Chapter 11

406 27 1
                                        

Simula nang tumira si Rael sa Montecillo Mansion, unti-unti na rin niyang nakukuha ang loob nina Lolo Arnold at Lola Beatriz. Bagama't noong una ay malamig ang tingin nila sa kanya, hindi maikakaila na nakikita nila ang malasakit at sipag ni Rael, lalo na sa pag-aalaga sa kambal.

Isang araw, habang nag-iikot si Rael sa hardin, nadatnan niya si Lolo Arnold na nakaupo sa tabi ng lumang sasakyan sa garahe. Halatang matagal nang hindi na umaandar iyon, puno ng alikabok at kalawang. Ngunit bakas sa mga mata ni Lolo Arnold ang kakaibang lambing habang nakatitig dito.

Naikwento ni Lolo Arnold kay Rael na iyon ang unang sasakyan na naipundar niya, at may malaking sentimental value ito sa kanya. Ito raw ang naging simbolo ng pagsisimula ng Montecillo Corporation.

Nagpaalam si Rael, "Sir Arnold, baka po pwedeng silipin ko lang... baka may paraan pa."

Nakita ni Lolo Arnold ang kumpiyansa at pagkamaalam ni Rael sa makina, kaya hindi na siya tumutol at umalis muna.

Pagkalipas ng ilang oras, nagkaroon ng pag-uusap si Rael at si Mang Raul, ang hardinero ng Montecillo. Sabi ni Mang Raul, kaya hindi pa pinapajunk shop ni Sir Arnold ang sasakyan ay dahil iyon ang una nilang napundar mula sa unang kita ng kompanya.

Nang marinig iyon, mas lalo pang nagkaroon ng determinasyon si Rael na subukang buhayin ang makina ng sasakyan. 

...

...

...

Habang naglalakad sa hardin si Lolo Arnold, dala-dala ang kanyang tungkod, nakatingin siya sa mga tanim na rosas. Tahimik ang paligid, tanging ihip ng hangin at huni ng ibon ang maririnig. Ngunit biglang...

"VRROOOMMM...!"

Isang pamilyar na tunog ng makina ang umalingawngaw sa kabuuan ng bakuran. Napahinto si Lolo Arnold, napakunot ang noo, at dahan-dahang napalingon sa direksyon ng lumang garahe.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Hindi maaari..." bulong niya.

Ang sasakyang matagal na niyang iniiyakan, pinagmamasdan, at halos tuluyang tanggapin na wala nang silbi, ngayon ay buhay na buhay muli ang makina. Ang dating kalawangin at nanahimik na kotse ay biglang muling nag-ingay, parang tinatawag siya pabalik sa mga alaala ng kanyang kabataan.

Lumapit siya, mabagal pero halatang nanginginig sa excitement. Doon niya nakita si Rael na nasa loob, hawak ang manibela, may ngiti sa labi. Sa gilid naman, si Mang Raul na pawisan pa sa pagtutulak, tuwang-tuwa rin.

"Rael..." mahina pero nangingibabaw ang tinig ni Lolo Arnold.

"Paanong... paanong nagawa mo?"

Tumalon si Rael palabas ng sasakyan, agad lumapit kay Lolo Arnold. 

"Pasensya na po, Sir Arnold. Hindi ko po napigilang subukan. Marami pa pong kailangan ayusin, pero buhay pa po ang makina. Hindi pa po tapos ang laban ng sasakyan ninyo."

Napahawak si Lolo Arnold sa dibdib, ramdam ang pagbabalik ng alaala, ang unang kontrata ng Montecillo Corporation, ang unang kita, at ang sasakyang ito ang naging simbolo ng kanilang pagsisimula.

Sa kabila ng kanyang pagiging istrikto at mapagmataas, hindi na niya napigilan ang mapangiti.

 "Rael... apo... hindi mo alam kung gaano kahalaga nito sa akin. Akala ko wala nang pag-asa... pero binuhay mo ulit."

Sa unang pagkakataon, nakita ni Rael ang tunay na ngiti ng matanda, hindi malamig, hindi mapanlait, kundi isang ngiting puno ng pasasalamat at pag-amin. At tinawag siyang "apo" na ikinangiti rin ni Rael. 

...

...

...

Simula nang pinaandar at inayos ni Rael ang lumang sasakyan, naging maayos na ang pakikitungo ni Lolo Arnold sa kanya. Halos bukambibig pa nito si Rael sa bawat kasambahay at kahit kay Don Ramon, palaging sinasabi kung gaano siya kasaya na muli niyang nagagamit ang unang sasakyan na naipundar niya.

RELIX-8Où les histoires vivent. Découvrez maintenant