CHAPTER 4: TEXTMATE

Start from the beginning
                                        

Natawa siya. 'Yong tawa na hindi lang dahil sa biro—kundi dahil sa gaan ng loob. At sa loob-loob ko, hindi lang cellphone ang naibigay ko sa kanya. Kundi konting pahinga mula sa bigat ng buhay.

Matapos ang ilang minutong tahimik na kwentuhan at halakhakan, napatingin si Dave sa kanyang wristwatch.

“Late na pala ako. May klase pa ako mamaya,” aniya sabay tayo.

Tumango ako. Ayokong umamin pero parang ayokong matapos agad 'yong oras.

Parang ang bilis.

Parang kulang pa.

“Salamat ulit, France,” sambit niya, hawak pa rin ang paper bag.

“Walang anuman. Ingat ka ha. Text mo ako kapag nakauwi ka na,” sagot ko. “Or tawagan mo ako... gamit ‘yan.” sabay kindat habang tumango sa bagong cellphone niya.

Natawa siya. ‘Yong ngiting mas gamay ko na ngayon. Hindi siya 'yong tipong expressive sa salita, pero ramdam mo ang pasasalamat sa kilos niya.

“O sige na. Baka ma-late ka.”

Naglakad siya papalayo. Tahimik. Magaan ang hakbang. Lumilingon paminsan-minsan—at sa huling lingon niya, napangiti siya ulit.

At ako? Naiwan ako roon. Tahimik. Pero hindi malungkot.

May kakaibang saya sa dibdib ko.
Hindi ko pa maipaliwanag, pero gusto ko pa siyang makita.
Gusto ko pa siyang makilala.

And for the first time in a long while,
I looked forward to tomorrow.

Sa hapong iyon, hindi ako umuwi sa Bahay. Dumeretso Ako sa condo ko. Tahimik lang ang paligid. Wala akong nadatnang tao sa hallway, gaya ng dati. Pero ngayong gabi, iba ang katahimikan.

Pagpasok ko sa unit ko, tinanggal ko agad ang coat ko at hinagis sa sofa. Ibinaba ko ang cellphone ko sa mesa, pero hindi ako umupo agad.

Parang may kulang.

Lumapit ako sa bintana, tinanaw ang ilaw ng siyudad. Mga ilaw na sanay na akong makita tuwing gabi—pero ngayon, hindi sila sapat para punan 'yong saglit na kaginhawaang dala ni Dave.

Tahimik kong naalala ang mukha niya.
Kung paano siya ngumiti. Kung paano siya tumawa kahit nahihiya. Kung paano niya tinanggap 'yong maliit kong regalo na parang binigay ko sa kanya ang buong mundo.

Napangiti ako.

“He’s different,” bulong ko sa sarili.

Hindi siya tulad ng ibang tao sa paligid ko—hindi plastik, hindi user, hindi may kailangan lang.

At kung tutuusin, ilang oras pa lang kami magkakilala. Pero para bang may koneksyon na.

Tumungo ako at umupo sa sofa, pinikit ang mga mata. Napahawak ako sa dibdib ko.
May kakaibang pakiramdam.

Tahimik. Tahimik na hindi nakakabingi. Tahimik na nakakagaan. At sa dami ng ingay sa buhay ko—iyon ang matagal ko nang hinahanap.

Isang buntong-hininga… At sa di ko inaasahan, nakatulog ako.

Tahimik. Walang bigat. Walang iniisip.

Pero ilang oras lang ang lumipas nang…

Pling!

Napabalikwas ako sa tunog ng notification mula sa cellphone. Medyo nanlalabo pa ang paningin ko. Nilingon ko ang orasan— 2:41 AM.

Kinuha ko ang cellphone at sinilip ang message.

> Unknown Number:
Nasa dorm na po ako. Salamat ulit, France. Ingat ka palagi. 😊

Napangiti ako. Hindi ko alam kung dahil sa simpleng emoji o dahil sa pangalan kong isinulat niya nang buo, pero parang biglang naging mas magaan ang gabi ko.

The Thin Line Between UsWhere stories live. Discover now