[Kabanata 4: From Kilig to Crisis in 0.5 seconds]
Feeling ko ang ganda ganda ko.
Like sobrang haba ng buhok ko ganon. Masaya ako dahil may nagpapasaya sa akin. Ang OA! Pero kasi super saya pala ng ganito. I mean, hindi ko naman pinagbabawalan yung sarili ko noon. Sadyagn wala lang talagang naliligaw ng landas.
Pero iba din yung feeling kapag ganitong matanda ka na, mature ka na at nasa tamang pag-iisip ka na. Iba yung amats, iba yung kilig.
Napahagikhik naman ako ng mahina at napatingin sa paligid ko.
"May lovelife ka na no?" Usisa ng kateam kong si Hans.
"Wala," pagsisinungaling ko at nagma-face naman siya.
"Humahagikhik ka diyan na para kang biik, tapos wala kang lovelife?"
"Bakit bawal masaya kapag single?" Laban ko sa kanya at binelatan niya lang ako.
"Mag-focus na tayo sa work, ate ko." Sabay mahinang batok niya sa akin.
Nang matapos ako magtrabaho at magpaalam kay Ms. Irene ay agad na akong bumaba. Nagulat naman ako ng makita ko si Gab na kausap ang night shift guard ng building namin.
Bigla tuloy akong napaisip kung nakalimutan ko bang hihintayin niya ako ngayong araw. Hindi pa naman ako dumaan ng cr. Para mag-ayos, baka haggard na ako?
OMG ka talaga sa timing, universe!
"Hello?" Bungad ko ng makalapit na ako sa kanilang dalawa.
"Andito na po pala ang susunduin niyo Sir." Asar ni kuyang guard sa akin.
Pinigilan ko ang kilig ko. Ayaw ko namang magmukhang kiti-kiti sa harap ni Gab no.
"Thank you po, Kuya." Sambit ni Gab sabay ngiti sa akin.
Shet! Feeling ko hihimatayin ako?! Bakiit ang gwapo mo?
"Anong ginagawa mo dito?" Medyo pababy talk na saad ko.
Napangiwi naman ako ng patago sa narinig kong lumabas sa bibig ko. Umayos ka, Karina Yvert! Demure at Filipina girl dapat ang atake natin!
"Sinusundo ka. Nakasanayan lang kasi ilang linggo na rin tayong lumalabas eh." Paliwanag niya. "Okay lang ba?" Sabay hawak niya sa batok niya.
At sino naman ako para mag-inarte? "Okay lang."
Sabay kaming nag-paalam kay Kuya guard bago kami sabay na naglakad papunta sa parking lot kung saan naka-park ang sasakyan niya.
Tahimik ang gabi, malamig ang simoy ng hangin at tanging mga busina lang ng mga sasakyan ang naririnig. Hay! Ang sarap ma-
Natigilan ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Napatingin ako at literal na natigil sa paglalakad.
"Okay ka lang?"
Sinundan niya ang tingin ko at inangat ko ang tingin ko pang magtama ang mga mata namin. He smiled and I smiled back. Yung eksena namin dito para kaming main lead ng movie, yung tipong nagkakamabutihan yung main leads kasi gusto nila ang isa't isa.
Mag-iisang buwan na rin kaming nagliligawan ni Gab. Pagkatapos kasi ng catch up session namin ay nagtuloy-tuloy ang labas namin. We slowly get to know each other. Kahit naman syempre na gusto ko siya at crush ko siya dati ay alam ko naman ang worth ko. Hindi ako agad-agad sumasabak sa relationship na alam kong part of myself is in line for this.
Umokay naman din siya dun, kaya ito kami MU.
Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ko na ito patatagalin pa. Bigay na ito ng universe oh! Pero kidding aside, sa loob ng halos isang buwan, Gab has been a wonderful companion. I enjoyed hiis presence.
YOU ARE READING
To All The Men I Didn't End Up With
RomanceKarina Yvert Sanchez only has one wish: Magka-lovelife. She's 27. No boyfriend since birth. Zero. Nada. N/A. Kaya nung nagbakasyon sila ng barkada, humiling siya. They say kapag first time mong bumisita sa isang simbahan, puwede kang mag-wish nang k...
