Important Note

202 19 8

Hi, Study Partners!

Ang mga "tips" na napapaloob sa "Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat" ay ayon sa mga natutunan ko sa pagsasanay ko sa pagsusulat nitong mga nakaraang taon. Ang ilan ay nakalap ko noong ako'y nag-aaral pa lamang sa paaralan, sa mga non-formal critic workshops, sa mga editors na nag-reject (at nag-accept) sa aking mga akda, at sa aking sariling research and study.

Ang pag-aaral ng pagsusulat ay walang katapusan at hindi kailanman magkakaroon ng katapusan dahil ang paggamit ng wika ay laging nagbabago sa paglipas ng panahon. Ngunit ang mga rules o discipline na sinunod ng mga klasikong manunulat ay hindi kailanman makapagliligaw sa mga bagong umuusbong na manunulat. Ito ang balangkas, ang pundasyon na dapat ay isaalang-alang at unawain dahil ito ang nagbibigay ng kahulugan sa sining ng pagsusulat. Alamin mo ang mga ito. Isapuso at isaisip sa pamamagitan ng matiyagang aplikasyon.

Pagkatapos: If you make it, break it. If you break a rule there should be a purpose.

Sana lang sa mga gabay na naipaloob na rito - gaya ko - ay may mapulot din kayong aral.

Happy writing!

-Lee-

© Rainydusk

Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!