"I'm sorry..." agad akong lumayo ng kaunti sa kanya nang marinig kong sabihin niya iyon. Bakit siya humihingi ng tawad? Mas grabe ang ginawa ni Tito Alonzo... wala siyang awa.Umiling-iling lang ako dahil hindi ko na rin alam ang sasabihin, mabilis kong pinahiran ang luha niya nang mag angat siya ng tingin sa akin. Nagulat pa ako nang dahan-dahan niya akong hilahin pa-upo sa kandungan niya. Pinulupot niya pa ang braso niya sa baywang ko dahilan para mas mausog ako palapit sa kanya.
"Hya, I know you don't want to stay in this mansion..." sabi niya sakin, nilingon ko naman siya at saktong nakatingin din siya sakin, kumurap-kurap pa ako dahil ang lapit ng mukha ng mukha naming dalawa.
Gustong-gusto ko naman na talagang umalis sa mansion na 'to. Simula bata pa ako ay nakakulong na ako rito. Ngayong wala na si Papa Vincenzo ay pakiramdam ko malaya na ako.
"Ngayong alam ko nang hindi naman ako Monticelli, gusto ko nang umalis sa mansion na 'to—"
"You're a Monticelli, Hyacinth." madiin niyang sabi sakin. Nagulat pa ako sa biglaang pag bagsak ng boses niya. Seryoso pa siyang nakatingin sa akin. Hindi naman siya mukhang galit pero halatang hindi rin naman niya nagustuhan ang sinabi ko.
Napa-isip pa ako sa sinabi niya at nang maalala ko nang totoo nga pala ang kasal namin noon, Monticelli ako... dahil kinasal ako sa kanya. Agad akong napaiwas ng tingin dahil pakiramdam ko umiinit ang pisngi ko.
"I know you've always wanted to leave... but would you leave with me?" tanong niya pa. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hinarap ko siya ng maayos.
Aalis ako kasama siya?
Hindi ba't umuwi na nga siya dito sa mansion nila? Wala na ang ama niyang si Vincenzo kaya siya na ang titira sa mansion na 'to.
"Anong ibig mong sabihin? Wala na si Papa Vincenzo... anak ka niya, hindi ba dapat ikaw ang mamamahala sa lahat ng ari-arian niya? Kabilang na doon... ang mansion na 'to." sabi ko at nilibot ko pa ang tingin sa buong kwarto ko na akala mo'y iyon na ang buong mansion.
Nag buntong hininga siya at pinasadahan ng daliri ang mahabang buhok. Nakayuko siyang nakatitig lang sa sahig at mukhang nag iisip ng malalim. Ilang segundo pa bago siya nag salita ulit. Nakatingin lang ako sa kanya... habang naka kandong parin.
"Marcella, his second wife, is already here... ibibigay ko sa kanya ang mga na iwan ni Papa." seryosong sabi niya. Napaawang agad ang labi ko, tinignan ko siya ng mabuti at kita kong seryoso nga siya at tama ang pagkakarinig ko.
Ibibigay niya lahat kay Mama Marcella ang mga naiwan ni Papa Vincenzo? Asawa nga ni Vincenzo si Mama Marcella pero hindi ba't anak parin naman siya?
"Papayag ba si Mama Marcella?" tanong ko sa kanya. Dahan-dahan naman siyang tumango habang nasa sahig parin ang tingin. Nag buntong hininga pa siya at halatang pagod na pagod at inaantok.
"Nakausap ko na siya kanina. I'm not going to force her to live in this mansion, pero ibibigay ko parin sa kanya lahat... it's up to her what she wants to do with it." walang ganang sabi niya. Umayos ako ng upo dahilan para mapabaling siya sakin dahil nga naka kandong parin ako sa kanya.
"At paano ka? Hindi ba't Monticelli ka rin? Walang matitira sayo?" takang tanong ko naman. Hindi siya agad nag salita, nakatitig lang siya sakin, naramdaman ko pang mas hinila niya ako palapit sa kanya.
"All I need is my wife, Hya." pabulong niyang sabi sakin.
Titig na titig parin sa mga mata ko. Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, parang nahihirapan nakong huminga!
"I don't care about their wealth. The only reason I want to be a Monticelli is because you already carry that last name." dagdag niya pa.
Mas lalo lang bumigat ang pag hinga ko nang makitang bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Parang nakalimutan ko na nga kung paano huminga nang unti-unti na siyang lumapit sakin. Agad akong napapikit nang maramdaman ko nang mag dampi ang labi namin.

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...