Banat-5th Batch (2015)

193 5 0

July 14, 2015

Banat # 179

Nag-iisip ng magandang banat

Mapapangiti sa iyong pagmulat

Salita kasi ay hindi sapat

Itabi man sa naggagandahang dilag

Ikaw lang namumukodtangi sa lahat


July 14, 2015

Banat # 180

Di ko inakalang umabot an gating pagkakaibigan sa ganito

Akala ko magtatagal lang ng ilang linggo

Di ka pa kilala nung una tayong magtagpo

Ngayon marami na ang sa 'yo ay umiidolo

Sabi ko sa 'yo noon malalathala

Ang istorya mo sa isang libro

Di nga ba't nagkatotoo

Masaya ako kasi ako'y naging kaibigan mo.

Di ka kasi makatanggi sa kagwapuhan ko.

Alam ko na sa umpisa tatalab ang diskarte ko.

Iba na talaga ang gwapo at macho

Lahat mapapa –oo

Kung ikaw ay ligawan ko

Tiyak makukuha ko ang matamis mong OO.


July 20, 2015

Banat # 181

Pagpikit ng mata

Ikaw pinapantasya

Nananalangin na sa paggising

Ikaw ay aking kapiling

Kahit saan ko man ibaling

Di maitatanggi na ikaw ang namumukod-tangi

Madalas mang ika'y may sapi

Wala akong paki

Di mag-aatubili Ikaw ang pinipili

Madami mang mas nakakalamang na binibini


August 10, 2015

Banat # 182

Sabi nila walang forever

Dapat kang matuwa

kase I wil leave you never

Marami man ang mas prettier and hotter

Ikaw pa rin ang topnotcher

Fall, summer or winter

Kahit ano pang uri ng weather

Magsabi ka lang

At ihaharap kita kay Father...

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!