Simula

2.9M 44.1K 20.3K
                                    

Simula

"Eto na!" Binubuksan ko ang isang sulat sa harap ng mga kaibigan ko.

Napalunok ako ng ilang beses bago biglang hinila ito palabas ng envelop.

"Sht!" Napamura ako sa nakita.

"Patingin." Kinuha yun ni Emma para tignan ang nakasulat. "Rejected?"

Pinasa niya ito sa iba pang kaibigan ko. Napamura ako sa isipan ko habang tinitignan ang paligid dito sa corridor. May ibang nagtatatalon sa tuwa, yung iba naman ay malungkot. Gusto kong umiyak nang umiyak.

"Paano nila ako nireject? Andami kong internship na ginawa! Singapore, Cambodia, Thailand!?  Tapos sino yung kinuha nila? Yung mga walang experience?" Sabi ko habang tinitignan ako ng mga kaibigan ko.

Tinapik ni Beatrice ang balikat ko at hinaplos naman ni Camille ang ulo ko. Lintek na Le Marcelle! Alam kong malaking hotel ito pero utang na loob naman, hindi ba nila iki-credit yung mga experience ko? Ito na lang yata ang kulang eh!

"Trisha, Le Marcelle 'to. Chain of hotels. Expected na mahirap makakuha ng internship doon." Sabi ni Emma sakin.

"Oo nga! Kaya nga di yung ibang branch nila yung pinasukan ko, diba? Kaya nga dito lang sa Pilipinas na Le Marcelle yung inapplyan ko kasi baka sakaling pwede ako!" Umirap ako.

Nakita ko yung mga nagtatatalon sa tuwa. Ang alam ko, ang mga babaeng ito ay hanggang Singapore lang ang inabot. May common sa kanila! Matangkad, makinis, maganda at payat. Yun ang mga kinukuha nila!

Napatingin ako sa sarili ko. Hindi ako kasing puti nila at kasing tangkad nila! Halos umusok yung ilong ko habang tinitignan pa lalo ang paligid.

"Trish, alam mo kung anong gagawin mo?" Tanong ni Earl na boyfriend ni Emma.

Tinititigan parin nila ako hanggang ngayon. Natatakot yata sila nag magwala ako dito. First time kong mareject sa isang internship! Magaling yung interview ko! Kahapon, sigurado akong makakapasok ako. Pero ngayon? Gumuho ang mundo ko. Tanginang Le Marcelle na yan! Alam kong sikat ka kaya nga ako nag iintern sayo diba?

"Ano?" Kumunot ang noo ko.

Itinuro niya ang isang lalaking pinapalibutan ng mga kaibigan niya. Tumatawa ang mga kaibigan niya dahil sa joke na sinasabi niya. Tumaas yung kilay niya nang nakitang nakatitig ako sa kanya. Agad naman niyang tinignan ulit ang mga kasama. May mga babaeng matangkad at magaganda din sa paligid niya. Paminsan-minsan ay nan-cha-chancing siya sa pamamagitan ng paghawak ng mga baywang nila. Bumubungisngis naman ang mga babaeng ginagawan niya ng ganun. Nakipag-apir siya sa mga lalaking kausap niya at umambang aalis na.

"No! Ayoko!" Sigaw ko kay Earl.

I. Hate. That. Guy.

Alam mo yung feeling na ganun? Yung ayaw mo sa kanya kasi ayaw mo lang. Nakakainis lang talaga siya. Lahat ng ginagawa niya naiinis ka lang. Kasi wala lang. Talagang nakakainis lang siya.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon