Huli & Una

23.8K 1.5K 571
                                              

Uno & Julie:

Linggo.


Uno:

Linggo nang sinabi ni Julie na magkita ulit kami.

Julie:

Linggo nang inaya ko si Uno na magkita ulit kami.


Uno & Julie:

Anim na taon na ang nakakalipas simula noong huli kaming nagkita.


Uno:

Parang kahapon lang noong una naming pag- uusap. Nagbabasketball ako noon nang sinalo niya yung bola na dapat sana ay ishoo-shoot ko pero hindi na-shoot.

Maliit siya, mga 4'10 lang. Gulat ako nang bigla siyang nag-shoot mula sa three-point area gamit yung bolang hawak ko lang kanina.

At natural, air ball.

"Hehe."

Literal niyang sinabi yung 'hehe' kaya mas lalo akong natawa.

"Di bale na, tatangkad ka pa." Asar ko sa kanya.

"Tatangkad talaga ako."

Hindi kami magkaibigan noong high school, pero naaalala ko na iyon yung una naming pag-uusap.


Julie:

Parang kahapon lang noong nagkita kami ni Uno sa isang convenience store nang alas dos ng umaga isang araw noong second year college kami. Nagulat ako kasi andoon siya, nakaupo habang umiinom ng shake.

Hindi ko dapat siya papansinin, yung tipong dadaan lang ako, pero bigla na lang niya sinigaw yung pangalan ko.

"Julie!"

Hindi niya alam kung gaano ako kasaya nang isigaw niya yung pangalan ko.

"Uno? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang umupo ako doon sa upuan tabi niya.

"Napagabi ako eh. Nanood ng sine kasama ng barkada ko."

Oo, alam ko na hindi kami magkasama sa college. Iniyakan ko nang hindi siya nakapasa sa university kung saan ako pumapasok.

"Ako may org event."

Tapos ewan. Doon kami nagkwentuhan na akala mo, ang tagal na naming magkaibigan.


Uno:

Parang kahapon lang nang hiningi ko yung number niya para kung saka-sakaling wala akong magawa, itetext ko siya. Malapit lang naman yung eskwelahan na kung saan ako nag-aaral malapit sa kanya.


Uno & Julie:

Marami pa kaming pinagsamahan. Pareho kaming sumasabit sa jeep, pupunta ng videoke at magwawala lang. May mga tambay moments kami na kahit walang nagsasalita, ayos lang. Hindi nga awkward eh.

Pero hinding-hindi ko makakalimutan yung ika-sampu ng Enero, 2009.


Uno:

Mas madalas ako pumunta sa school nila kasi mas malaki at mas maraming makikita. Ang araw na 'yon ay yung unang beses na makakakita ng shooting star.

"Shit! Shooting star!" Napasigaw ako.

Julie:

Tawang-tawa ako nang narinig ko yung sigaw niya. Para siyang bata.

"Bakit, unang beses mo lang makakita ng shooting star?!"

Huli & UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon