Risa's POV
Nandito kami ngayon ni Alice sa bedroom. Mahimbing na itong natutulog ngayon sa tabi ko. Nakayakap sya sa akin habang ang mukha niya naman ay nakalubog sa leeg ko. Actually kanina pa niya ako inaamoy. Kanina pa din ako nagpapakalma sa alaga ko. Buti na lang talaga at tulog na ito ngayon.
Itong attitude niyang ito parang familiar, i feel like na pagdaanan ko na din itong napagdaanan ko ngayon with Alice. Itong paghihirap, itong bibili ng kung ano anong pagkain, yung mga kilos at galaw niya parang nakita ko na dati. Hindi ko lang mafigure out kung kelan o sino.
Nang makita kong malalim na ang tulog niya, dahan dahan akong tumayo.
Tinignan ko ang relo ko. It's 9:30am pa. Dumating kanina si Alice ng 7:00am, no wonder bakit antok na antok pa siya ke aga-aga pa.
After i finished the papers, agad na kumalam ang tyan ko. I'm so hungry, 1pm na pala.
Tinignan ko ang bedroom ngunit nakasirado parin ang pinto. Lakas lakas talaga matulog nitong si Alice.
Tumayo ako at ginising siya. Ayokong nalilipasan to ng gutom, baka sumama nanaman ang timpla eh. Tsaka di ko alam kung ano ang gusto niyang kainin. Pihikan pa naman ito ngayon.
"Baby wake up." Sabi ko sabay mahinang tapik sa pisngi niya.
"Hmmm"
"Baby gising na, it's lunch time." Mahina kong bulong dito.
Kinusot niya mata niya at bumangon.
"Anong oras na?" Tanong niya.
"1:15pm, anong gusto mong kainin? Papabili na lang ako kay Lisa o isa sa mga staff ko."
"I want veggies. Kahit anong gulay okay lang sakin." Sabi nito at tumayo.
Lumabas siya ng bedroom at umupo sa couch at doon humiga.
Aba! Talaga naman oh. Kagigising lang tapos matutulog ulit.
Dumating na yung pagkain kaya tumayo na si Alice at pumunta sa isang table kung saan kami kakain.
"I thought you're sleeping."
"Naiinis ako sa pagmumukha mo. Kaya pinikit ko na lang mga mata ko."
Eto na naman po siya. Inaaway na naman ako.
"Oh, eto yung gulay mo." Sabi ko sabay lapag ng pinakbet sa harap niya.
"Ayoko niyan. Gusto ko yang sayo. Palit tayo."
Agad nanlaki ang mata ko.
HINDI AKO KUMAKAIN NG PINAKBET!
Hindi ata alam ni Alice na allergic ako sa ulam na ito. Kumakain ako ng gulay but pinakbet is a nope. May kung anong sangkap kasi dito na nag t-trigger sa katawan ko.
Ayoko namang sabihin sakaniya na bawal sa akin dahil baka iiyak lang ito tapos aawayin na naman ako.
I don't like loud noises. Ayokong may umiiyak. Ayokong may nagsasalita. Basta ayoko sa mainggay. Ine endure ko lang itong lahat kay Alice dahil mahal ko eh.
Pero kung kama ang pag uusapan... Why not. Kahit mag microphone ka pa dyan, hindi kita pipigilang magsisigaw. Hehe
Wala akong nagawa kundi kumain ng pinakbet. Sinubukan kong kumuha ng adobong manok pero inilalayo lang ito ni Alice tapos titigan ako ng masama.
God! Napaka childish. Sabaw lang eh. Damot.
While eating lunch, napapansin ko na yung pangangati ko sa katawan. But of course hindi ko ito pinahalata.

BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage (Guontiveros)
Fanfiction"Alice, kailangan nating mag-usap." sabi niya matapos ang ilang minutong katahimikan. Hindi ko alam kung paano ang apat na salitang ito ay kayang sirain ang buhay at pangarap ng isang tao-hanggang ngayon. Tahimik akong tumango, hudyat na magpatuloy...