LyssamNakangiwi kong nilalagyan ng mayonnaise ang mga hiniwang pear. Iyon ang gustong kainin ni Vira. Hindi ko maimagine ang lasa nun at wala rin naman akong planong tikman. Sinasawsaw niya sa mayonnaise ang pear. Halos iyon lang ang kinakain niya araw-araw. Wala siyang ganang kumain ng kanin.
Nalaman na rin naman nila Mama na buntis nga ulit si Vira. Hindi na rin naman nagulat sila Ate Donna dahil inaasahan na raw niya iyon. Excited ako pero mas excited si Aela nang malaman niyang may magiging kapatid na siya.
Nang matapos kong ihanda ang gustong kainin ni Vira ay dinala ko na iyon sa kwarto namin. Pag bukas ko ng pinto ay nag salubong agad ang kilay ko nang makita si Vira na nilalabas sa wardobe ang mga damit niya. Mas lalo lang akong nag taka nang makitang may maleta sa kama niya. Nag iimpake siya.
Binaba ko sa mesa ang pagkaing dala ko.
"What are you doing?" tanong ko sa kanya. Sumulyap naman siya sakin at ngumiti pero binalik din agad ang tingin sa ginagawa.
"Nag iimpake."
"I know, but why?" lumapit pa ako sa kanya. Nang akmang ilalagay na niya ang damit niya sa maleta ay mabilis ko itong sinara. Nagulat pa siya sa ginawa ko.
"Uuwi ako sa Canad—"
"Are you going to leave me again? Are you still mad at me?" naiiyak na tanong ko sa kanya. Napaawang naman ang labi niya. Hinawakan ko pa siya agad sa braso para mas maharap siya sakin.
Aalis nanaman siya? Iiwan niya ako ulit gaya noon? Noong una ay maiintindihan kong dahil galit siya sakin, pero ngayon balak nanaman niyang umalis. Aalis ulit siya bago man lang ako makabawi? Hindi ko na nga napigilan ang mga luha ko.
"Sam—"
"Knowing there's a baby with you now, I'm scared you'll leave me again like before... babe, please don't do this. I don't think I could survive that again." umiiyak na pag mamakaawa ko. Napaluhod na ako sa harap niya na mas lalo niyang ikinagulat. Pilit niya akong hinihila patayo.
"Sammie! Tumayo ka nga!"
"I'm so sorry for everything... patawarin mo na ako, Vira." niyakap ko pa ang baywang niya at nag angat ng tingin. Tinutulak niya naman ako at gusto akong patayuin pero hindi ko ginawa.
"Uuwi lang ako sa Canada dahil graduation na namin!" sabi niya nalang. Natigilan naman ako. Nang makita kong seryoso nga siya ay tumayo ako agad at mabilis na pinunasan ang mukha kong puno na ng luha.
"Bakit di mo agad sinabi?!"
"Sasabihin ko naman eh!" singhal niya sakin pabalik. Bumusangot lang ako at naupo na sa kama.
"Kailan?"
"Ngayon! Sinabi ko na nga diba?" umirap pa siya sakin. Ang init talaga ng ulo niya. Tinulungan ko nalang siyang mag impake.
"Sasama ako." agad na sabi ko.
Tinignan niya lang ako at mukhang balak niya pa sanang pumalag pero mas pinili nalang na hayaan ako. Kahit pa ayaw niyang pumayag. Mag pupumilit parin naman ako.
Nang matapos kaming mag ayos ng mga damit ay nag pahinga na rin naman kami Vira. Pinapatulog na niya si Aela at nalaman ko ngang sa susunod na araw na pala niya balak bumalik ng Canada pero ngayon niya lang sinabi.
"Hindi ako makatulog." busangot na sabi ni Vira nang makahiga na siya sa kama. Taka ko naman siyang tinignan.
"Why?"

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...