[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3

501K 3.4K 527
                                    

 CHAPTER 6

HOPE'S POV


Paguwi ko sa bahay tinitigan ko agad ang planner ni Enzo! :"> Sobrang kinikilig ako.      

Tiningnan ko din yung keychain. Napangiti ako. Ngayon lang naging mahalaga ang isang simpleng keychain sa akin.       

LUUUUL! Kilig na kilig talaga ako! Kulang na lang magtutumbling ako dito! Kahit pa kumain ako ng buhay na manok gagawin ko maulit lang ito! :"> Haaay.       


The Next Day..



"Oh Hope, ang aga mo ata? Himala?" sabi ni Ate.  

"Inspired ako pumasok! Kaya wag kang magulo diyan."  

"Pag nagtanong magulo na agad?"  

"Pag maaga pumasok himala na agad?"  

"Sayo? Oo!!"       

-___-" Eh BV to si Ate! Ang ganda ganda pa naman ng mood ko kasi ang saya saya ko. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako!         

"Hui! Ngingiti ngiti ka diyan? Problema mo?"  

"Ikaw! Ang dami mong tanong! Si Lola?"  

"Nagluluto. Tulungan ko na nga lang si Lola kesa asarin ka. Di paawat ang ngiti mo, nakakatakot na!"  

"Talaga! Masindak ka!"       

Umalis siya, dumeretso naman ako sa kwarto ko. Tiningnan ko kung ano ang nasa list ni Enzo ngayon.      


**Taste someone's tear. (Aba. E nagawa na niya ito kahapon sa akin, kaya pala chineck niya sa planner niya.)  


**Give your lucky charm to someone. (Lucky Charm? Hindi kaya itong si Happy ang Lucky Charm niya?! Binigay niya sa akin?!)




  "KYAAAAAAAAAAH!!!!! :">        

Maya maya biglang pumasok si Ate.      

"HUI BAKIT?" Hinihingal hingal pa!  

"Wala lang. :">"  

"O___O OMG."  

"Bakit?!"  

"LOLA SI HOPE PO NABABALIW NAAAAAA!!"      

=___=+ Ateeee! Itinulak ko siya papalabas ng pinto! Nakakasira ng good mood tong babaeng to!        Nasaan na nga ba ako?   

**Lay on the center of the football field. 

**Shout your heart out. 


Bakit naman ganito?! So kelangan ko abangan si Enzo na nagtitili? O kaya hanapin siya na nakahiga sa football field?!       

AY KERI!! :"> Dali lang yan!!       

Pagpasok ko sa school, sinalubong agad ako ni Miks at Chelsea. Nakwento ko na sakanila kagabi LAHAT ng nangyari! Ihuhug sana ako ni Chelsea ng bigla akong pinaghahampas ni bakla!      

"ARAY! Miks! Salamat ha!" sabi ko.  

"Nakakainis ka teh!"  

"Bakit? Akala ko ba si Mico crush mo hindi si Enzo?" tanong ni Chelsea.  

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon