Chapter 3

74 1 0
                                        

When I was a kid, I would always watch my cousins buy bags and such things in pink or blue. It was like their whole identity was tied to something as simple as a color.

Pink... para sa babae lang iyan. Blue... sa lalaki lang iyan. Red looks too wild for girls so it's also a boy color. Yellow is cute so it's for girls. Green is almost always tied to Ben10 so it's also for boys.

Everything has meaning for everyone.

When you don't follow, they'll judge you. Simple as that.

"Tignan mo binili ko, bruh." Inilabas ni Mark ang color pink niyang headphone at isunot sa kaniyang ulo. Ang malambot at kulot niyang buhok ay mas lalong nagmukhang sabog dahil dito.

"Akala ko wala kang pera?" Hinablot ni Norman ang headphone at sinuot naman sa ulo niya. "Ito na lang bayad mo sa isang daan na utang mo sa'kin. 'Di ka pa bayad." He stuck out his tongue when all of a sudden Mark threw a punch at him.

Pinagitnaan sila ni Zeth ngunit sa kaniya naman tumama ang magkabilang suntok na pinakawalan ng dalawa. Napatumba ito at nagdugo agad ang labi na dahilan naman para itigil ng dalawa ang suntukan nila.

Why the fuck am I here?

Kurt glared at me when our eyes met and I instantly rolled mine. "Anong ganap natin?" Tumigil silang lahat sa ginagawa at hinarap ako.

It's Saturday today, pangalawang araw na mula noong isinama nila ako sa group chat nila. After kicking me out, they made a brand new one and added me again.

Nagyaya silang lumabas kaming lahat at dahil sa bored ako ay sumama na rin ako. Hindi naman kalayuan ang sinabi nilang pagkikitaan namin kaya nagpasiya akong sumilip saglit, but Mark saw me and basically dragged me here.

"Hindi ko in-expect na sasama ka." Malamig at masungit na sabi ni Kurt. Siya ang palaging bumabara sa akin sa tuwing nagrereply ako sa group chat, which I rarely do. "Hindi ka nga nagreply sa yaya namin."

How the hell would I? Hindi pa man ako tapos magtype ay iba na ang topic niyo!

He was wearing an orange sleeveless jersey paired with baggy jeans. Nakabonet siya at halatang style niya iyon dahil bumagay sa kaniya. Medyo nakaka-off nga lang ang sandamakmak niyang singsing sa daliri. Bawat isa ata ay may tig-tatlo.

"Sumilip lang naman ako." Inilayo ko ang tingin mula sa lima. Pito sila lagi sa school pero mukhang left out ang dalawa dahil hindi na nga kasama sa group chat, hindi pa kasama sa gala.

"Huwag mo awayin 'yan. Tagalibre natin 'yan." Mark winked at me.

Napataas ang kilay ko sa naging sagot niya. "Tagalibre mo mukha mo. Utang 'yong fishball ah, pucha kayo ang mahal-mahal niyo manusok wala pala kayong pera pambayad."

"Marami ka namang pera." Sumimangot si Ralph sa akin at napabuntong-hininga na lamang ako. "Tara, lakad na tayo."

He grabbed my wrist and we began walking. Nauna kaming dalawa samatalang iyong apat ay naiwan sa likuran. Magkaabot ang kilay ni Kurt, duguan ang labi ni Zeth, at iyong dalawang nagsusuntukan kanina ay mukhang okay na—nagtatawanan na sila.

We passed by different places that were all unfamiliar to me. Kung saan-saang kanto ang inikutan namin. Akala ko ba malapit lang ang pupuntahan namin? "Sa'n punta niyo?" I asked as if I'm not being dragged with them.

Halos tatlong buwan na rin kami rito ni Mama pero dahil wala akong close aside sa mga pinsan ko na dito rin nag-aaral, hindi ako nakakagala. Kaya 'di ko alam kung saan ang punta namin.

Napadpad kami sa isang malawak na parke, 'di ko alam na may ganito pala sa bayan namin. Puro kasi mga school ang makikita mo kapag naglakadlakad ka sa Poblacion. Sa kanan may high school, sa kaliwa may elementary school, konting hakbang ay may dalawang university na magkatabi. This is one of the reason why our city is very populated, dinadayo ang mga school dahil panay ang labas ng mga pangalan nila tuwing results ng board exam.

The Song That Lost Its TuneWhere stories live. Discover now