Mensahe ng Sumulat

20.9K 358 6
                                    

Sa aking mga minamahal na mambabasa,

Bilang pasasalamat sa walang tigil ninyong pagsuporta sa mga unang librong aking nilikha, hayaan ninyo akong ibahagi sa inyo ang isa sa mga obra ko na humamon sa aking kakayahang sumulat ng mga kwento.

Hindi ko linya ang kwentong pag-ibig. Mahirap sa akin ang gumawa ng mga eksenang nakakakilig na pasok sa pansala ng bawat Pilipinong mambabasa.

Pero dahil sa mahal ko kayo ay sinubukan kong lagpasan ang aking makakaya at inabot ang sukdulan ng aking kakayahan magawa at matapos ko lang ang aklat na ito.

Ang kwentong ito ay binubuo dapat ng tatlong bahagi at ito nga ang una. Pero dahil nga sa nahihirapan akong gumawa ng mga ganitong klaseng kwento ay nasa inyong mga kamay at pasya kung dapat ko bang ilabas ang pangalawa at pangatlong bahagi.

Bilang aking mga hurado, kayo ang huhusga at magsasabi kung karapatdapat ko bang isulat at isilang ang ikalawa at ikatlong aklat. Sa pamamagitan ng inyong mga mensahe at boto.

Alam kong atat na kayong basahin ang bawat pahina ng kwentong 'to pero bago ang lahat, nais kong ipaalam sa inyong muli na ang lahat na mababasa niyo ay pawang kathang-isip lamang at walang bahid na katotohanan.

Sana'y magustuhan ninyo ang aking kwento. God bless at maraming salamat ulit.


Sumasainyo,


Elthon B. Cabanillas


V ( A Vampire's Kiss )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon