Chapter 36

1.3K 125 148
                                        

Alice's POV

Tahimik ang buong opisina ni Risa habang magkaharap kami sa isa't isa. Siya'y nakaupo sa swivel chair niya, ako naman nasa harap niya, kunwari'y abala sa mga papeles. Pero sa loob-loob ko, may bumabagabag.

Gabi na. Wala nang tao sa paligid. Perfect timing.

“Risa...” tawag ko habang tahimik siyang nagbabasa.

Agad siyang tumingin, parang batang sabik sa atensyon ko.

“Hmm?”

“May tatanungin ako. Sagutin mo ng totoo.”

“Sure. Anything for my baby.”

Tumitig ako sa kanya. Diretso. Walang ngiti. Walang lambing.

“Bakit hindi mo sinabi sa publiko na ako ang asawa mo? Bakit hinayaan mong isipin nilang si Shiela ang asawa mo?”

Nanlaki ang mata niya. Kita ko agad ang pagkalito, ang kaba sa mga mata niya. Pero hindi ako tumigil.

“Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon para sa’kin? Na ako ang legal mong asawa pero parang ako pa ‘yung kabit? Na kahit iiyak na ako sa kama gabi-gabi, hindi mo man lang ako pinaglaban. ”

“Ali… hindi ko—hindi ko kasi alam kung paano. Hindi ko rin kasi alam kung—”

“Kung sino ang mas importante sa’min?” putol ko sa kanya.

Tahimik siya. Hindi siya makatingin nang diretso sa akin. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at dahan-dahang lumapit sa kanya. Yumuko ako, hanggang halos magpantay ang mga mata namin.

“Alam mo bang gusto na lang kitang saktan sa lahat ng ginawa mo sa akin noon?” bulong ko.

Napalunok siya. Hindi na siya makapagsalita.

“Yung bawat araw na hindi mo ako pinapansin… bawat gabi na magkasama tayo pero parang ako lang ang may gusto sayo… Yung mga panahon na umiiyak ako habang nagpapanggap na okay ako… habang ikaw, natutulog sa tabi ko nang parang walang mali. Wala ka man lang konsensya. Walang puso.”

Pumikit siya. May luhang bumagsak sa pisngi niya.

“Ali… please…”

“Hindi pa ito sapat,” malamig kong sabi.

Tumayo ako nang tuwid at binuksan ang pinto.

“Gusto mo akong makuha ulit, ‘di ba?” tanong ko bago ako lumingon.

“Then prove it to me that you’re worthy. Kasi sa ngayon? Ang tingin ko sayo ay isang babaeng duwag. Hindi ka marunong lumaban para sa akin noon… anong karapatan mong mahalin ako ngayon?”

At sa unang pagkakataon, nakita ko si Risa na tuluyan ng umiyak at kitang kita ang panginginig ng kamay niya—hindi lang sa sakit kundi sa bigat ng mga salitang iniwan ko.

Masakit… Oo. Pero ito rin ang sakit na binigay niya sa akin noon.

At ngayon… ramdam na rin niya.

Kulang pa nga kung tutuosin.







Risa's POV

It's been a week since that happened. All those week, lagi kong inaalagaan si Alice, I'm very attentive kapag may gusto siyang ipagawa. Inaabot ko tubig niya, binibilhan ko siya ng pagkain sa tuwing nagugutom siya. Ginagawan ko din siya ng gatas instead of coffee. Nagtataka nga ako kung bakit gatas na hinahanap nito e sa coffee lover naman ito noon pa.

Napapansin ko din na lagi siyang inaantok. Tapos kung makatulog wagas. Napapansin ko rin na medyo tumaba siya, kain lang kasi ng kain.

Ang lakas din ng saltik niya sa utak. Papasok siya ng good mood tapos maya maya iiyak ng walang dahilan o di kaya nagagalit.

"Morning." Alice said. Kararating lang niya.

Mukhang masama ang timpla niya sa umaga ah. May nangyare ba sa bahay nila with Almira?

Shit naman. Gusto ko pa naman akitin to ngayong araw kaso mukhang mahihirapan pa ako.

Tumayo ako at pumunta sa tabi niya.

"Good morning beautiful." Sabi ko sabay kiss sa noo niya. This is not new to us. In those week, kinikiss ko na talaga siya sa tuwing dadating siya.

Parang wala din naman sakaniya yung ginagawa kong paghalik but.... Ngayon bigla siyang nagkaroon ng reaction.

Tinignan niya ako tapos ang damit ko. After that, hinila niya ako sa.... bedroom?

Nyeta bat kami nandito sa bedroom?!

Taka ko syang tinignan habang tinatanggal niya ang sandals niya. Then humiga siya sa kama.

"Tabihan moko." Alice said while tapping the bed beside her.

"H-ha?"

"Maya na tayo work, sleep muna tayo... Pleaseeee. I'm so sleepy pa." Sabi nito habang kinukusot ang mata.

Eto nanaman po siya. Dati rati natutulog lang naman to ng hindi ako katabi. Bat ngayon ganito na?

"H-hindi pwede Alice. M-marami pa akong tatapusin—"

"Akala ko ba babawi ka? Tapos ito lang hinihingi ko, hindi mo pa mabigay?" Galit nitong saad.

God! Hindi niya ba nakita yung mga pambabawi ko sakaniya this past few days? Tsaka hindi talaga pwede na magtabi kami.

HINDI. PWEDE.

Natigilan ako sa pag iisip ng tumilapon ang unan sa mukha ko.

"Tumabi kana kasi Risa. Naiinis na ako sayo."

Agad akong tumabi dito. Ngunit hindi pa man ako nakakahiga ay agad itong nagsalita.

"I change my mind. Wag ka ng tumabi. Akin na lang yang damit mo at bumalik kana sa table."

Fuck this woman. Pinaglalaruan lang yata ako nito eh.

"Ayoko." Matigas na sagot ko.

Anong akala niya sakin? Sunod sunuran sakaniya? Tsk. Sa aming dalawa ako dapat ang masusunod.

"Isa.. Risa." Pagbabanta niya.

Punyeta naman oh.

"Oo na, eto na po mahal na reyna, huhubarin na ho."

Agad kong tinanggal ang long sleeve ko at tanging bra na lang ang naiwan. May extrang long sleeve pa naman ako sa closet.

Kita ko namang napalunok siya habang tinitignan ang katawan ko.

"Baby close your mouth, baka pumasok pa langaw dyan sa bibig mo." Biro kong sabi dito na sana hindi ko na lang ginawa.

"Chee! Akin na nga yan." Sabi niya sabay hablot ng damit ko.

"Tsaka umalis kana. Shooo shoo!" Dugtong niya sabay paalis sa akin.

"T-teka lang, kukuha lang ako ng damit. Alangan naman lalabas ako ng bra lang ang suot diba?" Sabi ko sabay kuha ng damit sa closet.

Pagkatapos ko itong masuot, tinignan ko siya. Dinadamitan niya ngayon yung unan gamit ang damit ko na kinuha niya kanina tapos inilagay sa tabi niya at niyakap tapos inaamoy amoy pa.

Napakamot na lang ako sa ulo at umalis.

Nang maupo ako sa upuan ko, agad akong bumalik sa pagbabasa ng kontrata.

Wala pang 5 minutes ay bumukas ang pinto sa bedroom ko. Nakatayo si Alice habang bitbit ang unan sa kanang kamay. Tumutulo na rin ang luha sa kaniyang pisngi.


"Risa.... hindi mo ka amoy..." Pagsusumbong nito sa akin habang umiiyak.

.














Happy Mother's Day po sa lahat ng Ina dyan! 🩷

Special mention to Alice na grabe yung paglilihi. 😊

The Arranged Marriage (Guontiveros)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon