Parang ayokong pumasok ngayon. 

Parang ayoko nang pumasok kahit kailan.

Parang ayoko nang mag-aral.

Parang gusto ko nang mag-drop.

Parang gusto ko nang mangibang bansa.

Parang gusto ko nang magpapalit ng katauhan.

Parang gusto ko nang maglaho.

TANGINA! AYOKO NANG PUMASOK DAHIL DUN SA DALAWANG HINAYUPAK NA YUN!

WALANG HIYA! Hanggang ngayon sariwa pa rin sa isip ko yung ginawa sakin nung Kent na yun nung isang araw! Mangiyak ngiyak ako nung pagkauwi ni Recca. Hindi ko pa nasabi sa kanya lahat ng detalye at kung ano ang totoong nangyari. Tangina. Ang sarap sabihin na. Recca! Pumunta dito si Kent dahil daw landlord natin siya at kung anu-anong pinag-sasabi niya tungkol sa "me on top of you" na ang laswa pakinggan at tangina hinarass niya ako! Tangina ang sarap pumatay! Pero siyempre hindi ko sinabi sa kanya yun. Baka mamaya makulong ng wala sa oras yun dahil sa pagpatay sa isang walang modong lalaki na nagngangalang Jasper Kent Villanueva. Kung bakit naman ba kasi napaka-unfortunate ko sa unibersidad na yun. Kung pwede lang ba talagang mag-drop at magpalit ng mukha at pagkatao e!

"Uy Cara may balak ka bang pumasok?" Tanong ni Recca sakin na palabas na ng pintuan.

"Sige, susunod na ako." Tangina ang sarap mag-cutting at hindi na pumasok. Ayoko na.

Medyo late kami pumasok ngayon. Sabi ko kasi kay Recca, ayokong pumasok ng maaga. Para na rin umiwas kay Kenneth. Ayokong sirain agad ang araw ko. Pero kahit na umiwas naman ako, alam ko na masisira pa rin nilang dalawa yung araw ko.

Bahala na nga. Umiwas, hindi umiwas, suma total ganun pa rin naman. Mamanyakin ako nung dalawa at pagtitripan at higit sa lahat, babadtripin.

HAY BUHAY MAKAPASOK NA NGA LANG.

***

"Sikat na sikat ka na Cara ah!" Pang-asar agad sa akin ni Anna pagkapasok ko ng gate ng unibersidad.

=_______= lang ang itsura na pinakita ko sa kanila. Inaasar pa rin nila ako.

"Guys tigilan niyo na nga si Cara, sige kayo baka magalit pa sa inyo sina Kent at Kenneth. You know naman how they quote love unquote Cara so much." Sabay tawanan sila.

Hay nako. Minsan hindi ko alam kung mga kaibigan ba talaga mga to o ano e.

Nakarating ako ng classroom nang ligtas. Meaning, walang kupal, walang epal, walang kahit na anong disturbance sa pagpasok ko. Yung mga titig lang ng mga estudyante as hallway. They were glaring at me like I'm some kind of prey. Tss. If I know inggit lang sila. At ayoko ng ganong feeling. Putragis.

Sa wakas, nakahinga ako ng maluwag pagkaupo ko sa upuan ko. Tinanggal ko muna yung salamin ko at pinunasan. Wala pa yung prof namin kaya todo talakan mga kaklase ko. Nakapalibot lang sakin sila Racquel. Nagkekwentuhan about sa tournament ata? Hindi ko napakinggan masyado e. Mas malalakas pa yung mga boses ng mga babae naming kaklase na ako yung topic ng pinag-uusapan. 

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Biglaan na lang may nagsitilian sa labas ng classroom namin.

OH SHIT.


Tunog pa lang ng mga tilian ng mga babae alam ko na kung sino yun. )!_@#&*!(^$*!@(*&#!@*$^*!&@#(_^!*@%^!*)&#@$ Si Kent. Nanaman.

"Goodmorning, loves!" Tapos may nilapag siyang bouquet of flowers sa lamesa ko. 

"Anong gagawin ko diyan?" Pinupunasan ko pa rin yung salamin ko. Ayoko makita yung pagmumukha niya.

Ang sex addict kong boyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!