Alvira"Wait! Sasakay ka rin?" gulat na tanong ko kay Sammie nang sumakay din siya sa kabayo. Ang inaasahan ko kasi ay ako lang ang sasakay at iguguide niya lang ang kabayo!
Napaliyad pa ako nang maramdaman kong tumama ang likuran ko sa dibdib niya. Sobrang init ng katawan niya. Napakapit ako sa likod ng kabayo dahil umatras abante ito, nakakatakot na baka mahulog ako!
"You didn't think I'd let you take off on your own, did you?" rinig kong sabi niya sakin. Huminga ako ng malalim nang maramdaman ko ang hininga niya sa likuran ko.
Napalunok ako ng laway nang maramdaman kong mas lumapit ang katawan niya sakin, hinahawakan niya ang parang lubid, tumatama pa ang braso niya sa may baywang ko. Naninigas na nga ako dahil magkadikit na ang katawa namin.
"Besides... this way, I can make sure you really feel how the horse moves." bulong niya sakin, ngayon ay nakiliti na talaga ako dahil ramdam ko ang init ng hininga niya sa likod ng tenga ko.
Agad akong napapikit ng mariin at iniwas ang ulo ko palayo sa kanya na agad ko rin namang pinagsisihan dahil gumalaw nanaman ang kabayo.
"Malalaglag nako!" agad na sigaw ko. Mabilis niya namang hinawakan ang baywang ko para pigilang mangyari iyon.
"Bababa nalanga ko." agad na sabi ko nanaman pero nag umpisa nang mag lakad ang kabayo. Nanlaki agad ang mata ko dahil gusto kong lumayo sa katawan niya pero tuwing ginagawa ko iyon ay pakiramdam ko mahuhulog ako.
"Tangina, wag mo patakbuhin ah! Mahuhulog na talaga ko!" naiiyak na sabi ko. Natataranta nako, hindi ko na rin alam kung tatanggalin ko ba ang kamay niyang nakahawak parin sa baywang ko hahayaan nalang iyon para hindi ako malaglag.
Medyo bumilis na rin ang lakad ng kabayo, kaya mas lalo akong kinabahan. Ni hindi ko na nga madama ang ganda ng paligid dahil sa ulo ng kabayo nalang ako nakatingin para mamalayan ko agad kung sakaling malalaglag na ako.
Mas lalo nga lang nanigas ang katawan ko nang maramdaman kong inusog ako ni Sammie palapit sa kanya. Narinig ko pa siyang mahinang natawa nang muntik ko na siyang sikuhin.
"Naninigas ka... hayaan mong sumabay ang katawan mo sa galaw ng kabayo." rinig kong sabi nanaman niya, kasabay nun ay ang pag hila nanaman niya sa katawan ko na parang sinasabing kailangan ko ngang sabayan ang galaw ng kabayo.
"Loosen your hips." bulong niya sakin.
Tumayo na nga ang mga balahibo ko nang maramdaman konh dahan-dahang bumaba ang kamay niya mula sa baywang ko patungo sa balakang. Sobrang bigat na rin ng pag hinga ko kaya agad kong inalis ang kamay niya.
"Huwag mo akong hawakan!" inis na sabi ko. Mahina nanaman siyang natawa. Nakakainis! Halatang sinasadya niya talaga akong inisin.
"Let yourself move with it—shit!" agad na mura niya nang malaglag kaming dalawa. Agad akong napangiwi at sigaw sa sakit.
"Aray—yuck!" reklamo ko nang maramdamang sa putikan pa kami nahulog.
Naramdaman kong tumayo agad si Sammie kaya nag angat ako ng tingin sa kanya. Kita kong napangiwi pa siya at diring-diri na pinag pagan ang sarili. Napapikit nalang ako ng mariin dahil umiinit ang ulo ko! Sana talaga di nalang ako pumayag na turuan niyang mag horseback riding!
Nag mulat lang ako ulit ng mata nang maramdaman kong may hawak sa braso ko at dahan-dahan akong hinila patayo. Si Sammie ay puno na ng putik ang ibabang bahagi ng katawan, hindi siya gaanong napuno ng putik dahil napaupo lang ata siya—samantalang ako ay halos mag dive na sa putik!
"Sorry." hilaw pa siyang ngumiti sakin kaya masama ko siyang tinignan. Kita ko pang napanguso siya na parang nag pipigil tawa.
Nilibot ko ang tingin sa paligid at napabuntong hininga ako nang makitang wala na rin ang kabayo, mabuti nalang at hindi pa naman ganun ka layo ang narating namin. Dahan-dahan na nga rin akong tumayo pero agad akong napangiwi nang maramdamang sumasakit ang paa ko.
"Ang sakit." naiiyak na reklamo ko habang nakayukong tinignan ang paa ko.
Makakalakad pa naman ako pero paika-ika nga lang. Mas lalo lang akong naiyak nang makitang puno na nga ng putik ang dress ko. Nakakainis talaga!
Akmang mag lalakad na ako nang bigla siyang lumuhod na nakatalikod sa harap ko. Taka ko lang siyang tinignan at ilang segundo lang kaming nakaganun kaya sumulyap siya sakin.
"Bubuhatin kita." sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Bubuhatin mo 'ko? Ang bigat ko, di mo kaya." natatawang sabi ko sa kanya. Napailing pa ako na agad ikinataas ng kilay niya.
"I can, you know that." madiin na sabi niya sakin. Natahimik nalang ako nang maramdamang may iba pa siyang ibig sabihin nun. Ngumisi siya nang mapansing natigilan ako.
"Ako naman sakyan mo ngayon babe, ikaw nalang lagi kong—ouch!" reklamo niya agad nang sabunutan ko siya. Masama niya pa akong tinignan habang hinihimas ang ulo niya.
Kung ano-ano nanaman kasi ang sinasabi!
"Ayaw ko!" supladang sabi ko.
Paika-ika pa akong nag lakad paalis pero bago ko pa siya tuluyang malampasan ay tumayo siya agad at mabilis akong binuhat na parang bagong kasal. Nagulat pa ako sa sobrang bilis ng pangyayaring iyon. Ni hindi ko na nagawang pumalag! Napakapit nalang ako sa batok niya.
Naasar lang ako lagi nang makita kong nag pipigil lang siya ng tawa. Nag umpisa na rin naman siyang mag lakad. Hindi na nga ako nakaimik at napatitig nalang sa mukha niyang sobrang lapit sakin. Deretso naman sa harap ang tingin niya kaya hindi niya napapansing nakatulala nako sa kanya.
Nag patuloy lang siya sa pag lalakad hanggang sa makarating na nga kami sa cabin namin. Kita ko pang napalingon sa amin sila Yiren at Tita, mukhang gusto pa nilang itanong kung bakit naligo na ako ng putik pero hindi na nila nagawa dahil nilampasan lang sila agad ni Sammie.
Nang makeating na nga kami sa cabin namin ay dahan-dahan niya akong binaba sa bathtub. Napangiwi pa ako nang makitang nag kulay putik agad ang tubig sa sobrang dumi ng katawan ko.
"Bakit dito mo ko nilapag? Ang dumi na tuloy ng tubig!" reklamo ko. Ngumisi lang siya sakin at tumayo para binuksan ang gripo ng bathtub kaya patuloy lang na umaagos ang tubig.
Hindi na ako nakapag salita nang makitang kinuha niya rin ang shower para tanggalin ang putik sa katawan niya. Nakatingala lang ako sa kanya habang ginagawa iyon sa harap ko. Napapansin ko ring unti-unti nang lumilinaw ang tubig sa bathtub.
Nagulat ako nang bigla niyang itapat sa mukha ko ang shower na hawak niya. Masama ko siyang tinignan na agad niyang ikinatawa. Until-unti ring humupa iyon nang lumuhod siya sa harap ko.
Gusto ko pa sanang itanong kung ano nanamang trip niya nang maramdaman kong binaba niya ang shower sa may bandang leeg ko, patungo sa balikat. Sinundan niya pa iyon ng tingin at nakatitig lang din ako sa mukha niya.
Mas binaba niya pa ang shower sa may braso ko. Unti-unti na ring nadi-drain ang tubig na nasa bathtub kaya kitang-kita na ang katawan ko.
Napansin ko lang iyon nang pasadahan niya ng shower ang katawan ko... patungo sa legs. Kitang-kita ko kung paano bumaba ang suot kong dress dahil sa dumadaloy na tubig mula sa hawak niyang shower.
Medyo mainit din ang tubig kaya mas lalong uminit ang pakiramdam ko. Sobrang bigat na ng pag hinga ko. Nakikiliti pa ako sa tubig mula sa shower na ngayon ay parang hinahaplos na ang legs ko.
Nilingon ko siya at saktong bumaling din siya sakin. Nang mag tama ang mga mata namin ay ngumisi siya, bumaba pa ang tingin niya sa labi ko at unti-unti siyang lumapit sakin. Napalunok nalang ako nang laway at napapikit nang maramdaman kong nag dampi ang mga labi namin.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...