Chapter 2

1.8K 60 3

Flames Series 4
In the Name of Love
"MIRAH"
By...emzalbino

"There she is!" ngingiti ngiting sabi ni Tim habang nakamasid sa dalagang nasa kabilang hasyenda at kay husay na mangabayo......"Magaling ka naman palang magpatakbo ng kabayo?" anito na para bang kinakausap si Mirah na kaylayo ang distansiya nila.

"Manong Andoy, madalas bang mangabayo ang anak na dalaga ni don Gustavo Sebastian?" baling na tanong ni Tim sa trabahador sa may hasyenda na kasalukuyang nagtatabas ng mga matataas na damo sa paligid.

"Ah iyang si Mirah?" anang matanda na napatingin sa dako ni Mirah....."Araw araw ko iyang nakikita sa kabilang hasyenda na nangangabayo hanggang sa medyo tumaas ang araw. At kung minsan ay nakikita ko rin sa madaling araw na tumatakbo sa kanilang hasyenda bago mangabayo. Para bang walang kapaguran ang batang iyan at laging parang pinapagod niya ng husto ang kanyang sarili at minsan nga ay nagkatagpo kami sa may sapa ng saktong painumin niya ang kanyang kabayo at pinainom ko naman si Thunder" salaysay ni mang Andoy at ang tinutukoy niyang Thunder ay ang kabayong sinasakyan ngayon ni Tim.

"Ah ganun po ba!" sagot naman ni Tim na napatango lang ang matanda at ipinagpatuloy nito ang ginagawa......." Well, i have to know more about you Mirah" pabulong na wika ni Tim sa sarili habang papalayo sa kinaroroonan ni mang Andoy na nakasakay sa kanyang kabayong si Thunder.

........

Medyo pumanatag na ang kalooban ni Mirah ng mga nakaraang araw dahil sa hindi naman niya nakikita sa kabilang hasyenda ang bunsong anak ng mga Gonzalo at sa pagkakaalam niya'y nasa Maynila ito at abala sa mga kanyang ginagawa. Dahil sa totoo lang ay kaya siya muling nangangabayo sa araw araw upang mamatyagan ang nangyayari sa kabilang hasyenda.

Pinalakad niya ang kanyang kabayo na si Apollo sa may lilim ng malaking puno ng mangga upang sumilong doon at mamahinga. Hindi pa siya halos nakakatagal sa pagkakasabdal sa may punong mangga ng makarinig siya ng hiyaw ng kabayo sa paligid kaya naman napatingin siya sa kapaligiran kung saan galing ang ingay na iyon at ng matuon ang kanyang paningin sa kabilang hasyenda ay biglang naningkit ang kanyang mga mata dahil ang kanyang kinaiinisang tao ay palapit sa may boundary ng kanilang mga hasyenda habang pinapatakbo nito ang kabayo na walang damit pang itaas at nakasuot lang ito ng pantalon at ang t shirt nito ay soyang itinali sa ulo upang maging sumbrero nito.

"What the fuck! The evil is here already!" inis na bulong ni Mirah sa sarili habang nakikiramdam sa paligid. Maya maya ay nakita niyang pinahinto ni Tim ang kabayo nito sa may malapit sa bakod at nakita nito ang pagkunot ng mukha ng binata.

"Hooo! Hooo!" pigil ni Tim sa kanyang kabayo ng makita nitong sira ang bakod na nakapagitan sa kabilang hasyenda at natuon ang paningin nito sa mga bagong tanim na mga gulay at nakita nitong may kinainan sa katatanim palang na mga pechay at mga kamatis kaya naman biglang umusok ang ilong ni Tim sa galit .

"Mang Andooyyy come!" sigaw ni Tim sa matandang nasa di kalayuan na naglilinis ng paligid at tumatakbo namang lumapit ang matanda. Samantalang si Mirah ay napataas ang kilay nito sa pagsigaw na iyon ni Tim na para bang nakapa bossy nito.

"Ba-bakit Tim?" medyo hingal na tanong ni Mang Andoy ng makalapit na ito sa kinaroroonan ng among binata.

"Look Mang Andoy! Sino ang may kagagawan ng pagkasira ng bakod, at tingnan mo ang nangyari sa mga bagong tanim na gulay? Wala na! Kinain na ng mga stupid creatures!" galit na sigaw ni Tim na napatingin sa taong nasa lilim ng punong mangga dahil may duda siyang sa kabilang hasyenda nagmula ang nangyaring iyon.

"Ka-kasi nakawala kagabi ang mga bakang alaga ni Sario at nasira nila ang bakod at nakapasok sila rito pero pasensiya na dahil hindi ko na nakitang may kinainan pala ang mga baka na iyon sa mga tanim na gula" alalang salaysay ni mang Andoy.

Flames Series 4....In the Name of Love...."Mirah"....by...emzalbinoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!