Chapter 30 (You're the reason)

67 1 0

1 month.

Ganyan na katagal na hindi ako makapag concentrate sa trabaho.

Laging rejected ang drawings ko.

Ewan ko ba kung bakit wala akong maisip na magandang design na babagay sa customer ko...

And not just an ordinary customer.

It's my bestfriend.

It's Jennie and JP's wedding.

Yep.

Hindi naging kami ni JP dahil kahit hindi ko sabihin sa kanya, alam niya ang totoo so para makabawi ako sa kanya, gumawa ako ng way para sila ng bestfriend ko ang magkatuluyan.

It turned out good.

At ngayon nga ay ikakasal na sila.

I am the designer and at the same time, maid of honour.

At sino ang best man?

Sino pa ba kundi si Nat.

( F L A S H B A C K )

Kakauwi ko lang galing ng 'favorite place' ko na namumula ang mata.

Bakit ba bigla na lang susulpot si Nat?

Ngayon pa na maayos na ang buhay ko.

*ring ring ring*

"Hello?"

"Melody! San ka ngayon?!"

tuwang sigaw ni Jennie.

"Dito sa bahay, bakit?"

"Ah sige pupuntahan kita diyan!"

*end call*

Hala?

Anung meron sa babaeng yun?

"MELOOOOOOOODDDDDDYYYYYY!!!!!!!"

"Pasok!"

agad siyang pumasok sa bahay nang nagtatatalon.

"Make a beautiful wedding dress!"

"Huh?"

ipinakita niya ang kamay niya...

May ENGAGEMENT RING!

"Kelan pa yan?!"

"Kanina lang.."

grabe ang ngiti niya.

I made a very awesome decision na si JP ang ipareha sa bestfriend ko.

It made her so happy.

I'm glad na masaya siya...

It's enough.

( E N D  O F  F L A S H B A C K )

So ngayon, heto ako at namomroblema kung paano ko gagawing maganda ang wedding gown niya.

Yun na lang daw ang hinihingi ng dalawa sa akin dahil mapapamura sila kapag ako ang gumawa.

Kaso hindi ko alam kung anong inspirasyon ang kailangan.

Mababaliw na ako!

Nat, it's your fault!

Dapat kasi hindi ka na lang nagpakita sa akin nung araw na yun!

Sana hindi mo na lang ako pinansin dati.

Sana hindi ka na lang nanligaw.

Sana hindi ka na lang nangako sa akin.

Edi sana ngayon, wala akong problema sa wedding gown ng bestfriend ko at hindi naiinis dahil best man siya.

Edi sana hindi ako naiilang..

Bakit ba kasi hinayaan ko na mapalapit siya sa akin?!

*tok tok tok*

"Pasok"

"Melody, alam kong wala ka talagang maisip na design para sa gown ko. Gusto ko sanang samahan ka para matulungan ka para makakuha ka ng inspirasyon. So andito ako with someone else na alam kong hindi busy"

nakangiting sabi niya.

Teka, bakit parang kinabahan ako?

"Huy, pasok na"

at pumasok na ang tinutukoy ni Jennie na makakasama ko ngayon.

Hindi ako nagkamali.

Si Nat.

Bakit ganito ang tadhana?!

What About Us?  [COMPLETE]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!