"Kuya Eris? Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Primrose nang makitang kinukuhanan ko ng litrato ang mga lugar na pinapasyalan namin. Tinignan ko naman ang phone ko para masigurong maganda ang pagkakakuha ko.Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, dahil nga sa sinabi nong pekeng Primrose na gusto niyang makita ang itsura ng Isla Primavera ay naisipan kong kunan nalang ng litrato ang mga lugar na napupuntahan namin ng kapatid ko.
Mas pinili ko ring litrato ang ibigay kesa mga sketches, mas makikita niya ng maayos ang itsura nun at para hindi na rin ako mapagod. Sino ba siya para mag effort ako ng ganun?
"Ang ganda kasi, kaya kinukunan ko nalang." pag dadahilan ko kay Primrose, nakangisi naman siyang tumango-tango at hindi na ulit nag salita pa.
Pagkatapos naming mamasyal ay pinaprint ko na rin ang mga litratong iyon, napapasabunot pa ako sa buhok ko dahil nababaliw na ata ako. Hindi ko mabilang kung gaano ka rami ang mga iyon at parang nakakahiya na ring bilangin dahil baka mas lalo ko lang gustong sampalin ang sarili ko.
Nakakaawa rin naman kasi ang batang 'yon. Nang matapos ko na ring ma-print iyon tinago ko na sa kwarto ko.
Nag umpisa na rin naman kami nila Lucia na gumawa nong gown at dresses para kay Primrose, dahil nga medyo marami-rami iyon at kailangan na agad sa susunod na mga linggo. Tinawag na namin ang isa sa mga kakilala ni Lucia na si Bella.
Halos kaedad ko lang siya at marunong naman siyang mag tahi kaya maaasahan siya sa lahat ng ipapagawa ko. Mabait din siya at masunurin kaya ang laking tulong niyang mapabilis ang pag gawa namin.
"Ang ganda nga mga dress na yan! Para sa magandang Primrose ba yan?" nakangiting tanong ni Primrose nang makalapit siya samin. Nakalabas na siya ng hospital at sana nga tuloy tuloy na ang pag galing niya... kahit alam naming malabo na iyon.
"Prim, you're the prettiest Primrose I've ever known." agad na sabi ko, nakangisi niya naman akong niyakap agad. Kita ko namang tumango sila Lucia bilang sang-ayon.
"Sinabi mo lang naman sakin yan dahil kapatid mo 'ko! Mas maganda naman talaga ang Primrose na nasa mansion, sana ganun din ako." naiiyak niyang sabi agad kong hinaplos ang buhok niya at niyakap siya ng mahigpit.
"Prim." madiin na sita ko sa kanya, naiinis ako tuwing kinokompara niya ang sarili niya sa pekeng Primrose, hindi niya rin daw iyon maiiwasan dahil kapangalan niya at sabay pa sila ng kaarawan.
"Buksan mo 'yon... yan ang suutin mo sa birthday mo." sabi ko nalang sa kanya sabay turo sa isang wardrobe.
Agad naman siyang kumalas sakin at nakangiting tumakbo patungo doon. Mabilis niyang binuksan iyon at agad siyang napasinghap nang makita ang isang dress na ginawa ko para sa kanya. Kinuha niya iyon at tumili sa sobrang saya. Nakangisi pa siyang bumalik sakin at niyakap ako.
"Ang ganda! Kuya Eris sobrang ganda nito! Ang saya ko!" umiiyak pa siyang niyakap ako. Agad ko siyang niyakap pabalik. Nakangiti lang na nakatingin sa amin sila Lucia at Bella. Nakangiti ko namang hinalikan sa noo si Primrose.
Nang palapit na nga ang kaarawan ng dalawang Primrose ay saktong tapos na rin naman na ang mga dress at gown na pinagawa ng mga Monticelli. Ngayong araw ang final fitting para sa pekeng Primrose, at dahil nga hindi siya pwedeng lumabas, ako pa ang kailangang pumunta roon dala ang mga gawa namin.
Sinamahan naman ako ni Lucia na dahil sa mansion ang mga dress at gown na iyon pero gaya noon, ako lang ulit ang pinapasok sa loob.
"Ah, halika hijo, nasa kwarto niya lang si Primrose." nakangiting sabi nanaman nong matandang katulong. Nakasunod lang ako sa kanyang paakyat ng hagdan. Kumatok siya sa pinto at agad na binuksan iyon.

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...