Chapter 29

467 18 1
                                        

Lovely Pov

Tang-ina hindi ko alam ang gagawin ko gusto kong umalis na sa harap ng bahay namin.

Bumalik ako para kamustahin si mommy wala akong pake kong bubulyawan ako ni daddy kapag nakita niya ako dito.

Hindi kasi ako mapakali, ewan.

Nakasandal ako sa motor na binigay sakin ng girlfriend ko noon, ang angas ko talaga tignan.

Napatayo ako ng matuwid ng matanaw ko si manang che.

"Ohh iha kanina kapa ba dito?" Tanong ni manang che ngumuso ako at tumango na parang bata.

Tumawa ito at binuksan ang gate para makapasok ako, dinamba kaagad niya ako ng yakap, na miss ko siya.

Na-miss ko ang nagpalaki sakin at yung nagdala sakin ng 9 months.

"Tamang-tama wala yung daddy mo dito, at kasama niya ang lahat bodyguard pumunta sa Spain." Kumalas siya ng yakap sakin at hinaplos ang pisngi ko.

Ngumiti siya bakas sa mukha niya ang saya.

Nag-text kasi ako sakanya na bibisita ako, and her said din na namiss ako ni mommy kaya kaagad akong nag yes.

Busy din ang girlfriend ko kaya wala akong magagawa ebat adan- ebat adan- joke.

Busy kasi si mahal sa company niya kaya hinayaan ko nalang at day off ko naman ngayon dahil walang pasok ngayon.

Nakaakbay ako kay nanay che papasok sa bahay, sa pintuan palang ay amoy na amoy ko na yung paborito kong ulam chicken curry.

Palihim ako napangiti dahil alam ko kong sino ang nagluluto sa kusina.

Rinig ko din ang boses niya dito.

"Nako yang mommy muna yan hindi nakatulog dahil nalaman niyang pupunta ka dito." Masiglang sabi niya inalis ko muna ang pagkaka-akbay ko sakanya at hinarap siya.

"Nay natatakot akong kausapin si mommy dahil sa mga cold treatment na ginawa ko sakanya noon." Sumbong ko.

"Nako itong alaga ko wag kang mag-aalala hindi galit ang mommy mo sayo, alam ko kong gaano ka niya kamahal, alam ko din na magkaganon ka dahil sa daddy mo kaya sana bumawi ka sa mommy mo anak, bumawi ka anak habang maaga pa, habang kaya pa ng katawan niya." May kahulugan na sabi niya tumango-tango ako at niyakap siya ulit.

Wait!

"What do you mean manang?"

Umiling ito. "Wala anak alam muna tumatanda na kami." Napanguso ako dahil na gets ko ang ibig niyang sabihin.

Alam kong masakit para kay mommy ang pinagagawa ko noon.

Nagsisi nako.

Ayaw kong mawala sila, babawi pako tutuparin ko ang pangarap ko.

Sila nalang ang natira sakin, sila nalang ang itinuring kong pamilya.

Napatingin ako sa may biglang tumili, it's my mom with her wide smile.

"Anak ko!" Sigaw niya, muntik pa kaming matumba dahil bigla niya akong niyakap.

Tinignan ko si manang che maluha-luha itong nakatingin samin tumango ito sakin.

Kaya niyakap ko pabalik si mommy, nataranta ako dahil bigla siyang umiyak.

"Hala mommy." Pag-alalang bigkas ko.

"Na-miss kita anak ko, alam mo ba yun palagi kitang iniisip kong okay ka lang ba? Kumakain kaba sa tamang oras, may mga grocery kapa ba, kumakain ka sa tamang oras." Bakas sa boses niya ang pag-aalala, kumalas ako ng yakap sakanya at tinignan siya.

Dry your tears (Intersex) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon