AlviraNagugutom ako pero wala naman akong gana. Gusto kong kumain ng prutas. Binuksan ko ang fridge nila Sammie at marami namang iba't ibang prutas doon pero wala ang gusto kong kainin. Walang pear.
Hanggang sa naisipan kong bibili nalang sa labas. Nakiusap muna ako kay Ate Donna na siya ang mag babantay kay Aela, gusto niya pa nga na samahan nalang ako pero hindi ako pumayag. Kaya ko namang umalis mag isa.
Iyon nga lang, nong makaalis na ako at bibili na sana, may nahagip ang mata ko. Natigilan ako sa pag pasok sa pinto nang matanaw ko sa di kalayuan ang kotse ni Sammie. Mas lalo lang kumunot ang noo ko nang makitang may babaeng lumabas doon.
Medyo malayo sila pero kitang-kita ko kung sino iyon, pamilyar sa akin at kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong Kristine. Pumait agad ang pakiramdam ko, lalo na nang makitang lumabas din ng sasakyan si Sammie at parang may kinuhang gamit sa backseat.
Nang makita kong sabay silang pumasok sa isang pinto ay hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. Tulala lang akong nakatitig sa kanila hanggang sa ilang sandali lang ay nakita ko na si Sammie na lumabas ulit at mabilis na pumasok sa kotse.
Nang makitang nakaalis na iyon ay napapikit nalang ako ng mariin at napayuko dahil bumibigat na ang pakiramdam ko. Ayaw kong mag isip ng kung ano-ano pero hindi ko maiwasan dahil lagi niyang kasama ang babaeng 'yon. Kung tama ang hinala ko ay iyon din ang laging nag te-text at tumatawag sa kanya.
Nag propose siya sakin, pero bakit may kasama parin siyang ibang babae? Napatiim bagang nalang ako sa inis at mas lalo lang nag uunahan ang mga luha kong tumulo. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang phone sa bulsa at mabilis na tinawagan si Yiren.
"Hello? Vira?" agad na sagot niya. Hindi ko magawang igalaw ang labi ko at tanging hikbi lang ang lumalabas doon.
"Where are you?" dagdag niya nang hindi ako sumasagot, bakas pa sa boses niya ang pagtataka at pag aalala. "Vira? Nasaan ka? Why are you crying?!"
Nakailang ulit pa siya ng tanong kung nasaan ako bago ko nagawang mag salita. Nang sabihin ko kung nasan ako ay sinabi niya agad na pupunta siya. Di nag tagal, may humingong kotse na nga sa harap ko at lumabas doon si Yiren. Nag salubong ang kilay niya nang makita ako.
Napahilamos pa siya ng palad sa mukha at halatang nagagalit na, alam kong gusto niyang mag tanong sa akin pero mas pinili niyang papasukin nalang muna ako sa kotse niya dahil marami ngang mga taong dumadaan sa banda ko. Nang makapasok ako sa front seat ay huminga ako ng malalim at pinahiran ang luha ko.
"What the hell did that idiot do this time?" madiin niyang tanong sa akin at pinaandar ang sasakyan niya. Sinuklay niya pa ng daliri ang mahabang buhok na halatang naisstress na. Hindi agad ako nakasagot kaya nag tanong siya ulit.
"Sa condo ba kita dadal—"
"Hindi. Huwag... alam kong pupunta doon si Sammie. Ayaw ko siyang makita." agad na putol ko sa kanya. Tumango naman siya at pinaandar ang kotse.
"Kumain ka na ba?" tanong nanaman niya. Umiling lang ako. "Perfect, ako rin kaya kumain muna tayo. Tell me everything." dagdag niya pa. Bakas sa boses niya ang nag pipigil lang ng inis.
Kinuwento ko nga sa kanya lahat ng nakita ko kanina. Tahimik lang din naman siyang nag mamaneho at seryosong nakikinig sakin. Hanggang sa makarating kami sa isang restaurant ay hindi parin siya umiimik. Nang makaupo na kami sa isang table ay doon pa siya huminga ng malalim at pumikit ng mariin.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...