[42] The One With The OTP

250K 5.7K 5.3K
                                    

Chapter 42: The One With The OTP

The first week of my December just ended in a slightly weird note.

Ugh.. maybe it's just me.

Hindi ko alam kung maka-classify ko ba na weird yung nangyari sa 'kin ngayong araw. Masyado lang siguro akong nabore sa buong linggo ko kaya naghahanap ako ng bagay na weird or exciting. Wala kasing shooting ng Tila and sobrang busy ni Andreau sa China docu preps kaya hindi kami nagkita buong linggo. Nalunod naman ako sa French literature readings at Phil History handouts! Sobrang boring this week, promise.

Well.. Andreau made my week a bit bearable. Buong linggo kaming magka-Facetime, iMessage or text. Kailangan daw niya kasi ng pampanormal ng crazy schedule niya. (I'm starting to believe na mascot talaga ang tingin sa 'kin ni Francisco. Grr.) And almost 50% ng conversations namin ay tungkol sa isang World War II documentary na ipapalabas sa Film Institute this Friday. Nagkataon na required kong panoorin ang docu na 'yon for my Phil Hist class, at gagawan ko pa ng reaction paper ugh. Tuwang-tuwa naman si Andreau nang malaman niya na manonood din ako. Siya na raw bahala sa tickets ko since nakalimutan kong bumili.

Five months kong hinintay 'yon, Zades, he repeated in his annoyed tone last night habang magka-Facetime kasi. Inaasar ko kasi siya, minsan lang kasi magfanboy si Andreau at sobrang cute niya pag ganon. Masama bang maexcite?

Black and white ba 'yon? If it's black and white I'm not going to watch it na. Igawa mo na lang ako ng reaction paper okay?

Unfortunately, the docu's colored, Zades. Remastered yung ilang parts dun na mismong footage from the Nazi--

Mas gusto ko pa kapag Breaking Bad ang kinukwento mo sa 'kin--

You never listen to me when I'm talking about Breaking Bad.

True. I always tune you out. Pero you talking about history.. No thanks.

Why? I just want to share my knowledge, Zades. Hindi naman kita pinipigilan kapag nagsasabi ka ng word porn ah.

Yeah right. Hindi mo nga ako pinipigilan but you have this look na parang Oh shit the crazy woman's speaking in a different language I must tune her out blah--

Hey! I'm not like that!

You're secretly judging me. That ain't fair.

You know I don't. Teka lang, ano nga bang pinag-uusapan natin?

(A little secret that I will take with me to my grave: I find Historian!Andreau really hot and really really attractive. Facetime pa lang 'yon ha. What more kung personal? Spontaneous combustion ata ang mangyayari sa 'kin if ever.)

*

Honestly, it was Andreau who made things weird.

Buong araw kaming magkatext, kahit nasa klase ako at siya.. nasa condo niya ata? 4:30pm pa naman ang film showing at napagkasunduan namin na sa Film Insti na lang kami magkita. May meeting pa kasi siya before the film showing, at tapos na ang classes ko that time so nauna na ako.

While waiting for him, may nakita sa linya ng tickets na hindi ko ine-expect.

Si Pipo.

I haven't seen him since we presented the plan to our org and his frat. May occasional e-mails lang, reminders about our project next year (na almost three months away na lang).. and that's it. Naalala ko tuloy nung huli kaming nagkita, tinanong niya ako kung may Facebook account ako. He shot me a weird look when I told him na hindi ako masyadong nagfi-Facebook. I was like okay judge me all you want pero I find Facebook so boring. Naweirduhan siguro siya sa 'kin kaya never na niya akong kinausap ulit. Or maybe na-off siya sa 'kin nung ibalik ko sa kanya yung brown ballpen na bigay niya sa 'kin. Hay.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon