Chapter 3

1.5K 61 1

Flames Series 4
In the Name of Love
"MIRAH"
By...emzalbino



Abala si Tim sa paglilinis ng mga tanim sa hasyenda kasama ni Mang Andoy at iba pang mga tauhan nila ng makita parang hingal na hingal na ang kanyang kabayong si Thunder.

"Mang Andoy iwan ko muna kayo dahil papainumin ko lang si Thunder sa may sapa dahil parang nauuhaw ito" ani Tim sa matandang katiwala.


"Ah sige iho at parang uhaw na uhaw na nga siya" sang ayon na sagot ni mang Andoy na napatingin sa kabayong tila nakikiusap na siya'y painumin.


"Sige Mang Andoy kayo muna nag bahala rito" wika ni Tim saka sumampa na ito sa ibabaw ni Thunder at saka pinatakbo ang kabayo.

Halos mga limang minuto lang naman ang itinakbo ng kabayo nito bago niya narating ang sapa at nagtaka si Tim  ng makita ang kabayo ni Mirah sa silong ng isang puno.

Napalinga siya sa paligid ngunit wala naman siyang makitang tao kaya nagduda na ito na baka may kumuha ng kabayo.


"How come na nakarating ang kabayo rito na wala namang tao dito?" nagtatakang tanong ni Tim sa sarili at ng wala talagang makita sa paligid ay ipinasya na niyang painumin si Thunder.


Habang umiinom ang alaga niyang kabayo ay di sinasadyang napatingin siya sa may talon at sinundan ng kanyang tingin ang pag agos ng tubig hanggang sa maagaw ng kanyang pansin ang isang bagay na nagpalaki ng kanyang mga mata.

"Ulo ba ng tao iyong naroroon?!" tanong ni Tim  sa sarili sa parang  ulo na tinatangay na ng alon papalayo.

"U-ulo nga ng tao!" gimbal na bulalas ni Tim ng medyo lumutang ang kalahati ng mukha nito kaya agad niyang itinali ang aknyang kabayo at agad na inalis ang kanyang jacket at sapatos saka nagmamadali siyang lumusong at nilangoy ang kinaroroonan ng ulong lulubog lilitaw sa may tubig.

Ngunit ang ikinatigagal ni Tim ay ng malaman niyang si Mirah ang taong iyon. Nagmamadali niya itong dinala sa gilid ng pampang ang walang malay na dalaga.

Pinulsuhan niya ito at pumipintig pa naman ang pulso ng dalaga kaya agad niyang dinala sa may ilalim ng isang punong kahoy at hindi na nagdalawang isip na imina mouth to mouth niya ang dalaga.

Isa...dalawa...tatlo at halos limang beses niyang hinagkan ng paulit ulit ang mapupulang labi ng dalaga upang bigyan ito ng first aid. Ngunit ng wala pang nakikitang pagbabago ay muli niyang inilapat ang labi nito sa labi ni Mirah at ng saktong maglapat ang kanilang mga labi ay siya namang pagdilat ng mga mata ng dalaga at kahit na hinang hina ay nanlalaki parin ang kanyang mga mata dahil sa eksenang nakita ng kanyang mga mata.


Ang maiinit na labi ni Tim na nakalapat sa kanyang labi na kahit na nanlalamig siya ramdam na ramdam nito ang init nang labi ng binata na parang  bang lumiliyab ito.

She felt awkward when she saw Tim's face na parang may kung pag aalala sa mukha nito. Hindi niya kayang ipaliwanag ang hitsura ng binata, ang mga mata nito na parang may kung anong pag aalala at hindi na niya nababanaag ang dating mga mata ng binata na para bang leon kung makatitig.

"Don't get me wrong! I just did it to save you" maagap na sagot ni Tim saka inilayo nito ang mukha sa dalaga at inalalayang bumangon paupo......."Why, what happened to you?" maya maya ay tanong nito na ni hindi man lang niya makapa sa sarili ang dating galit sa dalaga kundi ang labis na pag aalala nito ang siyang lumulukob sa kanya ng mga sandaling iyon.


"I was enjoying my swimming when suddenly I can't move my two legs. Hindi ko maigalaw at parang namamanhid ang mga ito. I called out for help but no one can hear me until I slowly sinking down at naramdaman ko nalang na unti unti akong tinatangay ng alon hanggang sa hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari" nanghihinang kwento ni Mirah na hindi makatingin ng deritso kay Tim dahil hindi niya inakala na ang magliligtas pala sa kanya ay ang lalaking anak ng pamilyang kaalitan ng kanilang pamilya at siya ring kinaiinisan nito.

"Nag crams ang mga binti mo" tatango tanong sabi ni Tim na tumango naman si Mirah bilang pagsang ayon sa sinabi nito......."Next time mag iingat ka lalo at mag isa ka sa mga lugar na gaya nito dahil hindi mo alam ang panganib na nakaabang sa bawat araw" ani Tim kay Mirah saka nito kinuha ang kanyang jacket na nasa may batuhan kung saan ay hinagis nalang ni Tim at saka nito ibinalabal sa katawan ni Mirah na nannginginig sa halong niyerbiyos at ginaw.


"You shouldn't save me dahil diba magkaaway ang pamilya natin. Dapat hibdi mo na ito ginawa para kahit papaano ay nakaganti kana sa galit mo sa pamilya ko" walang paligoy ligoy na sabi ni Mirah dahil nais niyang alamin ang rason kung bakit nagawang iligtas siya ni tim eh sukdulan hanggang langit ang galit ng pamilya ni Tim sa kanyang pamilya.


"Naitanong ko narin iyan sa sarili ko kanina bago pa kita i mouth to mouth. Pero kahit na anong galit ko pala sa isang tao o pamilya ay hindi parin makakaya ng aking konsensiya na hayaan at panuorin ang isang tao na nasa bingit na ng kamatayan na nakikita pa ng dalawa kong mga mata. At kahit na punong puno ng galit ang puso ko ay mas nanaig parin ang pagiging makatao ko dahil naisip ko na kung halimbawang ako ang nasa iyong sitwasyon ay malamang na gagawin mo rin iyon at hindi mo ako hahayaang mamatay ng wala kang nagagawang paraan, and i know na pareho lang tayo ng iisipin dahil ang galit kung minsan ay kaydaling pahupain pero ang konsensiya ay mahirap kalabanin" saad ni Tim na siyang nagpatahimik kay Mirah.

"Okay kana ba?" untag na tanong ni Tim ng makitang tahimik ang dalaga at parang kay lalim ng iniisip.


"Hi-hindi ko alam kung papaano ako magpapasalamat saiyo sa pagbibigay mo sa akin ng pangalawang buhay. Pero tama ka sa iyong mga sinabi, na lahat ay makakalimutan sa oras ng kagipitan and im so happy na ginawa mo iyon para sa akin, Salamat ulit" namumula ang mukhang sabi ni Mirah na napatingin sa binatang nakatingin naman sa kanya at ng magawi ang tingin nito sa mga labi ni Tim ay parang biglang may kung anong biglang init na nanulay sa kanyang katawan dahil muling lumitaw sa kanyang isipan ang aura ng muka ni Tim ng magmulat siya ng mukha habang magkalapat ang kanilang mga labi at dahil doon ay pulang pula siya ng maisip niya na si Tim lang ang unang nakahalik sa kanyang labi kahit na sa ganoon pa silang sitwasyon.


"Magpahinga ka lang sandali bago ka umuwi para muling manumbalik ang lakas mo" ani Tim saka inalis ang kanyang t shirt na basang basa at walang alinlangan na naghubad siya sa musmong harap ni Mirah.


Nanlaking bigla ang mga mata ni Mirah ng makita ang mga matitipunong dibdib ni Tim ang malalaman nitong mga muscles na kay sarap himasin. Pasimpleng napalunok siya ng mga sandaling iyon dahil unang pagkakataon sa buhay niya ang mayroong lalaking magdi display ng mala Adonis na katawan sa harap niya.


"A-ano ba nag pinaggagawa ng lalaking ito?" naitanong ni Mirah sa sarili na kung minsan ay nakaw tingin niyang sinusulyapan ang hubad nakatawan ni   Tim.

.......

Hindi na sinabi ni Mirah sa kanyang mga magulang ang nangyaring iyon sa kanya dahil ayaw na niyang malaman pa ng mga ito ang isuong si Tim ang nagligtas sa kanya dahil baka pagmulan pa ito ng malaking gulo.

Nasa banyo siya at nagse sepilyo sa harap ng salamin ng matuon ang kanyang paningin sa kanyang labi. Bigla niya itong nahawakan at hinagod hagod niya ng kanyang daliri......" I felt his passionate kisses. His warm lips makes me think weird, para bang may ibang hatid sa akin ang mga halik niyang iyon!" turan ni Mirah habang hinahagod ng daliri nito ang mga labing pinainit ni Tim.

.....At samantala sa kwarto ni Tim ay nakababad sa kanyang bath tub si Tim habang may iniinom na wine...

"I really like her soft and kissable lips. Sa unang pagdaiti ng aming mga labi ay bakit ganoon ang aking naramdaman? Para bang ilang bultahe ng kuryente ang aking nadama, ang init bigla ng aking pakiramdam at ng mapagmasdan ko ang takot na takot niyang mukha ay parang bang nakaramdam ako ng awa, nakaramdam ako ng pag aalala na dapat sana ay hindi maaring mangyari dahil sa alitan ng aming pamilya sa pamilya niya ngunit hindi ko nagawa dahil bigalng may kung anong takot ang sumakop sa aking dibdib lalo pa ng malaman kong si Mirah iyon, ang when i saw her staring at me ay parang may kung anong damdamin na gumapang sa puso ko and I can't explain what is it!" ani Tim sa sarili saka sumimsim ng alak at napapikit at sa pagpikit niyang iyon ay muling lumitaw sa kanyang balintataw ang eksenang hinahagkan niya ang mga labi ni Mirah.


Ano ang mangyayari kina Mirah at Tim pagkatapos ng insedenteng iyon sa kanilang dalawa?

.....itutuloy.

Flames Series 4....In the Name of Love...."Mirah"....by...emzalbinoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!