He pouted his lips and I could feel how he wanted to walk closer to me mula sa kinatatayuan ko sa tapat ng t.v. Nakatayo siya ngayon malapit sa shoe rack at kinuha ang isang pares ng itim na tsinelas.

"Parang hindi naman tayo nagtatabi matulog noon nung mga bata pa tayo. Halos araw-araw nga yata tayo no'n magkatabi, 'no?"

Sarkastiko akong tumawa. "Ewan ko. Kung hindi pa napapalinis ako na lang siguro ang maglilinis. Kailangan ko lang naman 'yung kwartong tutulugan ko."

I took a deep breath because I didn't have time to talk about our past.

"Ang sungit mo naman," reklamo niya. "And do you think my Mom and Tita-Nang will allow you to do that? Lalo na ako? Siyempre hindi, ayaw kong mapagod ang prinsesa ko," he smiled after what he retorted.

Gusto kong mangisay ang sa narinig at para itong naging sirang plaka sa loob ng utak ko dahil sa paulit-ulit niyang boses na naririnig ko.

"Ang cringe mo pala kapag nai-inlove, Conrad. You should stop that, hindi bagay sa 'yo kapag gumaganyan ka" natatawang sabi ko at pasimpleng inirapan siya.

"Pero kinikilig ka?"

Nahinto ako sa pagpihit ng door knob sa kwarto dahil guso ko na siyang takasan sa pagpasok sa loob ngunit nagsalita siya.

I looked at him. "Hindi. Corny nga, eh. Parang makukumpara na naman kita kay Randy."

"Fuck your ex-boyfriend, Nate! Don't try to compare me to him!" sigaw niya.

Malakas akong tumawa pero ng makita kong limang hakbang na lang ay malapit na siya sa akin ay mabilis kong binuksan ang pintuan ngunit naabutan niya ako kaya sabay naming natingnan ang nasa loob. Napakurap ako dahil isang malinis at malapad na kama ang tumambad sa akin.

"Malaki naman ang kama, ah?" he asked me.

I know that he is standing behind the door with me, kaya parang naghahabulan ang takbo ng dibdib at hininga ko.

Bumaling ako sa sofa na pinaglapagan ko ng bag ko. "Dito na lang siguro ako sa sofa."

"Hindi ka kaya mahulog diyan kapag sobrang himbing na ng tulog mo? That is too small for you" tugon niya.

Umatras ako ng kaunti nang kunin ko ang bag ko dahil ako na ang mauunang maligo sa kanya para siya na lang ang hintayin ko mamaya.

"Baka ikaw gusto mo palitan ako? Sabagay, malaki pala akong tao," ngumingiting sagot ko.

"Malaki rin akong tao, Nate." He smiled while looking at me, "Gusto mo, mag-flex pa ako ng katawan ko sa 'yo rito sa harap mo, eh."

Bumusangot agad ako habang nakatitig sa kanya. Nakasuot siya ngayon white plain longsleeve pero hindi siya pang-office, 'yung pang-summer since sobrang init ng panahon ngayon. Nakakalas ang naunang dalawang butones kaya may sumisilip na umbok na dibdib sa kanya.

It paired with black trouser pants at hindi ko maitatanggi na para siyang model na kakauwi lang galing sa shoot.

"Akala mo naman talaga," bulong ko.

Nauna akong tinalikuran siya dahil wala sa plano kong pahabain pa ang usapan namin. Hanggang sa pag-ligo ko ay hindi ko pa rin maalis sa isipan kong gusto niya akong ayain sa ibang lugar na kaming dalawa lang ang magkasama.

Pero thankful ako na gagawin niya 'yon bilang reward sa akin because I noticed and suddenly realized how much effort I put into this whole renovation project. Maliban siguro sa sahod na natatanggap ko ay inisip niyang baka gusto ko mag-unwind.

I mean, gusto ko! Pero hindi ko gustong kasama siya! Lalo na't kaming dalawa lang!

Nakabalik na kami sa baba dahil maghahanada na si Tita-nang ng dinner namin ay pakiramdam ko'y aligaga pa rin ako sa set up ng magiging tulog ko ngayon. Kung kanina ay iniisip ko ang plano niyang trip sa Boracay, ngayon naman ay ang makakatabi siya makalipas ang ilang taon.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora