Chapter 6
May paparating??
Maya maya pa'y nakarinig ng ako nang pagkatok mula sa pinto ng klinika.
Iniluwa—tumambad sa aking harapan ang isang Kyle Rain na may dalang...prutas? Ano ako? Dinalaw na may sakit sa ospital?
"Gising ka na pala pres..." Ay hindi, tulog pa siguro ako 'no?
"Oh, kainin mo baka mahimatay ka pa ulit." Inabot niya ang prutas. S'yempre kinuha ko, may choice ba ako?—well me'ron naman, pero sayang e. Libre. Hehe.
"Ah, S-salamat.." naiilang kong sagot. "Ah, nga pala, Ikaw nagdala sa'kin dito?"
"Oo. Hinahana-"
"Pa'no mo'ko nakita?" bigla kong tanong.
"Wait lang kasi pres, patapusin mo muna ako,"
"Ay, sorry."
"Hinahanap kasi kita kanina-"
"Bakit?"
"Attendance sheet kasi natin napunit."
"Ahh" sagot ko at tumango-tango— "—Ha?!"
Sorry ha? 'di ko na process agad e.
"Napu—"
"Bakit?! Paano?! Kailan pa?!" sunod-sunod kung tanong.
"Pres, isa-isa lang naman, mahina ang kalaban oh," Aniya.
"S-sorry,"
"Ayos lang, saka ko na sasabihin 'di ka p'wedeng ma-stress, bigay mo nalang sa'kin copy."
Agad akong napatingin at sinamaan siya ng tingin.
Edi lalo akong na-stress sa kakaisip kung paanong napunit ang attendance sheet namin na sa special paper ko na pinrint para hindi agad masira? Bruhh! Sayang ink ng printer!!!
Kung tutuusin simple lang naman 'to, hindi ako para ma-stress, kaso kasi, what the fuck?! Just what the fuck?! Hidni lang isang dosenang beses na akong nagpaptont this day! Isang daan na nga yata gastos ko para lang sa attendance e!
Lalo ko siyang sinamaan ng tingin ng hindi pa rin siya nagsalita.
An'sarap ng prutas. Kyle, ang sarap mo...
....Ang sarap mong sapakin yawa.
"Oo na, oo na, sasabihin ko na, jusko baka pinapatay mo na'ko sa utak mo e."
"Aba'y dapat lang-so ano nga?"
"Kasi—"
*Tok Tok Tok
Inis kong ibinaling ang tingin sa pintuan.
"H-hi?" Zhane...
"O-okay ka lang?" Tanong niya. Damn mukha ba?
"N-nahimatay ka raw... because of stress... Is it because of m-me?"
Hindi ako nakasagot. I think about it.. Dahil sa stress kaya ako nahimatay? Sa'n ba'ko na-stress?
Humigit siya ng upuan at tumabi kay Kyle. "S-sorry..." Aniya at dahan-dahan ang naging pagtulo ng kaniyang maiinit na luha na dumaloy sa kaniyang pisngi mula sa kaniyang mga mata.
Tumingin lang ako sa kaniya ng walang emosyong pinapakita. Hinihintay kung May sasabihin pa ba siya.
"R-Rhz... S-sorry..."
Gusto kong sabihin na okay na, na okay lang ako, but I don't know? It's just... I just can't.
I don't know, but still, I spoke. "Are you done? P'wede ka na bang umalis? I'm tired."
YOU ARE READING
Yesterday's Tomorrow, Tomorrow's Yesterday (Childhood Series #1)
RomanceYesterday's Tomorrow, Tomorrow's Yesterday is a fictional story about romance and highschool-fiction. Xhyrzhllynn Mei Fidel Castro. She has a past with Hydro Zhane Sumilhig Guttierez. They're old childhood friends but fell in-love for each other. Th...
