Smile
"Pass, pre. Kay Haru ako ngayong araw."
Narinig ko ang sunod-sunod na malulutong na mura ni Primo sa kabilang linya. Hindi ko na napigilan ang tawa dahil ganito na talaga ang inaasahan kong reaksyon niya.
"Tangina, korni. Paawat ka naman," punong-puno ng sama ng loob na sambit niya. "Hindi ka pupunta sa booth namin?"
"Ano bang meron sa booth niyo? May pagkain?" nakangising sabi ko habang inaayos ang snacks na inihanda ko para kay Haru.
"Marami," aniya.
"Ibibili ko si Haru mamaya," tugon ko.
He let out a scoff. "Kapag kay Haru galante. Kapag mag-aambag sa amin, bente?"
"Bakit? Mapapakilig niyo ba ako?" ismid ko.
"Hindi pero kaya kitang paiyakin," he grumbled.
"Ulol," I retorted with a grin. "Basta sa kanila ako ngayong araw."
"Kinalat mo pa talaga 'yang kaasiman mo," pangbabara niya ulit.
A smirk played on my lips. "Bakit? Gusto mo rin ba?"
"Yak," pandidiri niya saka walang sabi-sabing pinatay ang tawag.
Mas lalo akong natawa nang makita ang caller ID niyang Angry Bird na pula ang nakalagay na picture. Sinadya ko 'yon dahil saktong-sakto sa ugali ni Primo. Pang-asar na rin namin sa kanya.
He was inviting me to their booth, but I couldn't come since I'd be helping Haru and his blockmates today. Dadaan na lang siguro ako para bumili ng makakakain.
Inilagay ko sa maliit na bag iyong lunch box na naglalaman ng snacks. I prepared it earlier so Haru could eat later at the booth. Sigurado kasing malilimutan na naman niya kumain dahil magiging abala sa pag-aasikaso.
Maaga raw siyang aalis ngayong araw kaya maaga rin akong gumising para sabay na kami papunta roon. Ang alam ko ay may mga aayusin pa sila kaya makikitulong na rin ako.
Maging ang mga kaibigan ko mula sa ibang department, iniimbita rin ako sa mga booth nila. Hindi ko sigurado kung makakadaan ako, kaya nag-iwan na lang ako ng mensahe upang ipaalam na baka hindi ako makapunta.
Justin De Vera:
boo!! traitorrr 👎🏻 sige, ipagpalit mo kami sa mga biology studentYsaac El Pueblo:
taina oa hahahaha baby ko kasama koJustin De Vera:
BOO 👎🏻Ysaac El Pueblo:
ratJustin De Vera:
kami nlang pala nila pau punta dyan sa booth nyoYsaac El Pueblo:
yan tama. edi may nagawa rin kayong mabutiJustin De Vera:
busitIbinulsa ko ang phone at isinukbit ang bag na naglalaman ng mga kakailanganin namin mamaya tulad ng pagkain, mini fan, alcohol, towel, pamaypay, tissue, at tubig. Lahat iyon, para kay Haru.
I'm sure he can take care of himself, but I want to take care of him too. Lahat ng mga bagay na makakalimutan niya, ipapaalala ko. Lahat ng mga hindi niya magagawa, gagawin ko.
Isang malawak na ngiti ang ibinungad ko nang bumukas ang pinto ng apartment niya. The atmosphere shifted the moment he came into view.
Suot niya ang itim na basic cotton long sleeve na ipinares sa sand brush wide denim at black derby shoes. Sa pala-pulsuhan naman ay may suot siyang itim na smart watch. And of course, his glasses completed the whole look.

BINABASA MO ANG
In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)
Romanceysaac & haru bl story | on-going