Chapter 51

421 10 1
                                        

"You want to talk about it?"

Marahan lang ang bawat hakbang namin. Tila ninanamnam ang lamig ng gabi habang magka hinang pa rin ang mga kamay namin.

"I don't want to."

Nakita ko naman ang pagtango nya at natahimik kami ulit.

"Kuya, bili kana ng bulaklak para sa girlfriend mo."

May batang lalaki na lumapit sa 'min kaya napahinto kami sa paglalakad. May dala sya na sa tingin ko ay kulang sampo na single rose.

"Magkano ba yan?" yumuko konti si T.

"150 po ang isa."

Binitawan naman nya ang kamay ko at kinuha ang wallet sa bulsa ng pantalon nya. Naglabas sya ng 1,500 at inabot sa bata.

"Kukunin ko na lahat. Para makauwi kana."

Bakas naman ang tuwa sa mukha ng bata at agad na tinawag ang kapatid nyang babae sa hindi kalayuan na nakaupo sa isang bench.

"Makakauwi na tayo. Naka ubos na ako." balita nya sa kanyang kapatid paglapit nito.

"Talaga Kuya? Yehey! Salamat po sa inyo."

"Salamat po Kuya, Ate."

Akmang aalis na sila ng tawagin sila ulit ni T at tinanong kung kumain na sila. Ang sagot nila ay nag tinapay lang daw sila pag uwi na raw sila kakain. Kaya ang ginawa ni T ay sinamahan muna ang dalawang bata sa malapit na stall ng mga rice meal at binilhan sila ng pagkain. Kinausap nya pa saglit ang dalawa at ang tauhan ng stall bago bumalik sakin.

As he came closer, he handed me the flowers he bought.

"Happy Valentine's A."

I gave him a genuine smile and thanked him. He held my hand again and we continued walking.

Nasa isang oras din ang tinagal namin sa paglalakad, nagpapahinga naman kami ng ilang minuto sa mga bakanteng upuan pag nakaramdam kami ng pagod. Sinulit namin ang gabi na kaming dalawa lang. Hindi pinapansin ang paligid. Hindi nya rin sinubukan magtanong sa nangyari kanina, na ipinag pasalamat ko. Dahil din sa pagsama nya sakin ay nawala naman kahit saglit sa isip ko ang nangyari kanina. Hanggang sa nag yaya na akong umuwi.

Sa loob ng sasakyan pauwi ay parehas namin sinasabayan ang kanta sa stereo nya. T has a beautiful voice cool and gentle. Nahiya naman ang boses ko na pang banyo lang talaga.

Nang makarating sa condo ay nilingon ko sya. "Thank you for saving my Valentine's night, T."

Tinanggal nya ang seatbelt nya at humarap sa 'kin. Tinitigan nya lang ako ng mariin tila may iniisip. Ganon din naman ako sa kanya, nakatitig lang habang hinihintay kung may sasabihin sya.

"You know that I like you right?" Doon lang bumaba ang tingin ko. Hindi ko kayang sumagot sa kanya habang diretsong nakatingin sa mata nya. "You don't have to deny it. I know that you know. I also noticed how you've been avoiding me and acting awkward around me these past few months."

"I'm... I'm sorry, T." Pinilit kong ibalik ulit ang tingin sa kanya. "Sinubukan ko naman na wag mailang, hindi ko lang talaga maiwasan. Sorry talaga."

"You don't have to say sorry. Naiintindihan ko naman kung bakit." Sya na ang nag tanggal ng seatbelt ko. Bago ituloy ang sasabihin nya. "Don't worry hindi naman ako eeksena sa relasyon nyo ni Cloud. Alam kong masasaktan ka pag ginawa ko yon. You getting hurt is the last thing I want to happen. I've already accepted that you chose Cloud, everybody knows that. Pero napaka gago nya ngayong gabi. Isa syang malaking gago."

Yumuko ako ulit habang nag pipigil ng luha. Siguro kung hindi nya ako nakita kanina, nasa condo na ako at kanina pa umiiyak.

I heard him sighed and unlocked his door. Lumapit sya sa pinto ko at binuksan yon.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now