"Kuya, bakit ganun? Pareho kaming Primrose... pero ang layo ng buhay naming dalawa. Ang pangit ko, ang ganda niya. Ang sakitin ko, ang healthy niya. Ang yaman yaman niya pa..."Nilingon ko ang kapatid ko nang sabihin niya iyon, kita kong nakatingala siya sa kung saan kaya nag angat na rin ako ng tingin doon. Hininto ko ang kotse sa tapat ng malaking mansion kung saan nakatingin si Primrose.
Nag angat din ako ng tingin at kita kong ang pekeng Primrose pala ang tinutukoy niya. Nakadungaw lang ito sa bintana, nakatingin sa baba kung saan ang hardin. Base sa pag kakaalam ko, halos kaedad niya lang ang kapatid ko kaya sa tingin ko ay nasa dose anyos palang siya ngayon.
Alam ko rin na hindi siya ang totoong Primrose, alam kong ang kapatid ko ang dapat na sa mansion na 'yan. Maliban sa na rinig ko na ang usapan ni Papa Alonzo at night Lucia na anak nga raw ni Alonzo ang Primrose na nasa mansion. Tandang tanda ko rin kung paano barilin ng demonyong si Vincenzo ang ina kong si Claudia.
Alam ko lahat, alam kong hindi kami anak ni Papa Alonzo, alam kong Monticelli ako, alam kong ang kapatid ko ang totoong Primrose, pero ayaw kong bumalik sa mansion... dahil ayaw kong maging Monticelli.
Kinakamuhian ko ang putanginang pamilya na 'yan. Hindi ko kayang tanggapin na anak ako ng demonyo na 'yon. Kung babalik man ako sa mansion, iyon ay ang patayin lang si Vincenzo.
"What do you mean, Prim?" takang tanong ko sa kapatid ko. Busangot siyang sumilip ulit sa bintana para tignan ng mabuti ang isang Primrose sa mansion na halatang hindi rin naman masaya.
Nakatitig lang ako sa kapatid kong maliit, payat, at sobrang putla. Mahinhin at halatang nanghihina. Sakitin si Primrose, pabalik-balik siya sa hospital, may leukemia siya at sobrang lala na nun.
"I wish I was her, kuya Eris... ang yaman niya, ang saya niya, siguro marami siyang kaibigan kasi mahal siya ng lahat." mapait pa siyang ngumiti.
Agad kong sinulyapan ang isa pang Primrose sa mansion. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya sa sobrang layo pero pero kita kong nakapangalumbaba na siya ngayon, nililipad ng hangin ang maikli niyang buhok.
Wala rin akong balak sabihin sa kapatid ko na siya ang dapat nasa mansion, na siya ang totoong anak ng Monticelli dahil ayaw kong hihilingin niyang bumalik sa mansion. Walang gustong tumira sa impyernong 'yon.
"Prim, mas masaya pa nga ang buhay mo kesa sa kanya... ikaw, nakakalabas ka, napapasyal kita, hindi mo man siya kasing yaman, nabibigay naman namin lahat ng gusto mo. Ang Primrose na 'yan, hindi nakakalabas, habang buhay siyang nakakulong sa mansion na 'yan, wala rin siyang kaibigan... alam kong wala rin siyang kasiyahan dyan." sabi ko sa kapatid ko nang hindi inaalis sa mansion ang tingin.
Alam kong hindi pa kailan man nakakalabas ng mansion ang batang iyon. Isa iyon sa pinoproblema ni Papa Alonzo, ang kung paano kunin ang anak niya sa mansion na 'yon.
Hindi naman na umimik si Primrose kaya pinaandar ko na ulit ang kotse, nang makauwi kami ng bahay ay saktong pag labas din ni Papa Alonzo. Galit ang mukhang nakatingin sa amin.
"Kanina ko pa hinihintay ang sasakyan! Saan nanaman ba kayo nag punta?!" galit na tanong niya sakin, tahimik ko lang na inabot sa kanya ang susi ng sasakyan. Sumulyap pa ako kay Primrose nang mag tago ito sa likuran ko.
"Pinasyal ko lang po si Primrose dahil nababagot na siya." sabi ko.
"Gamit ang kotse ko?! Mas importante ang lakad ko tapos uunahin niyo pa ang pasyal pasyal na yan!" singhal nito samin. Ramdam kong kinalabit ako ni Primrose kaya nilingon ko siya, agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang dumudugo ang ilong.
"Kuya..." naiiyak nanaman niyang sabi, ilang beses na siyang ganito. Laging dumudugo ang ilong. Agad ko siyang binuhat.
"Ayan! Kakalabas lang ng hospital niyan, ganyan nanaman! Pambihira!" rinig kong reklamo ni Papa Alonzo.
Hindi na ako sumagot at dinala nalang sa loob ng bahay si Primrose. Pinaupo ko siya ng maayos at mabilis kong inipit ang ilong niya. Mahina lang iyon, sapat lang para tumigil ang pag tulo ng dugo.
"Ano nangyari?" biglang sulpot ni Lucia, hindi na ako sumagot.
Nang makita niya nga si Primrose na dumudugo nanaman ang ilong ay agad siyang nag tungo sa kusina para kumuha ng yelo. Nilagay niya iyon sa tela at pinuwesto sa batok ni Primrose, nag lagay din siya ng banda sa ilong.
"Saan ba kayo galing?" nag aalalang tanong ni Lucia. Nag buntong hininga lang ako.
"Pinapasyal siya." mahinang sagot ko.
Napailing naman si ate Lucia, halata sa mukha ang pag aalala. Si Lucia ang nag sisilbing nakakatandang kapatid at ina namin, ayaw ko siyang tawaging ate dahil para sakin halos kaedad lang kami kahit alam kong mas matanda siya sakin ng ilang taon.
"Primrose... mas mabuti sigurong mag pahinga ka nalang muna dito sa bahay." sabi niya kay Primrose.
Kita ko namang nalungkot ang kapatid ko, halata sa mukha niya na naiiyak na siya pero hindi niya lang magawang mag salita. Parang kinukurot ang puso kong makita siyang ganyan. Pagkalipas ng ilang minuto at nang tumigil na nga sa pag tulo ang dugo niya ay dinala na namin siya ni ate Lucia sa kwarto para mag pahinga.
"Malapit na ang birthday nong Primrose." agad kong nilingon si Lucia nang mag salita siya, pababa na kami ng hagdan, kunot noo ko lang siyang tinignan at mukhang napansin naman niya ang reaksyon ko.
"Iyong nasa mansion." agad na dagdag niya para masagot ang tanong sa mukha ko. Malapit na rin ang birthday ng kapatid ko, sabay sila ng kaarawan.
"Ano naman ngayon?" mataray na tanong ko, nang makababa na nga kami ay agad kong tinuloy ang pag sketch ng mga dresses.
Mahilig ako mag design at saktong pagtatahi rin ang negosyo nila ate Lucia kaya iyon na rin ang pinag tutuunan ko ng atensyon. Nag eenjoy naman ako sa ginagawa ko, lalo na tuwing ginagawan ko ng mga damit ang kapatid ko. Natutuwa ako tuwing nakikita siyang masayang sinusuot ang mga gawa ko.
"Tayo ang kinuhang gagawa ng mga susuutin niya sa birthday niya." natigilan naman ako sa sinabi ni Lucia.
"Nagustuhan ni Beatrice ang mga disenyo mo kaya ikaw na ang napili niyang gagawa ng dress ni Primrose." dagdag niya pa.
Matagal nang kilala si Lucia ng mga Monticelli, matalik na kaibigan siya ni Beatrice, at matagal na siyang nililigawan ni Vincenzo. Noon pa siya inaalok ng kasal ni Vincenzo pero minor de edad siya sa panahon na iyon kaya hindi natutuloy, ayaw niya ring pumayag dahil takot siya sa taong 'yon.
Kaya naman... ang kaibigan niyang si Beatrice ang kumagat sa bitag at pinakasalan ni Vincenzo.
Hanggang ngayon ay minsan paring nag aalok ng kasal si Vincenzo pero mas lalong ayaw nang pumayag ni Lucia nang malaman ang mga ginagawa ni Vincenzo sa mga asawa niya. Sapat na raw na nandoon ang girlfriend ng kapatid niya na si Marcella.
"Ayaw ko. Ikaw na gumawa, total pamangkin mo naman 'yon." walang ganang sabi ko, hinawi ko pa ang buhok ko at nag umpisa nanamang gumuhit. Rinig ko namang nag buntong hininga si Lucia.
"Pamangkin ko nga pero di naman ako kilala nun, mas importante parin sa akin ang kalagayan ng Primrose na nandito. Hindi rin ako marunong mag disenyo, kaya please naman oh." pag mamakaawa niya sakin. Nag angat lang ako ng tingin sa kanya.
"Ayaw ko."
"Pero, Eris... malaking pera 'yon! Pag ginawa natin 'yon mas mapapagamot natin ang kapatid mo." napatiim bagang nalang ako sa sinabi ni Lucia.
Hindi na ako sumagot kaya umalis na nalang din si Lucia sa harap ko. Nag tungo siya sa sewing machine para ipag patuloy ang ginagawa niya kanina.

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...