Chapter 57

9.3K 452 265
                                        


Alvira

Ilang araw na ang nakalipas at hindi parin ako kinakausap ni Sammie. Nakikipag kulitan naman siya kay Aela pero sakin hindi siya namamansin, nakakaasar. Lagi rin siyang may lakad at hindi ko alam kung saan siya pumupunta.

"Mommy, where are we going?" tanong ni Aela.

Nandito kami ngayon sa condo ni Yiren dahil niyaya niya kami ni Aela na mag overnight sa kung saan. Dahil naiinis nga rin ako kay Sammie. Pumayag nalang ako sa aya ni Yiren para malibang naman ako.

"I'm not sure yet, baby, but we'll find out together!" nakangising sabi ko kay Aela. Hindi ko rin naman kasi alam kung saan kami pupunta ngayon.

Nag angat ako ng tingin kay Yiren at kita kong nakaayos naman na siya. Maarte niya pang hinawi ang buhok niya at ngumiti sa amin ni Aela.

"Let's go!" excited na sabi niya. Siya pa ang humawak kay Aela at naunang lumabas ng pinto kaya sumunod na rin ako.

Tahimik lang kami buong byahe, hapon na at nag aagaw na ang liwanag at dilim nang makarating kami sa lugar na tinutukoy ni Yiren. Medyo may kalayuan iyon at nakakapagod ang byahe pero nang makita ko na ang ganda ng lugar ay bawing-bawi naman ang pagod na naramdaman ko.

Sobrang ganda. Dahil nga hapon na ay kitang-kita ang kulay kahel na langit. Naunang mag lakad si Yiren at Aela sa akin kaya kitang-kita ko rin kung paano tumalon talon sa tuwa si Aela nang makita ang ganda ng paligid. May mga bulaklak pa at sobrang lawak ng bermuda.

"Mommy! Tata! We're having a picnic? A picnic? Yay!" masayang sigaw ni Aela.

Doon ko lang din napansin na may picnic mat pala. Napapansin ko ring may mga maliliit na ilaw sa mga puno. Pati ang ibang mga bulaklak may mga ilaw rin kaya kitang kita ang ganda ng mga kulay nun.

Naupo agad si Aela sa mat, may mga pagkain doon. May mga prutas, may wine, at iba't-ibang pagkain—halatang pinag handaan. May mga cute pang throw pillows.

"Mukhang pinag handaan mo 'to ah? Mag coconfess ka ba sakin?" pag bibiro ko kay Yiren. Masyado kasing romantic ang set up nito. Nalukot naman agad ang mukha niya na agad kong ikinatawa.

"Kadiri ka. Gusto ko lang mag unwind." sabi niya sakin. Naupo na rin siya sa picnic mat at nag hair flip pa. Nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok.

"Mommy! Can I eat now?" nakangising tanong ni Aela, tinuro niya pa ang strawberries na nasa picnic basket.

"Yes, baby." si Yiren na nga ang sumagot.

Ngumiti lang ako nang makitang masayang nilantakan ni Aela iyon. Naupo na rin ako sa mat, kinuha ko pa ang isa sa mga throw pillows at niyakap iyon. Medyo malamig ang hangin, mabuti nalang at sinuotan ko ng hoodie jacket si Aela.

"Para saan yan?" takang tanong ko kay Yiren nang makitang may projector screen sa harap namin. Napapalibutan rin ito ng maliliit na ilaw.

"Duh, of course! An overnight is never complete without a movie marathon! It's like the best part..." maarteng sabi ni Yiren. Natatawa nalang akong naiiling.

"Can I watch cartoons too? Please..." singit ni Aela habang kumakain parin ng mga prutas, ang grapes naman ngayon ang nginunguya niya.

"Yep, pag naubos mo na lahat ng pagkain." pag bibiro ni Yiren sa kanya. Tinignan lang siya ni Aela na nag tataka, hindi siya maintindihan.

Tumayo si Yiren at may kinuhang kung ano. Sinundan ko lang siya ng tingin at nang lumingon siya sakin ay ngumisi siya.

"I want to show you my favorite movie." sabi niya sakin. Tumango nalang ako. Bumaling ako kay Aela nang may iabot siyang isang piraso ng grapes. Kinain ko naman iyon at ngumiti sa kanya.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon