"Lory Montenegro po? Sa fourth floor po, 403 po yung number ng room n'ya." Sa wakas. Sa panglimang ospital ko nalaman kung nasaan s'ya.

"Salamat." Agad akong tumakbo paakyat sa second floor. Sana walang nangyaring masama baby namin.

Nasa harap na 'ko ng room 403. Bago ako pumasok ay huminga ako ng malalim.

"H-honey..." Napatingin silang lahat sa'kin. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin si Lory.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Honey sorry...sorry---"

"Magagawa ba ng sorry mo na ibalik yung oras?! Magagawa ba ng lintek na sorry na 'yan na pawalain yung nangyari sa inyo ni Malan?!"

Ayokong makitang nasasaktan s'ya ng ganito dahil nasasaktan din ako. "Hindi ko sinasadya iyon Lory. Lasing na lasing lang---"

"Wag ka na ngang magdahilan Grey! Dahil kahit ano pang sabihin mo, hinding-hindi na kita papakinggan! Galit na galit ako sa'yo! Nang dahil sa'yo wala na ang baby natin!"

Nandilat ang mga mata ko. "W-wala na ang b-baby natin?"

"Oh ano masaya ka na?!" Pinunasan n'ya yung luha n'ya. "Sabagay, bakit ka nga naman malulungkot kung magbubunga din naman yung nangyari sa inyo ni Malan!"

Ang baby namin...wala na... Hindi ako makapaniwala.

"Hindi ako masaya sa nangyari Lory. At hindi din ako matutuwa kung sakaling magkaanak kami ni Malan." Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Hindi ako magiging masaya kung sa iba ako magkakaroon ng anak. Hinding-hindi mangyayari 'yun. Gusto ko sa'yo lang Lory, sa'yo lang...wala ng iba."

"Tumigil ka na! Ayaw ko nang pakinggan ang kasinungalingan mo!"

Lumuhod ako at sinabing..."Patawarin mo 'ko Lory. Gagawin ko lahat, patawarin mo lang ako."

"Kahit ano?"

"Oo, kahit ano. Patawarin mo lang ako."

Huminga s'ya ng malalim. "Gusto kong...layuan mo na ako at wag na wag ka nang magpapakita sa'kin."

"A-ano? Pero Lory hindi ko 'yun kaya! Hindi ko matitiis na malayo sa'yo."

"Ayaw mong patawarin kita?"

Bumuntong hininga ako. Mas maganda na nga sigurong lumayo ako sa kanya para hindi na s'ya masaktan. "Okay, kung para sa kasiyahan mo 'to, gagawin ko." Tumayo na 'ko mula sa pagkakaluhod. "Pero tandaan mo, mahal na mahal kita." Ngumiti ako ng malungkot sa kanya. "Goodbye...and be happy." Pagkatapos nun ay tumalikod na 'ko at lumabas. Umalis na din ako ng ospital.

----

Lory's POV

Ang Manyak kong AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon