Chapter 58

6.1K 299 138
                                        


Lyssam

"Ano ba kasing pinaplano mo?" iritang tanong ni Yiren sakin habang ginagawa niya ang eyeliner niya, tinignan niya lang ako mula sa repleksyon ng salamin sa harap niya. Ngumisi naman ako.

"I want to propose to Vira, but I still don't know in what way." sabi ko nalang habang pinapanood parin siya. Sinusuklay naman niya ngayon ang buhok niya.

"Did she already say that she loves you?" taas kilay na tanong niya sakin. Doon na ako napaayos ng upo. Nag buntong hininga ako at pinaikot-ikot nalang sa daliri ang iilan sa mga cosmetics niya.

"Uh..."

"Hindi?!" di makapaniwalang tanong niya sakin. Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Well, alam naman na natin pareho na gusto niya talaga ako ayaw niya lang aminin." mataray na sabi ko. Humalukipkip pa ako. Humarap naman siya sakin at pinaningkitan ako ng mata kahit singkit naman na siya.

"What if she really doesn't love you?" seryosong tanong niya. Napalunok nalang ako ng laway.

"Yiren..."

"Nevermind! Let's just remind her of how she's felt about you all this time." walang gana niyang sabi at nag patuloy na sa ginagawa sa mukha niya.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

"Throwback video. Gumawa ka ng video gamit ang old clips and photos natin then show it to her as a way to remind her of all the good times and how her feelings have grown. That will bring back all her emotions." kumindat pa siya sakin. Nanlaki naman ang mga mata ko at mangha siyang tinignan.

"Perfect!" excited na sabi ko, hinila ko pa ang mahaba niyang buhok na agad niyang ikinamura sa sobrang sakit.

"Pero... saan naman ako kukuha ng videos?" mahinang tanong ko nang mapagtantong hindi ako mahilig kumuha ng mga videos namin noon. Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan bago siya nag salita ulit.

"Go get my laptop." agad na sabi niya. Nag angat ako ng tingin sa kanya at napangisi nalang nang maalalang mahilig si Yiren mag record ng mga kung ano-ano lalo na noon kaya posibleng marami siyang photos and videos namin.

Nag lakad na ako patungo sa kwarto niya pero bago pa ako tuluyang makapasok sa pinto ay hinila na niya ang damit ko para pigilan ako.

"Wait, ako na!" pag tataboy niya sakin. Tumango nalang ako at siya na ang pumasok sa loob. Hindi nag tagal, lumabas na rin naman siya dala ang laptop niya, nag tipa muna siya ng password bago inabot sa akin.

"Ang daming videos, saan dito ang—shit!" mura ko nang maipit ang daliri ko dahil bigla niyang sinara ang laptop. Inis niya pa itong inagaw sakin.

"Akin na nga, ako na mag send ng clips sayo." mataray niyang sabi. Nag buntong hininga nalang ako at binigay na sa kanya ang phone ko.

Marami-rami rin ang mga videos and photos na nasend niya sakin at pinanood ko pa 'yon lahat at hindi ko maiwasang makaramdam ng pinag halong saya at lungkot habang pinapanood iyon.

Masaya dahil nakakatuwang tignan na ang dami na rin pala ng pinagdaanan naming tatlo, at kadalasang sa mga videos na 'yon ay makikita ko pa na may ibang mundo kami ni Vira.

Nakakalungkot din dahil alam naming hindi na maibabalik ang mga panahon na 'yon, nakaka-miss. Sobrang saya namin sa mga clips na 'yon, sa sobrang saya... nakakalungkot nang panoorin.

At iyon na nga ang mga ginamit ko para maalala ni Vira ang nararamdaman niya sakin, alam kong hindi niya naman iyon nakalimutan, pilit niya lang na tinatago. Mukhang epektibo naman dahil nag "yes" siya sakin.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon