PROLOGUE

560K 4K 763
                                    

"The story begins with the light in your heart. A fantasy, a dream, and a spark."

(WATCH THE STORY TRAILER ABOVE)

----------

Mahirap magmahal lalo na kung ang babae ay:

1.Choosy (Yung tipong matatagusan na siya at binigyan mo ng whisper tapos tinanggihan niya pa dahil ang gusto niya ay modess na with wings)

2.Brutal (Sipa, sapak, batok, sampal at tulak nalang ang napala mo. Ang sarap bikwasan e!)

3.Out of this world kung magsalita (Gusto mo nang gumawa ng sariling dictionary para sa kanya dahil sa sobrang dami ng words na naiimbento niya sa isang araw)

4.Maldita/Mataray

5.Maingay (Mababasag na yung kaloob-looban ng tenga mo kakasigaw niya. Lagpas pa dun sa eardrums!)

Mahirap magmahal lalo na kung ang mamahalin mo ay yung lalaking:

1.Masungit (daig ka pa kapag meron ka)

2.Snobbers (Naka-ilang tawag ka na, mailuluwa mo na yung tonsils mo sa kakasigaw hindi ka padin niya pinapansin.)

3.Walang romantic genes sa katawan (Ni mag pick up line hindi magawa.)

4.Tahimik (Yung tinatamad magsalita at kapag nagsalita naman walang kasense sense)

Pero meron din namang lalaking:

1.Mababait (Walang bahid ng ka-demonyohan at kasamaan.)

2.Maalaga (Baby ka, kulang nalang ay lagyan ka niya ng pampers at lagyan ng pulbos sa likod)

3.Sweet (Yung mga dagang nakapalibot sa inyo ay yung mga kamag-anak pa ni Jerry sa sobrang katamisan)

4.Gentleman

Pero hindi e, mahirap padin kahit ganyan yung lalaki kasi pano kapag kinuha ka ni Lord? Langit na agad dahil nahawa ka sa kabaitan niya. Pano yun? Wala man lang thrill or adventure.

Tsaka tandaan mo, kapag nagmahal ka asahan mong darating diyan sila problema, inis, epal sa mundo, feeling bida sa kwento at sakit sa ulo. Pina-danas lang saglit sayo yung kilig, hindi man lang pinatambay muna. Mapapamura ka nalang dahil sunod-sunod na dumadating sayo ang mga yun pero kung medyo minamalas ka ay baka sabay sabay pa. Gusto mong tumawag kay Lord at sabihing "Dahan dahan lang naman po, mahina ang kalaban."

Paano pa kaya kapag napagtripan at pinaglaruan ka ng tadhana? Tapos binigyan ka ng dalawang sakit sa ulo? Dalawang mang-gugulo sa tahimik mong buhay at magpapa-tibok sa stable mong heartbeat. Sino ang pipiliin mo?

MGA HINAHANAP-HANAP NG MGA MAMBABASA:

1.Once upon a time there was a blah blah blah chorva chenes eklabu

2.Unicorns

3.Tinapay na nagsasalita

4.Matandang nagaalok ng mansanas (Mayaman yung ganyang matanda. Biro niyo magkano na ang mansanas ngayon tapos pinamimigay lang nila? Asan ang hustisya!)

5.Babaeng nakakaiwan ng sapatos (Take note! Glass shoes pa. Kung ako yun baka tinape ko sa paa ko yung sapatos na yun. Mahirap na ang buhay ngayon! Hindi na dapat iniiwan kung saan saan ang mga gamit)

6.Mahahaba ang buhok (Sa init ng panahon, marami nang gumagapang gapang diyan.)

7.Babaeng hindi nagigising kahit anong alog ang gawin mo. (Baka nabangungot na yun. Napaginipan si Shomba at na-shock siya)

8.Babaeng serena na nagiging tao. (Kung gusto niyo ng ganyan, pumunta kayo sa Manila Ocean Park)

9.Damsel in distress

10.Knight in shining armor (Babala: Ang mga lalaki dito sa kwento ko ay hindi gentleman at walang pakundangan kung kumilos at magsalita)

Kung binuksan niyo tong kwento na to dahil inaakala niyo na puro ganyan ang nilalaman.. isang malaking MALI yon dahil konti lang naman ang ganyan, mga pahapyaw at patikim lang. Hahaha! Kung puro fairytale na kwento lang ang hanap niyo, pumunta kayo ng national bookstore at bumili ng fairytale book sa may bandang childrens section pero kung hindi naman, welcome na welcome kayong basahin ang mga sumusunod na pahina ng kwentong ito.

Samahan niyo sila sa kanilang mala-roller coaster ride at ang kanilang pakikipag-laro sa tadhana upang mahanap nila ang kanilang one and only true love.

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon