Pinatay ni Eris si Papa Vincenzo? Diba... ama niya 'yon?"Nagawa po ni Eris 'yon?" di parin makapaniwalang tanong ko. Tumango lang si Mama Marcella sa akin at hinila ako patayo.
"Kaya ako pumunta rito para kunin ka, Hya. Aalis na tayo sa mansion na 'to, hindi tayo bagay dito, hindi ka bagay dito... bahay ito ng masasamang tao." madiin niyang sabi. Halata sa boses niya na malaki ang galit niya sa mga Monticelli at naiintindihan ko iyon.
"Diba wala na po si Papa Vincenzo? Bakit kailangan pa nating tumakas?" naguguluhang tanong ko.
Bakit kailangan pa naming tumakas? Naiintindihan ko namang hindi amin ang mansion na ito at kailangan naming umalis pero bakit parang natataranta at takot parin siya?
"Wala na si Vincenzo pero nandito pa ang anak niyang si Elias. Pareho lang sila Hya." naiiling na sabi niya. Naiintindihan ko ang sinabi niya dahil na rin sa nalaman kong pinatay ni Eris ang mismong ama niya. Pero bakit naniniwala akong may rason naman si Eris kung bakit niya iyon nagawa.
"Hya, umalis na tay—" naputol ang sasabihin ni Mama Marcella nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
Pumasok agad si Eris. Ngumiti pa siya kay Mama pero agad din itong napawi nang makiga niyang... tinutukan siya ni Mama Marcella ng baril. Walang ganang tinaas naman ni Eris ang dalawang kamay niya.
Napasinghap pa ako sa gulat dahil natatakot na akong makakita ng baril. Naaalala ko lang iyong nakita ko sa office ni Papa Vincenzo. Naaalala ko pa kung gaano ka lakas ang putok nun. Nakakatakot. Nanginginig agad ako sa takot.
"I won't shoot you basta hahayaan mo lang kami ni Hya na umalis ng mansion." madiin na sabi ni Mama. Agad akong tumayo.
"Ma." tawag ko sa kanya, sinubukan kong pigilan siya pero hindi niya binababa ang hawak niyang baril. Masama siyang nakatingin kay Eris. Si Eris naman ay seryoso lang na nakatingin sa akin.
"You've already had your revenge, right? So please, let us live in peace. Napatay mo na si Alonzo, huwag mo nang idamay si Hyacinth." napapaos ang boses na sabi ni Mama. Nakatitig parin siya kay Eris habang nakatutok parin ang baril.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Gulat kong nilingon si Eris. Walang nag bago sa ekspresyon ng mukha niya. Pinatay niya si Tito Alonzo?! Siya ang pumatay kay Tito Alonzo?! Ang sunog... ang barilan nun... kagagawan niya? Hindi ni Papa Vincenzo? Paano niya nagawa 'yon? Bakit niya ginawa 'yon?!
"Siya ang pumatay kay Tito Alonzo?!" di nakapaniwalang tanong ko.
"Oo! Wala siyang utang na loob!" inis na sagot ni Mama Marcella. Nag buntong hininga lang si Eris. Hindi ko mabasa kung anong ekspresyon ng mukha niya.
Napayuko nalang ako nang maramdaman kong naiiyak nanaman ako. Ang bait-bait ni Eris... iyon ang pagkakakilala ko sa kanya. Pero bakit ganito ang ginagawa niya? Anong rason niya? Paano niya iyon nagawa?
Paano niya nagawa iyon? Kasama ko siya nun sa kwarto niya kaya paanong kagagawan niya iyon? Hindi ba si Papa Vincenzo gumawa nun? Hindi niya ba ginawa 'yon para makuha ako?
Naalala ko si Tito Alonzo, ang itsura niya nong nakahandusay siya sa sahig, kung paano siya napapaligiran ng apoy. Nakakaawa. Naalala ko pa kung gaano siya ka bait. Mabait din naman siya kay Eris kaya bakit niya nagawa 'yon?
"I also know you only brought Hyacinth back to the mansion to marry Munzo at makuha ang mana ni Primrose. Na sayo na lahat ng pera ni Vincenzo ngayon kaya hayaan mo na kaming umalis." sabi nanaman ni Mama. Hindi na ako nakagalaw. Mas lalo lang sumakit ang ulo ko dahil ang dami ko nang nalalaman at ang dami ko pang gustong itanong.

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...