Chapter 4

1.8K 68 1

Flames Series 4
In the Name of Love
"MIRAH"
By...emzalbino


Linggo....

Nakaugalian na ni Mirah ang magsimba tuwing araw ng linggo. Niyaya niya ang kanyang dalawang kaibigan na sina Santhana at Emmz dahil si  Farah ay abala naman ito sa pag aasikaso ng kanyang asawa at anak ngunit paminsan minsan ay nagkakasama naman sila kung maluwag ang schedule nito. Sina Louise at Amor naman ay nasa Maynila na sa piling ng kani kanilang mga asawa.

"Mirah, balita  ko ay bumalik na daw iyong hunky guy na kaalitan ng pamilya ninyo. Iyon bang guy noong kasal nila Amor at Kael!" umpisa ni Emmz habang ngumunguya ito ng chewing gum at nasa loob ng simbahan.

"Yes!" mahinang sagot ni Mirah saka muling ipinagpatuloy ang pagdarasal.

"So, papaano kana ngayon? I mean your family! Diba best enemy ng family ninyo ang pamilya ng hunky guy na iyon?" muling bulong na tanong ni Emmz ngunit sadyang malakas para sa mga kasamahan niya.

"We're okay after all because my daddy says if there's no trouble, there's no worry much" mahinang sagot ni Mirah....."Emmz please don't talk first and listen to the priest" hindi nakatiis na turan nito sa kaibigang matabil ang dila.

"Oo nga eh kanina pa daldal ng daldal! Nakakahiya na sa mga katabi natin" singit ni Santhana na inirapan lang ni  Emmz.

"Oo na, magpakabanal na ako!" nakaingos na wika nito sa dalawa at tumahimik nalang ito habang nguya ng chewing gum na nilalaro laro naman niyang parang bata.


"Haisst! Tumigil ngang magsalita pero panay naman ang palobo nito ng chewing gum na animo'y isang bata" bulong na pasaring ni Santhana.

"Hmp makaalis na nga!" asar na wika ni Emmz sabay tayo nito at tuluyan ngang iniwan ang dalawa habang si Mirah ay iiling iling na nilingon ang kaibigan at muli nitong ipinagpatuloy ang pakikinig ng misa.

Nang matapos ang misa ay agad ding lumabas ng simabahan ang dalawa. At dahil si Emmz ang sumundo sa kanila ng kotse nito ay hindi na nadala pa ni Mirah ang sasakyan nito.

"Mag taxi nalang tayo!" sabi ni Mirah kay Santhana.

"Ah eh, sorry Mirah pero hindi na kita masasamahan pa sa lakad mo ngayon dahil kate text lang ni Steve na susunduin daw ako sa may antayan ng dyip" nahihiyang sagot ni Santhana.

"Ah it's okay! Hmm tara at ihatid na kita doon sa may paradahan baka naghihintay na ang nobyo mo" sagot naman ni Mirah.

"Hindi ka nagtatampo?" alanganing tanong ni Santhana sa kaibigan.

"Eh bakit naman ako magtatampo eh nobyo mo iyon syempre dapat lang na unahin mo dahil baka magkatampuhan pa kayo" nakangiting turan ni Mirah.

"Salamat sa pang unawa" ani Santhana at tama nga ang sabi ni Mirah dahil naroroon na at nakaabang ang nobyo ni Santhana na nakasandal sa kanyang kotse.

"Hi Steve, lobg never see you! bati ni Mirah sa binata na ngumiti naman ito.

"Hi Mirah, Sama kana sa amin!"ani Steve kay Mirah.

"Naku wag na, nakakahiya naman sa inyo dahil date ninyong dalawa iyan at baka maabala ko pa kayo!" mariing tanggi ni Mirah.

"Iyan kasi dapat kana ring humanap ng makaka date mo para hindi ka laging nag iisa!" pabirong turan ni Santhana.


"Hindi ko siya dapat hanapin dahil kung talagang darating siya ay darating iyon sa tamang panahon!" sagot naman ni Mirah na ikinatawa ni Santhana at Steve.

Flames Series 4....In the Name of Love...."Mirah"....by...emzalbinoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!