Chapter 13

2.4K 161 132
                                        

Pares

Pakiramdam ko'y nalunod din sa dagat ang puso ko sa mga oras na 'yon. Dumaloy ang init sa katawan ko, diretso sa dibdib. Funny how my body was submerged in the water, yet I could still hear my heart beating loudly in my chest.

Wala akong ibang nagawa kundi tumitig sa kanya. Samantalang siya, nagawa pang mag-floating sa harapan ko, paminsan-minsan ay hinahagod ang basa na buhok paatras.

He probably doesn't realize how those words affected me in ways I couldn't control. Paano niya kaya nagagawang umakto na kalmado matapos magbagsak ng bomba sa dibdib ko?

"Aahon na ako."

Napatingin ako sa kanya na nakatayo na ngayon, hanggang beywang na ang tubig kaya kitang-kita ko na naman ang nagliliwanag na katawan niya. Nakakasilaw.

"Ayaw mo na?" tanong ko, pilit na itinatago sa boses ang kagustuhan na manatili pa siya rito.

Tumango siya. "Mag-iimpake pa ako. Ikaw ba?"

"Aahon na rin," I replied, forcing myself to stand up even though my body wanted to stay in the water a little longer.

Sumunod ako sa kanya. Nanatili akong nasa likuran, pinagmamasdan ang mga kilos niyang humihigit sa paghinga ko. Everything he does is attractive. Kahit nga pagpupunas niya ng tuwalya sa buhok, ang gwapo pa rin sa paningin.

"Wow! Nag-swimming!" ang boses ni Koen sa malayo.

May paepal na naman.

"Malamig ang tubig?" At talagang lumapit pa sa amin.

"Hindi masyado. Maliligo ka?" si Haru ang sumagot, kaya mabilis akong napabaling sa kanya habang magkasalubong ang kilay.

Ano ba 'yan? Bestfriend sila? Super close?

"Aahon na kayo, eh. Sasali sana ako," tugon ni Koen, napapakamot pa sa ulo.

Eh kung kaltukan ko kaya 'to sa bunbunan. Bebe time kami! Nakikisali pa!

"Mag-iimpake pa ako. Baka may maiwan akong gamit," saad ni Haru.

Koen shrugged and sat on the sun lounger, adjusting the muscle shirt he was wearing. "Tulong na lang ako sa inyo mag-pack."

Tumango si Haru, isinusuot na ulit ang salamin.  "Sige. Papasok muna ulit ako sa loob."

Nang mauna nang maglakad si Haru pabalik sa beach house, nanatili akong nakatayo roon sa gilid, nakasimangot at hindi maipinta ang mukha habang nakatingin kay Koen.

"Agang-aga, pre, nakasimangot ka kaagad. Smile! May beautiful sunshine, oh!" natatawang sabi niya.

Umingos ako. "Bro code, pare. Bro code..." makahulugang sambit ko.

He frowned. "Huh?"

Umiling-iling ako saka sumunod kay Haru. Hindi na ako lumingon pabalik, ngunit narinig ko pa ang pahabol na sinabi niya.

"Hoy, Ysaac! Anong bro code? May code pala? Hindi ako na-inform!"

Pati bro code hindi alam!

Nagmartsa ako pabalik sa beach house. Hindi ko maiwasang magselos kay Koen kahit tropa ko siya. Close na close siguro sila ni Haru. First year pa lang yata, magkaibigan na sila.

Iniisip ko pa lang na hindi nagdalawang-isip si Haru na tumabi kay Koen kahit bakante naman ang upuan sa tabi ko, parang mahihimatay na ako sa sama ng loob. Sobrang komportable siguro nila sa isa't isa.

Pero bumanat siya sa akin, eh. Bagay daw sa akin ang nakasalamin? I wonder if he was talking about the glasses themselves or the person wearing them...

"Natatakot na ako sa'yo, Ysaac."

In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon