Chapter 35

909 112 57
                                        

Risa's POV

Agad kong inamoy ang sarili ko.

Hindi naman ako nangangamoy. Tsaka ang bango bango ko pa nga eh. I smell the ice cream but it's not smelly at all.

"Hindi naman mabaho ah?" Tanong ko. Tinikman ko ang ice cream at hindi naman masama yung lasa.

"I....i-iwant strawberry instead of double dutch." She said while looking at the floor. Para itong bata na may gustong ipabili sa magulang.

Napakamot ako sa ulo.

"Okay, magpapabili na lang ako sa staff ko."

After i said that, tinignan niya ako ng masama.

TANGINA. DON'T TELL ME AKO NANAMAN ANG BIBILI?

"Baby, I still have work to do. Tignan mo naman yung table ko, puno ng papel. I need to read and sign all those papers." Paliwanag ko ng kalma.

Tinignan niya ang table ko at tumingin sakin.

"Ok." Sabi nito at naglakad papuntang pinto.

"Where are you going?" I ask. Walking towards her.

"It's late. I need to go home." Sabi nito at umalis na.

Tinignan ko ang relo ko. It's 7:30pm. Tumakbo ako upang habulin siya.

"Ihahatid na kita." sabi ko habang hinahabol siya papunta sa elevator.

"Ok." mahina niyang sagot, hindi man lang ako tiningnan.

Umiling ako nang bahagya-pabago-bago talaga ang ugali ng babaeng 'to. Pero kahit ganun, heto pa rin ako, sunod ng sunod.

Pagkarating namin sa bahay niya, halos kasabay ng pagbukas ko ng pinto ng sasakyan ay ang pagbukas rin ng gate ng bahay. At nandoon... si Almira.

Nakatayo sa harap ng pintuan, hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nagulat yata nang makita kami ni Alice.

"Oh, you're back," sabi ni Almira kay Alice, pero sa akin nakatingin.

Agad na ngumiti si Alice, halos parang may ningning sa mata niya.

"Yeah. Sorry, late na. Nagpahatid na lang ako kay Risa," sagot nito habang bumababa ng sasakyan.

Nagpahatid.

Parang may kuryenteng dumaloy sa batok ko nang marinig ko ang tono ng boses ni Alice. Masaya. Banayad. Hindi tulad ng tono niya kanina sakin.

"Oo nga, late na, baka mapagod ka," sagot ni Almira, sabay abot ng isang kamay kay Alice.

"Halika na, pasok ka. May niluto akong lugaw."

Napakunot ang noo ko. Lugaw? Since when nagluluto 'tong babaeng 'to? At lugaw for dinner?

Mas lalo akong nainis nang biglang hinawakan ni Alice ang braso ni Almira, parang lambing na hindi ko na nakita sa amin noon pa.

Tangina.

"Ang sweet mo naman, Mira. Na miss kita," sabi pa ni Alice sabay yakap dito.

Parang may sumiklab na apoy sa dibdib ko. Alam kong hindi na kami ni Alice. Pero tangina, hindi ko pa yata handang makitang kinukuha siya ng iba.

Miss kita. Yakap.

Buwisit na yan.

"Alice," tawag ko, medyo matigas ang boses ko. Napalingon siya sa akin.

"Hmm?" inosente niyang tanong.

"Yung ice cream mo, naiwan mo sa sasakyan."

Kinuha ko iyon mula sa passenger seat at inabot sa kanya. Pero bago niya makuha, nagsalita si Almira.

"Okay lang 'yan, couz. Ayoko rin ng ice cream sa gabi. Baka sumakit lang din ang tiyan ni Alice. Lalo na sa kalagayan niya ngayon."

Kalagayan? Anong ibig niyang sabihin?

Napatingin ako kay Alice na ngayon ay umiwas ng tingin.

"Ano 'to, may hindi ba ako alam?" diretsong tanong ko.

"Wala," sabay ngiti ni Alice, pero halatang pilit.

"Come on, Mira, pasok na tayo."

At ganun lang-binalewala ako. Naiwan akong nakatayo sa labas ng gate habang magkasabay silang pumasok.

At sa bawat hakbang nila palayo sakin, mas lalo kong nararamdaman ang matinding kirot sa puso ko.

Nyeta.








Alice's POV

Kinabukasan, tahimik ang buong opisina, maliban sa tunog ng mga daliring mabilis na tumatama sa mga keyboard. Kakaiba ang atmosphere ngayon-parang may nagbabadyang bagyo pero hindi mo makita. Minsan, ang pinakadelikadong unos ay 'yung hindi mo nararamdaman agad.

Papasok na ako sa opisina ni Risa. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan ngayon. Ayokong makita niya na naaapektuhan na ako sa mga simpleng ginagawa niya.

Pagpasok ko, naroon na siya-nakasuot ng puting blouse na bukas ang unang tatlong butones. Nakalugay ang buhok niya, medyo basa pa, parang bagong ligo lang. At ang amoy niya? Gusto ko mang hindi mapansin, pero pamilyar pa rin sa'kin ang halimuyak niya. Lavender. 'Yun ang pabango niya noon, at ngayon mukhang sinadya niyang gamitin ulit.

"Good morning," bati niya, sabay ngiti. Yung ngiting parang walang nangyari kahapon.

"Morning," sagot ko sabay iwas ng tingin.

Nilapag ko ang folder sa mesa niya at umupo sa kabilang upuan. Tahimik lang siya habang binubuklat ang mga papeles, pero ramdam ko ang mga sulyap niya sa'kin. Yung tipong hindi bastos, pero may laman. May intensyon.

"Alice," tawag niya sa'kin. Tumingin ako.

"Hmm?"

"May natira pa akong ice cream kahapon. Gusto mong tikman mamaya?" Nakangiting tanong niya.

"Hindi na. Hindi na ako nagc-crave," malamig kong sagot.

Pero tinitigan niya lang ako. Yung titig na may halong lambing at pagsisisi. Yung titig na dati ay kinatatakutan ko kasi alam kong kaya akong paikutin.

Tumayo siya, at sa hindi ko inaasahan ay lumapit siya sa'kin. Lumuhod siya sa tabi ko. Nilingon ko ang pinto—nakasara.

"Risa," babala ko.

"Shhh." bulong niya sabay hawak sa kamay ko. Mainit pa rin ang palad niya, at sa isang iglap, parang bumalik lahat ng alaala namin.

Hindi ako gumalaw.

"Alice, I'm sorry... for everything. Kung pwede ko lang balikan lahat ng pagkukulang ko noon, gagawin ko. Pero ngayon, andito lang ako. Bumabawi. Kahit unti-unti. Kahit saktan mo pa ako, okay lang. Basta makita kitang masaya, okay na ako."

Napapikit ako. Gusto kong sabihing tama na, na hindi niya ako maloloko ulit. Pero bakit parang lumalambot na naman ako?

Napahawak ako sa pisngi niya. Dinama ko ang mainit niyang balat. Ngunit bago pa siya makalapit sa labi ko-

"Not yet," bulong ko.

Tumayo siya. May lungkot sa mga mata niya, pero hindi siya nawalan ng ngiti.

"Okay. Pero 'di ako titigil."

Bumalik kami sa trabaho. Hindi na siya nagtangkang muli. Pero ramdam ko ang pagbabago. May mga maliliit siyang ginagawa-iaabot niya ang tubig ko kapag nauuhaw ako, lalapit siya para iayos ang buhok kong naipit sa eyeglasses, o kaya'y magpapadala ng gatas sa mesa ko na may nakalagay na post-it:

"Hope this sweetens your morning - R"

Ang galing niya. Alam niya kung paano bumawi. At sa totoo lang, nararamdaman kong unti-unti, bumabalik yung dating tibok ng puso ko para sa kanya.

Pero hindi pa rin sapat.

Hindi pa ako handang patawarin siya.

At higit sa lahat... gusto ko munang masaktan siya gaya ng sakit na naramdaman ko noon.

The Arranged Marriage (Guontiveros)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon