Alvira"Gusto ko. Payag ka?"
Natigilan ako agad sa sinabi niya. Nakahawak parin siya sa kamay ko. Nakatitig lang ako sa kanya, hindi sigurado kung tama ba ang narinig. Nakatitig lang din siya sakin na parang hinihintay ang magiging sagot ko.
Pero bago ko pa masagot iyon ay biglang tumunog nanaman ang phone niya. Bumaba ang tingin ko sa bulsa niya. Agad naman niyang kinuha iyon dahilan para makahawala ako sa hawak niya.
"Wait babe, iyong tanong ko." akmang pipigilan niya pa ako ulit pero inis na akong nag martsa palayo sa kanya.
"Vira. Alvira ang pangalan ko." madiin na sabi ko sa kanya dahil mukhang nakakalimutan na niya ang pangalan ko at sinisira na niya ang callsign naming tatlo ni Yiren dahil sa mga ginagawa niya.
"Okay, babe Alvira... iyong tanong ko." ulit niya sa nakakaasar na boses. Hayop talaga. Hindi ko lang siya pinansin at nag patuloy lang sa paglalakad.
Nang makapunta ako sa kabilang side ng kama ay walang gana akong humiga doon at kita kong seryosa lang ang mukha niyang may tinitipa sa phone. Humiga nalang ako sa tabi ni Aela at napairap sa hangin.
Napakawalanghiya. Kung ano-anong ginawa sakin tapos may iba naman pala siyang kalandian. Naiintindihan ko naman kung gusto niya lang maging ama ni Aela. Kung ganun, hindi niya naman kailangan gawin sa akin iyon, kung may iba naman siyang nagugustuhan. Naiinis ako. Gusto ko siyang kalbuhin.
Galit akong nakatingin sa kanya at kita kong sumulyap siya sa banda ko pero agad din akong umayos ng higda at pumikit. Niyakap ko pa si Aela na mahimbing nang natutulog.
Nag mulat lang ako ulit ng mata nang maramdaman kong gumalaw ang kama. Kita kong tumayo si Sammie at nilapag lang sa mag mesa ang phone niya. Pumasok siya sa banyo at ilang sandali lang narinig ko nang umaandar ang shower.
Nag buntong hininga nalang ako at pumikit ulit para matulog na pero di ako makatulog. Gumulong-gulong na ako at natatakot na nga akong gumalaw dahil baka magising na talaga si Aela.
Natigilan lang ako sa pag gulong-gulong nang marinig kong pinatay na ang shower. Pumikit ako agad at umaktong tulog na nang marinig kong bumukas ang pinto sa banyo. Amoy na amoy ko ang body wash na ginamit niya, sobrang bango nun.
Nakapikit ako pero hindi ako makatulog, nakiramdam lang ako sa kanya. Pansin kong parang may ginagawa pa siya, sa hula ko ay nag lalagay siya ng lotion o kung ano-ano sa katawan dahil naaamoy ko ang bango nun.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko ulit na gumalaw ang kama, hudyat na may humiga na. Hindi ko lang alam kung anong ginagawa niya. Bigla ring mas tumahimik ang paligid, tulog na ba siya?
"I love you..."
Agad akong napamulat nang mata nang marinig ko iyon. Kita kong nakayuko lang si Sammie at hinalikan ang noo ni Aela. Dahan-dahang umangat sa akin ang mata niya sakin at nang mapansing nakatingin ako sa kanya ay kita kong umangat ang gilid ng labi niya na parang natatawa.
Dahan-dahan din siyang lumayo kay Aela nang hindi parin inaalis sa akin ang tingin. Halatang nang aasar. Iniisip niya bang iniisip ko na ako ang sinabihan niya nun? Tangina niya pala kung ganun.
"Para sayo 'yon." sabi niya sakin, nagulat ako pero umirap lang ako dahil hindi ko alam kung talaga bang seryoso siya. Pakiramdam ko inaasar niya lang ako. Halata sa mukha niya.
Umikot nalang ako para talikuran siya dahil nabubwisit ako sa mukha niya. Pumikit lang ako para matulog na nang mag salita nanaman siya.
"Wow. Seen and ghosted in real life... okay, I'll just be over here dying... slowly..." rinig kong sabi niya.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...