Chapter 15

3.4K 226 175
                                        

KKB

Noong araw din na 'yon, imbis na umuwi ay sa ibang lugar ako dumiretso. Dapat ay nagpapahinga na ako dahil ito lang ang araw na wala kaming training pero alam kong mababaliw lang ako roon lalo na kapag nakita kong bukas ang ilaw ng apartment niya.

I didn't know where my feet took me. Hanggang sa namalayan ko na lang na naglalakad ako patungo sa bahagyang ingay ng kalmadong dagat.

Inilapag ko ang mga nabiling inumin sa buhangin saka ako umupo roon. I sat in front of the waves, the moon shining brightly in the dark sky. Pakiramdam ko'y ito ang klaseng katahimikan na kailangan ko ngayon.

It was a beach resort in Cavite. Natatandaan kong nag-outing na rin kami rito ng mga kaibigan ko na taga ibang university noong second year. Nagustuhan ko ang pagiging kalmado ng dagat, kaya rin siguro dito ako dinala ng mga paa ko para mag-isip isip.

Nag-iwan na lang ako ng mensahe sa group chat namin. Nag-share na rin ako ng location kung sakaling gusto nilang sumunod. But I doubt they will. Gabi na rin at mukhang abala ang iba.

Ysaac:
punta kayo kung gusto niyo hahaha magmumukmok lang :)

Tangina. I'm being so damn dramatic. Sino mag-aakalang pupunta ako ng Cavite para lang mag-isip? Pwede ko namang gawin iyon sa banyo habang naliligo. May shower naman ako.

Binuksan ko ang isang bote ng rootbeer. Natatawa na lang ako sa sarili habang tinutungga iyon. Hindi ko magawang bumili ng nakakalasing dahil baka hindi ako makauwi.

Lakas magdrama, rootbeer naman ang iniinom. Hayop na 'yan. Kahit si Haru pagtatawanan ako, eh.

But it's fine. Si Haru naman 'yon. Kahit nga yata pagtrip-an niya ako, matutuwa pa rin ako dahil nabigyan niya ng atensyon. Mas ikakabaliw ko ang ginagawa niya ngayon na hindi pagpansin sa akin. Tapos makikita kong may kasamang iba? Double kill.

Pinagmasdan ko ang dagat sa harapan. Kasalungat ng pagiging kalmado noon ang ingay at gulo sa isip ko. To drown out the noise in my mind, I played a familiar song on my phone.

Touch by Cigarettes After Sex.

Kaso lalo akong nalungkot. Parang kinakanta lang lahat ng nararamdaman ko, eh. Ngunit hindi ako napigilan noon para i-play iyon paulit-ulit.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo roon mag-isa at nakatulala sa kawalan. Naputol lang ang pag-iisip ko nang makarinig ng mga yabag mula sa likuran.

Nang lumingon ako, nakita ko si Sanjo na may dala na plastic bag at sa loob noon ay ang dalawang paper box. Mukhang tapsilog ang laman. Iyon lang naman ang lagi niyang kinakain. Paborito niya, eh.

"Ang layo mo naman magmukmok," he said as he sat down beside me, placing the plastic bag in the space between us.

Imbis na doon mapatingin, nanatili ang mga tingin ko sa kanya. O sa mukha niya. Mayroon siyang mga pasa roon at sugat. He even had a cut on his lip. Pero mukhang ilang araw na iyon dahil naghihilom na.

"Tangina, anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko.

Nagawa pa niyang tumawa at umiling. "Wala. Naaksidente lang."

"Gago?" Namilog ang mga mata ko. "Kailan? Bakit hindi namin alam?"

"Medyo ilang araw na rin. Okay naman na. Napagamot ko na rin," pagsasawalang-bahala na sagot niya.

"Aksidente? Nabangga ka? Sinong bumangga sa'yo? Nai-report mo na ba? Kung hindi pa, halika sasamahan kita. Gago 'yon, ah!" I said worriedly, just as I was about to stand up.

Tumawa siya, para bang hindi sineseryoso ang pag-aalala ko. "Tanga. Paano kung ako pala ang nakabangga?"

Bumalik ako sa pagkakaupo. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa mga sugat niya. Napapakunot ang noo ko roon dahil mas maraming pasa.

In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon