Chapter 19: Pain of Losing

"WAAAAAAAAH! LOLO GALLIAN! UTANG NA LOOB! PATAYIN NIYO NA 'YAN! WAAAAH!"

Nagising ako dahil sa ingay galing sa labas. Dinaig pa niya ang kinakatay. Hindi ko alam kung si Jack o si Jick ang sumisigaw pero hula ko ay si Jick. Ang hirap kasi sa kambal na sina Jack at Jick ay magkamukha na nga sila, magkapareho pa sila ng boses kaya hindi mo talaga agad malalaman kung sino sila. Nalalaman ko lang kung sino si Jack at Jick dahil sa aura nila, si Jack kasi ay may pagka-seryoso pero loko-loko din pero si Jick ay loko-loko na talaga all the way pero kapag nagsama silang dalawa? Mas gusgustuhin mo na lang na humukay ng sarili mong paglilibingan kesa mamatay dahil sa stress na dulot ng kakulitan nila…

"Mmm...ang ingay naman" husky ang boses ni Van tapos isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at binigyan 'yon ng maliliit na halik. Ang aga-aga ang landi na niya!

Humarap ako sa kanya at niyakap ko siya. Ayaw ko pa din namang bumangon kasi napagod ako kagabi. Umaga na nga kaming nakatulog eh. NAGKWENTUHAN kasi kami. Akala niyo ha. Haha! Seryoso, nagkwentuhan lang kami. Tsaka sabi ko pass muna sa kamanyakan niya. May next time pa naman eh.

Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Nasabi niya sakin kagabi na halos 1 to 2 hours lang ang tulog niya noong umalis ako, hindi rin daw siya masyadong nakakakain kaya medyo pumayat siya, tsaka yung eyebags niya improving, sobrang laki tapos medyo ang itim pa ng ilalim ng mga mata niya…

*TOK! TOK! TOK!*

"WAAAAAH! VAN! KISHA! HELP MEEEE!! HUHUHU!" katok pa rin siya ng katok na halos magiba na yung pinto. Tinulak ko ng marahan si Van para makabangon ako. Parang hindi niya naririnig ang ingay sa labas, masyadong mahimbing ang tulog niya. Walang tigil pa rin sa pagkatok si Jick. Tama. Si Jick 'yun. Siya lang naman ang pinakamaingay dito. Kagabi pa.

Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin ang teary-eyed na si Jick, nanginginig din ang ibabang labi niya na nakapout, para siyang bata na inagawan ng candy. Nawala tuloy yung first impression ko sa kanya noon, akala ko ang mga Noble na katulad niya ay focus lamang sa pagbabantay kay Van pero hindi ko akalaing may ganito siyang side...

"Ano bang problema?" tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi siya sigaw ng sigaw at tinatawag ang pangalan ni Lolo G. Teka..alam ko na. Baka may kinalaman sa pagkakaroon niya ng Pornophobia, fear of porn, ika nga ni Kiel kahapon. It doesn't even exist. Isa lang yata iyong sakit na si Jick lang ang meron.

"WAAAAH! K-Kanina...b-binuksan ko 'yung TV para sana manuod ng Doraemon, Detective Conan, Atashin-chi, One Piece at Dragon Ball kaso...kaso...y-yung lumabas...n-nag-aano....WAAAAAAAH!" hawak pa niya ang magkabila niyang pisngi habang sumisigaw…

"Nag-aano?" napakapamewang ang isa kong kamay habang nakasandal ako sa amba ng pinto. Bigla namang namula ang mukha...

"N-Nag...s-sex. WAAAAAAH!" Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa reaksyon niya eh. Ang cute cute ni Jick!

"Masanay k na Jick. Ganun lang talaga si Lolo G, mahilig talaga 'yun sa mga ganung bagay. Buti pa nga at TV lang ang nabuksan mo eh. Ang payo ko lang sayo, wag mong titingnan ang bookshelf sa may sala kasi meron ding hindi kaaya-ayang tanawin doon"

"Yun na nga eh! Huhuhu! Naghanap ako ng manga o kung anomang anime-related na babasahin, o kung anomang libro para hindi ako mabobored k-kaso...n-nung binuklat ko 'yung magazine...babaeng hubo't-hubad ang nakita ko! WAAAAH! My super duper virgin eyes! So pure and so right. Nadungisan ng ganun na lang! WAAAAH!"

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!