Chapter 18: Sweet Serendipity

Kisha's POV

"Dalawin kaya natin si Van?" sabi ni Kiel. Lahat naman kami ay napalingon sa kanya. Nandito ulit ako sa mansyon ni Van, gusto ko lang kasi silang makita. At tsaka wala akong magawa sa bahay. Mag-isa lang ako tapos ang tahimik pa. Nasanay na din kasi ako na laging may kasama.

"That's a good idea and besides summer vacation naman ngayon kaya pwede tayong pumunta" dagdag ni Farrah...

Magandang ideya nga iyon pero hindi naman ako makakasama. Kung sasama ako at makikita ko siyang muli, ano kayang mangyayari? Iniisip ko pa lang dinadaga na ang puso ko. Handa na ba ako? Pero hindi ko naman itatanggi na miss na miss ko na talaga siya. Eh ako kaya? Namimiss niya ako? O si Jullia?

"You should come with us Kisha" seryosong sabi ni Zick. Sabagay, seryoso naman siya palagi eh...

"H-Huh? Wag na. Kayo na lang baka maging distraction lang ako sa training niya" may part saking gusto kong sumama, may part namang ayaw kong sumama dahil baka hindi pa ako handa para makita siya. At baka hindi na niya ako kailangan…

Lumapit sakin ang kambal na sina Jack at Jick tsaka umakbay sakin... "Kisha, alam mo bang mahal ka talaga ni Van?" tanong ni Jack...

"Nung una akala ko mahal niya ako pero nung nalaman ko yung tungkol kay Jullia nagkaroon na ako ng doubt sa puso ko" ngumiti ako sa kanila ng pilit para matakpan ang kalungkutan sa boses ko pero hindi ko talaga maitago ang nararamdaman ko...

"Mahal ka niya Kisha. Maniwala ka lang. Bakit hindi mo i-try na sumama samin? Bibisitahin lang natin siya. Gusto mo yatang with hugs and kisses ang makuha mo kay Van eh. Fufufufu" pigil na tawa ni Jick. Sinamaan ko lang siya ng tingin at agad naman siyang binatukan ni Jack. Ang kulit talaga ng dalawang ‘to…

"Ano na Kisha? Payag ka na?" tanong ni Kiel. Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Gusto ko na din naman siyang makita. Tsaka alam ko namang kapag hindi ako sumama ay pipilitin din nila ako…

"YES!!" sigaw nila maliban kay Zick na nakacross arms at may tipid na ngiti. Well at least, maalam siyang ngumiti.

Umuwi na lang muna ako para kumuha ng kaunting gamit. Hindi na rin naman daw kami magtatagal doon dahil mas mahalaga ang training ni Van. Baka masayang ang oras niya dahil sa pagpunta namin, siguro isa o dalawang araw lamang kami doon. Pero okay na ‘yun, at least makikita ko pa rin siya kahit dalawang araw lang. Sapat na sa akin ‘yun…

Paglabas ko ng bahay bumungad sakin ang apat na magarang sasakyan. Nakabukas ang bintana sa may driver's seat at lulan noong pink na kotse ay si Farrah, yung blue naman ay kay Jack at Jick, ang grey ay kay Zick at yellow naman ang kay Kiel. Grabe. Di uso mahirap sa kanila eh no?

Bumusina si Farrah at itinaas ang shades niya...

"Dito ka na sakin sumakay Kisha!" sigaw niya. Lumakad na ako papunta sa kotse niya at sumakay. Tahimik lang kami buong biyahe. Ayaw ko din namang magsalita dahil kinakabahan ako. Nagsisimula ng magpawis ang palad ko, pakiramdam ko baskil na din ako kahit aircon naman ang sasakyan ni Farrah.

Pagkatapos ng ilang oras ng biyahe ay dumating na kami sa bundok...

"Tanda mo pa ba Kisha?" tanong ni Kiel...

"Oo, kaso sa pinakatuktok iyon. Diretso lang tayo at makikita na natin ang bahay ni Lolo Gallian"

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!