Sammie"Smile, Aela!" pinapanood ko lang na kinukuhanan ng pictures nila Mama si Aela na ngayon ay nakatayo na sa harap katabi ang pony niyang nakasuot na rin ng pink an saddle.
Nag uumpisa na nga ang birthday party niyang kami kaming mag pamilya lang din naman. Nakatayo lang ako habang pinapanood sila, kita ko pa si Vira na may ka-video call na sa hula ko ay ang daddy niya. Pinapakita niya si Aela.
Bumaling naman ako kay kuya at kina ate Donna na ngayon ay pinapakain ng cake ang anak nilang si Levi. Pansin kong nag nakahalukipkip na nag lakad si Yiren palapit sa akin kaya napaayos ako ng tayo. Pinaningkitan niya ako ng mata kaya uminom nalang ako ng wine.
"I'm here to warn you, Sammie. I can't handle another trauma." madiin na sabi niya sakin nang tuluyan na siyang makalapit. Tumikhim nalang ako at tinaasan siya ng kilay. Mataray niya akong pinasadahan ng tingin na parang diring-diri sakin.
"What do you mean?" taas kilay na tanong ko. Umirap naman siya sakin at bumaling na rin sa banda nila Vira at Mama.
"You know exactly what I mean." sabi niya lang sakin, kita kong parang natatawa lang naman siya.
Hindi na ako umimik at pinapanood nalang ulit sila Aela. Kinuha ko pa ang phone ko para kunan sila ng litrato. Ngayon ay naka sakay na si Aela sa pony niya at patuloy parin siyang kinukuhanan ng pictures nila Mama. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti nang makitang sobrang saya nilang lahat.
Nakatitig lang ako kay Vira na ngiting-ngiti... maganda na siya pero mas lalo siyang gumaganda pag totoong masaya. Agad akong huminga ng malalim nang biglang may pumasok sa utak ko.
"Babe, I gotta tell you something. And I swear, don't make it weird." sabi ko kay Yiren nang hindi parin inaalis ang tingin kay Vira. Kita ko sa gilid ng mata na bumaling si Yiren sakin.
"Stop calling me that, kinikilabutan na ako. Spill it." iritang sabi niya. Mahina nalang akong natawa. Ramdam na ramdam ko ang pandidiri niya. Ang OA talaga.
"I want to propose to Vira." seryosong sabi ko. Hindi pa agad siya nakasagot. Ramdam kong gulat siyang nakatingin sa akin kaya bumaling ako sa kanya at nakaawang parin ang labi niya at nakahawak pa sa dibdib.
"Wow... I always kinda saw it coming pero nagugulat parin ako ngayong nanggaling na mismo sa bibig mo." sabi niya. Naiiling pa siyang bumaling sa harap kaya iyon nalang din ang ginawa ko.
"Kayo na pala talaga?" tanong niya pa. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko at dahan-dahang umiling. Kita kong napapikit siya ng mariin at parang dismayadong dismayado.
"Uh... no."
"Tangina. Mauuna pa ang kasal kesa sa label?!" madiin pero mahinang tanong niya sakin. Singkit siya pero pinandilatan niya parin ako ng mata. Bagsak ang balikat naman akong nag buntong hininga.
"Do we really need to be in a relationship first before I marry her, even if we both know we love each other?" busangot na tanong ko.
Ayaw nga kasing sabihin ni Vira na mahal niya ako. Ang dami nang nangyari, hindi niya parin inaaming may gusto siya sakin! Nakakainis pero ayos lang, makakahanap naman ako ng paraan. Kung ayaw niya akong jowain edi aasawahin ko siya. Siguro naman hindi na siya makakapalag nun?
"Ewan ko sayo, Sammie."
"I love her. I've known for a long time. I just needed to get my nerves in check." sabi ko nalang.
"So thirdwheel pala talaga ako noon pa? But seriously... I'm happy for you. You two are disgustingly perfect together." maarteng sabi niya na mas lalong ikinatawa ko. Natawa nalang din naman siya sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...