"Then what are you?" tanong niya, malamig ang boses.
"Someone you noticed," sagot ko, confident na confident. "At aaminin ko, gusto ko 'yon." Tumahimik na naman siya. Nakatitig lang sa akin. Parang hindi makapaniwala.
"Now what, Theo? Tell me, I'm wrong."
"Tss," then he left.
Napako ako sa kinatatayuan ko nang umalis siya. Ang lakas ng loob kong mag-confess na na-notice niya ako, tapos “tss” lang ang sagot niya? Ang rude!
Pero alam mo 'yung feeling na kahit binabara ka, natatawa ka pa rin kasi alam mong may pakagat? 'Yung parang sinusubukan niyang itago pero nabubuking? Ha! Theodore Almeda, mapapaamin din kita!
Hold on to my words.
***
"Party! Party! Party!"
Pagkapasok palang sa club, bumungad na agad ang sigawan at kasiyahan ng mga tao sa dancefloor na siyang pumupuno sa buong paligid. The music was too loud, and the beat dominating the club as lights danced across the ceiling: blue, violet, and red. The dance floor was almost full, but in a semi-private lounge area off to the side, that's where we decided to seat.
"Gosh! Makakawalwal na rin!" Tiffany shouted with full of energy. Sinerve na rin sa amin ang mga alak kaya naman nagsimula na silang mag-shot.
"I know, Tiff! I’ve been counting the days for this night! No deadlines, no stress, just pure fun!" Bethany chimed in, flipping her hair dramatically as she reached for her cocktail.
Nagtawanan ang barkada sa kanilang dalawa. Bakas na bakas sa kanila ang excitement. Actually, sa gc pa nga lang ay atat na ata na 'yan sila dahil miss na miss na nilang gumala. Tuwing weekends lang kasi nagtutugma ang mga schedules namin since iba-iba kami ng schools na pinapasukan. At syempre minsan, may mga plans din kaming na-ca-cancell since we're all busy. But at least, we can party now.
"So, how's your love life, babe? Chismis ni Tiff, may hinahabol ka raw na lalaki?" That's Daphne, the one and only person na napaka-matanong—as in matanong! Daig pa niya ang imbestigador kung magtanong! Puwede nga silang tandem ni Tiffany, eh, isang masalita at isang mapag-obserba.
"Ay, talaga naman! Sinasama pa nga ako niyan mag-stalk, eh! Para tuloy kaming secret agent! Ako na nga lang ang natatakot!"
"Hoy!" mabilis kong suway sa kaniya. Ang babaeng 'to, hindi rin mapreno, bukod sa napaka-ingay, ang daldal din talaga!
Wala sana akong balak sumagot, yet, I saw my friends waiting for my answer, as if I'm a cinema tv na hinihintay nilang mag start ang kwento.
"Well, I need a new toy, ang boring kaya sa college lalo na kung kaklase mo 'yong isa diyan!" pagbibiro kong tumingin kay Tiffany.
"Ouch, ah?!" Kunwari pa siyang humawak sa dibdib niya na parang nasaktan sa sinabi ko. Sabay-sabay kaming nagtawanan sa reaksyon niya.
Lumapit naman sa akin si Evangeline, ang pinaka-soft spoken sa magbabarkada. Kabaligtaran siya ni Tiffany. Si Tiffany, para 'yang laging full charge, mataas ang energy kaya marami din ang power para makipagdaldalan at makipag-chismisan. Dagdag rin na palakaibigan siya, kaya naman madali talaga niyang makasundo ang lahat—kaya nga kami nabuo as a group, eh.
While Evangeline, she's more gentle. Kalmado siya magsalita, parang laging may hangin ng pag-aalaga sa boses niya. Hindi siya palakibo, pero pag nagsalita 'yan, ramdam at alam mong pinag-isipan talaga. Siya rin 'yong tipo ng taong laging may dalang payo kahit hindi mo hingin. Isang tipo ng kaibigan na hindi kailangang sumigaw para marinig kasi sapat na 'yung tahimik niyang presensya para maramdaman mong hindi ka nag-iisa.
"Pinapansin ka naman ba?" marahan niyang tanong. Bumulanghit naman ng tawa si Tiffany.
Ang babae talagang 'to, masyado akong binubuko!
They used to know me na laging ako ang hinahabol—hindi ang naghahabol. Pero, hindi naman siguro nakakahiya kung minsan ikaw ang maghabol, 'di ba? Saka, laro-laro lang naman! But, still, I don't want them to know.
"Oo! Binigyan niya nga ako ng notes nang um-absent ako sa dalawang subjects kahapon, eh!" pagmamalaki ko pa. I saw Tiffany's eyes widened, mukhang hindi makapaniwala.
"Weh? Baka gawa-gawa mo lang 'yan. Eh 'di ba nga kulang na lang lumuhod ka para lang mapansin niya? Eme ka!"
"Tiff, katabi ba kita? Syempre ang layo mo, 'di mo talaga malalaman!"
Totoo naman kasi! Kinausap kaya ako kahapon ni Theo. 'Di ba nga'y na-miss ako dahil um-absent ako sa magkasunod na subjects?
'Di ba?!
"So, ano? Bet mo? Tinamaan ka na?" si Daphne.
"Huh? Ang OA niyo! 'Di ko naman totally gusto! Hindi naman siya ganoon ka-guwapo, ano?!" Nag-iwas ako ng tingin sa mga nanunuri nilang mata saka lumagok ng isang shot glass ng vodka. Mabilis na gumuhit sa lalamunan ko ang init kaya sandali akong napapikit.
"Aysus! Baka naman nag-de-deny ka lang."
"The hell, Daph! Hindi, ok? You know me, naghahanap lang ako ng mapaglilibangan. And I never chase. I'm just playing with them." I declared, my tone sharp and sure, like I had nothing to prove.
Pero ang hirap papaniwalain ng mga 'to. Well, katabi ba naman nila si Tiffany, aba'y talagang hindi sila maniniwala sa akin!
"Are you sure, hindi guwapo?"
I paused for a minute, trying to analyze Bethany's question. "Hmm... sakto lang," kaswal kong sagot, pero ang totoo'y ang dami kong puwedeng i-describe tungkol kay Theo.
Literal na pasok sa banga!
May itsura siya, yes na yes, hindi ko naman itatanggi. Matalino rin, aba laging sumasagot sa recitation unang araw palang niya sa klase! Napapabilib nga ako, eh. Bad breath? Hindi rin! Lagi ko ngang naaamoy ang mabango niyang hininga kahit may distansya kami sa isa't isa. He's tall as well, para nga akong langgam kapag kaharap siya, eh. He also has fair skin, hindi ko nga alam kung lumunok ba siya ng glutathione o sadyang natural na maputi siya—mas kulay gatas pa ang balat niya kaysa sa akin! Kulay asul din ang mga mata na talagang kahit sa malayo, pansin na pansin ko siya. Probably, he's not a pure Filipino.
All in all, he's the definition of "perfect". Sa rami ng mga lalaking nakikilala ko, siya lang ang nag-top sa taste ko. Wala ka talang mapupuna sa kaniya kung hindi 'yong mga magaganda lang.
"Sige, ah, hindi pala guwapo." Nagtinginan silang apat at pagkatapos ay nag-apiran.
Mga taksil!
"Bahala nga kayo! I'll just go the the restroom." Tumayo ako at mabilis silang iniwan doon.
Binaybay ko ang daan patungo sa cr, pero hindi naman talaga ako naiihi, gusto ko lang talagang makaiwas sa pang-aasar nila.
I just need to check on myself first kasi baka puro lang ako salita pero iba naman pala ang sinasabi ng galaw.
Please, don't forget to vote this chapter. Gracias!
YOU ARE READING
Annoyingly Yours [Editing In Progress]
Romance📍COMPLETED📍 BLURB Lia is certified as "annoying" according to Theo-a transferee from another school who now attends the same one as Lia. They're both BSBA Management students and even sit next to each other in class. Naturally, Theo gets irritate...
CHAPTER 6
Start from the beginning
![Annoyingly Yours [Editing In Progress]](https://img.wattpad.com/cover/395802857-64-k863864.jpg)