ako.

Mag-aalas tres ng madaling araw ay nagising ako. Bumangon ako sa kama at bumaba doon. Naglakad ako papunta sa pinto at dahan-dahan kong binuksan yon, and there I saw Aries na nakasandal sa pintuan at natutulog.

God! Hindi ko kayang patulugin siya dyan.

"Aries!"

"Lagdameo!"

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon