But Never From My Embrace Itself

5.5K 308 195
                                        


Ilang araw na ang nakalipas simula nong sabihin sa akin ni Lucia na tatakas nga raw sa mansion iyong pekeng Primrose, nong una ay akala ko hindi totoo pero nang mapansin kong napapadalas na rin ang uwi ni Alonzo rito ay doon ko napag tanto na totoo nga.

Ang pagkakataon na 'yan talaga ang pinakahihintay ko, ang umuwi na rito si Alonzo. Hindi ko siya masyadong kinakausap at kung nakikipag usap man ako ay sinadya kong gawing normal lang at paniguradong iniisip na niyang nawala na sa utak ko ang ginawa niyang kademonyohan sa kapatid ko.

Hinding hindi ko makakalimutan iyon. Humahanap lang ako ng tamang tyempo, at ang time na iyon ay ngayon na atang dadating ang anak niya. Noong una ay naaawa pa ako sa Primrose na 'yon, pero dahil sa ginawa ni Alonzo sa kapatid ko. Napalitan ng galit ang awa na 'yon.

"So anong binabalak mo?" tanong ni Lucia, naupo pa siya sa harap ko, abala naman akong gupitin ang mga tela, sumulyap ako sa kanya at nag buntong hininga.

"Alonzo killed my sister on her birthday, so I will kill them on his daughter's birthday too." nakangising sabi ko habang inaayos ang mga tela sa harap ko. Agad namang nalukot ang mukha niya. Mas lumapit pa siya sa mesa ko.

"Anong 'them'? Idadamay mo si Primrose?" takang tanong niya. Noong una niya pa sinasabi sa akin na kung balak kong tapusin si Alonzo ay hindi ko na idadamay ang anak nito.

Alin ba ang mas masakit? Ang patayin o makitang harap harapang pinapatay ang taong importante sayo?

Mas masakit ang pangalawa, kaya iyon ang gagawin ko sa kanya. Gusto kong maranasan ni Alonzo kung gaano ka sakit sakin ang ginawa niya. Wala na akong paki kung saan ako pupulutin pagkatapos, gusto ko lang ipaghiganti ang kapatid ko.

"I hate him, and his daughter is cut from the same cloth." madiin na sabi ko, kasabay nun ay ang pag gupit ko rin ng telang hawak ko. Napabuntong hininga nalang si Lucia.

"Eris, malaki ang ginawang kasalanan ng kapatid ko. Kaya ko nga siyang patayin na ako mismo ang gagawa. Pero kung idadamay mo si Primrose... ibang usapan na 'yon." nag aalala niyang sabi. Napatulala pa siya sa mga tela sa harap namin. Hindi ako umimik, nag patuloy lang ako sa ginagawa.

"Hindi mo kaya. Alam kong hindi mo kaya, sobrang ganda ng pamangkin ko na 'yon." sabi nanaman niya. Natigilan naman ako at natatawa siyang tinignan. Nang makita ko ang mukha niya ay mas natawa lang ako.

"Anong kinalaman ng ganda niya? Iniisip mo bang maiinlove ako sa anak ng pumatay sa kapatid ko? Tangina. Maybe you forgot I'm gay, Lucia? I couldn't care less about her looks." natatawa kong sabi.

Walang gana naman siyang tumalikod sakin at nag tungo na sa sewing machine para mag umpisang tahiin ang mga ginupit kong tela.

"Sabi mo eh." nag kibit balikat pa siya.

Huling nakita ko ang pekeng Primrose ay nong nag final fitting kami sa thirteenth birthday niya. Sa natatandaan ko ay ang liit liit niya at ang payat. Ilang taon na ang lumipas pero alam kong wala siyang pinag bago.

"Tao po?"

Pareho pa kaming natigilan ni Lucia nang may marinig kaming boses sa labas. Ilang segundo pa kaming nagkatinginan, iniisip ko kung may client ba akong dadating ngayon, wala akong matandaan. Dahil nga ako ang mas malapit sa pinto, ako na rin ang nag bukas nun.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon