Chapter 31 (Scratch paper)

63 1 0

No no no no no no no.....

Please!

Itabi mo na sa akin lahat ng kakilala ko kahit pa kaaway ko basta wag lang siya!

Jennie tandaan mo na ako ang dahilan kung bakit magpapakasal ka ngayon sa isang matinong lalake!

Wag mong gagawin to sakin!!!

"Huy Melody... para namang nakakita ka ng multo!"

sigaw ni Jennie.

Sana nga multo na lang nakita ko.

"N-nagulat lang. Akala ko kasi ang magiging kasama ko ay si JP."

nauutal na sabi ko at hindi manlang makatingin sa pwesto ni Nat.

"Wag na no! Busy yun! At saka, mas mabuti nang maging malapit ang maid of honour at best man."

"Wag ka ngang tunga! Anong tingin mo sa amin, total strangers?!"

"Kung titignan.."

tumingin siya sa akin sabay lingon kay Nat.

"OO. So have fun!"

at umalis na siya.

Naiwan akong tulala kasama ang isang taong hindi ko gustong makita pero laging umeextra sa buhay ko.

Ilang minuto kaming natahimik.

Walang gustong magsalita.

Hanggang sa siya na ang nanguna.

"So..."

"Don't bother wasting your time for me."

putol ko sa dapat niyang sasabihin.

Kaya ko to kahit wala ka!

"Don't worry, hindi ko na ulit ipipilit yun sayo."

nakangiting sabi niya.

"Hindi yun ang punto ko. Kaya ko na to mag-isa at ayokong nakakaabala ng ibang tao so pwede ka nang umalis"

"Alam mo, hindi ka parin nagbabago. Ayaw mo parin ng presensiya ko though totoo yung sinabi mo na ayaw mong nakakaabala ka sa ibang tao. I'm glad you're still the same Melody. Pero nandito ako not because of you..."

"Eh?"

"Hahaha pati yang pagkahilig mo sa pagsagot ng 'eh?' pag may hindi ka maintindihan, namiss ko rin. Pero gaya nga ng sabi ko, hindi ako nandito para sayo. Ito ang binigay na task sa akin nung dalawa. At yun ay ang bigyan ka ng inspiration para sa gown ni Jennie."

"Gaya nga ng sabi ko, kaya ko na to. Alam ko na kung anong gagawin ko para magkaroon ako ng inspirasyon."

"Eh bakit ngayon mo lang gagawin? Kung tama ako, 1 month na ang nakakalipas after sabihin sayo ng bestfriend mo ang kasal then ngayon ka lang gagawa ng paraan para magkaroon ka ng spark sa paggawa ng design?"

parang nang aasar na tanong niya.

Well, may point naman siya dun.

Teka... ibigsabihin nun, wala na akong lusot!

Think Melody... THINK!

"Ok you got me. Tinatamad lang akong magdrawing at gumawa ng kung anu-ano."

Sana hindi na ulit magtanong!

"Pero bakit nagkaganun ka since nung araw na nagkita tayo?"

OH SHOOT!

Natulala ako habang siya... naglabas ng nakakalokong ngiti!

Oh how I miss his smile...

But this is not the perfect time to be happy because of that.

"For your information, kaya ako pumunta sa lugar na yun ay dahil sa hindi ko muna gustong magdrawing. Hindi ba't nung nagkita tayo ay busy ako at gumagawa ng ibang bagay?"

"Yup. Gumagawa ka ng kanta."

Huh?!

"P-pano mo nalaman?"

"You left it there"

sabi niya at may isang papel na itinaas.

Yun yung scratch paper na sinulatan ko ng kanta!

"Th-that's just a simple scratch paper na napagtripan ko nung araw na yun."

"Oh.. bakit ka nauutal? Is it because of the meaning of this song? And you're afraid na nakita ko ito?"

"Eh?"

Wala na akong ibang masabi!

"You know what, sa tingin ko... natupad ang wish mo."

"EH?"

"Just like the lyrics said.. you want me here with you just chillin' out together laughing all day long just like we used to. So yun ang gagawin natin this day."

"Aba... at kabisado mo pa ang lyrics."

"Gusto ko ngang kantahin mo sa harap ko eh."

"Wag na! And kaya ko na nga to! Promise!"

"Sasamahan na kita! Hindi na ikaw si taba ngayon. Ikaw na si CHIX kaya kailangan mo ng bantay. Baka mapaano ka pa"

"Kaya ko ang sarili ko! Ako pa!"

"Oh really?"

tumaas ang isa niyang kilay.

"Hinahamon mo ba ako?"

ngumiti ako na parang nang aasar.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin na siyang dahilan ng pag-atras ko.

Hakbang siya.

Atras ako ulit.

Hakbang palapit.

Atras palayo.

Hakbang

Atras

Hakbang

Atr....

HUH?!

Pader na!

Tumingin ako sa kanya at siya naman ngayon ang ngumingiting nang aasar.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya sinipa ko siya sa tooooooooooot!

Napaluhod siya sa sobrang sakit.

"Sorry pero kailangan. Pero thank you ha! Namiss ko gawin yun!"

sabi ko ng nakangiti at kinuha ang mga gamit ko para umalis.

"Oh.. and by the way, sabi ko sayo kaya ko ang sarili ko"

At iniwan ko na siyang ngumingiwi sa sakit.

Pano ba man din...

Pamatay tong takong na suot ko!

MWAHAHAHAHAHAH!

What About Us?  [COMPLETE]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!