Sour
Nilakad na lang namin ni Haru ang papunta roon sa nabanggit kong paresan dahil malapit lang naman iyon sa apartment. It was already past twelve, so the streets were pretty empty, but the city was still alive.
Tahimik lang akong naglakad sa tabi ni Haru. Parehas kaming may suot na cap. Ginaya ko lang siya kanina nang makitang kumuha siya noon sa loob bago lumabas. Kaya ngayon, matchy kami.
"Mahilig ka ba sa mga pares?" pagbasag ko sa katahimikan.
Umiling siya. "Hindi ko pa nasusubukan. Pero nabanggit ng mga kaibigan ko na masarap daw."
"Hala," gulat kong sabi. "Edi... pumayag ka kahit hindi ka pa sigurado kung masarap iyong kainan na sinasabi ko?"
Lumingon siya sa akin, saglit na napatitig, saka nagkibit-balikat.
"Okay lang kahit hindi masarap," tipid na sabi niya.
Basta kasama ako?
Hindi niya man iyon idinugtong, pero sa utak ko, kasama iyon sa mga sinabi niya. Sige, isipin ko na lang na masaya siya kahit saan basta ako ang kasama.
"Masarap don," pagbibida ko. "Ilang beses ko na nasubukan. Pati sila Hayes, iyon ang paboritong pares."
"Nabanggit din ni Koen 'yon. Favorite niya rin."
Parang umalingawngaw na naman sa tainga ko ang pangalan ng hinayupak na 'yon. Kahit saan talaga, kahit kailan, palagi na lang nababanggit ang pangalan niya! Mamaya talaga, icha-chat ko 'yon! Kahit mag-tropa kami, hindi ako papayag na nakikiagaw siya sa akin.
Kaya rin siguro nag-heart si Haru sa IG story ni Hayes noon! Iyong picture ng buong basketball team ng campus. Nandoon din si Koen!
"Bakit sumimangot ka?" puna niya nang bigla akong manahimik.
Pinapaulanan ko na kasi ng suntok ang kumag sa isip ko, eh. Nakakainggit.
"Wala, may naalala lang..." tugon ko.
Tumango siya at sa harap na ulit tumingin. Sakto naman na nakarating na kami sa paresan na bukas pa rin hanggang ngayon. May mga kumakain sa loob pero iilan lang naman. Makakapag-dine in siguro kami.
Itinuro ko ang isang bakanteng lamesa malapit sa electric fan. Hindi kasi aircon sa loob at baka mainitan si Haru, kaya sa nahahagip ng hangin kami pumwesto. Ipinaghila ko na rin siya ng upuan.
"Dito ka lang. Ako na ang o-order. Anong gusto mong inumin?" tanong ko.
"Tubig na lang," sagot niya, saka dumukot ng kung ano sa bulsa. Maya-maya pa'y nag-abot na sa akin ng 200 peso bill. "Ito pala bayad ko."
"Huh?" naguguluhang sambit ko. "Hindi na. Libre ko 'to."
He frowned, his hand still hanging in the air. "Huwag na, Ysaac. Ito na."
I shook my head, reassuring him. "Kapag kasama mo ako, hindi mo kailangan gumastos. Libre ko lahat."
Bigla siyang natahimik, para bang nagulat na naman sa akin. Unti-unting bumaba ang kamay niya sa lamesa.
"May gusto ka pa bang kainin? Mayroon din silang mga tokwa't baboy. Sure kang tubig lang iinumin mo? May kape naman, softdrinks, at juice," dugtong ko.
"Ayos na ako sa pares at tubig, Ysaac," aniya sa mahinang boses.
I stared at him for a few seconds before nodding. Hindi ko alam kung nahihiya lang ba siya o ayaw niya talaga. Medyo alam ko na ang ganitong side niya, eh. Ayaw niya ng nililibre.
Kaso iyon naman ang kabaliktaran ko. Utangero ako pero hindi madamot. I like treating my friends to food or trips whenever I feel like it. Kapag ako ang nag-aya, walang problema sa gastos.

BINABASA MO ANG
In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)
Romanceysaac & haru bl story | on-going