Chapter 52

11.3K 397 134
                                        


Lyssam

"You should've seen me, I was riding a giant horse, and I didn't even fall off!" agad nalukot ang mukha ko nang makitang inalalayan ng wrangler bumaba si Levi. Mayabang niya pa kaming tinignan nila ate Donna.

"He was so big! Bigger than all the others! It was so tall, I almost touched the sky!" dagdag niya pa, natawa lang sila ate at Mama pero ako ay nakangiwing bumaling kay kuya Larry.

"Wow! You're so cool Levi!" pumalakpak pa si Mama at Papa. Mas lalo lang lumapad ang ngisi nj Levi at mayabang na nag lakad palapit sa amin, ang liit liit naman.

"Grabe, di niya nakuha ang itsura mo pero ang kayabangan na hakot niya lahat." dismayadong sabi ko. Inis lang akong tinignan ni kuya at umiling-iling.

Nang mapansin kong nag lalakad na palapit sa amin sila Vira ay agad akong napanganga nang makitang suot na ni Aela ang mga pinamili namin noon.

"Our unicorn fairy is now a pony rider!" pumalakpak pa si Yiren. Excited namang tumalon talon si Aela habang tumatakbo palapit sa amin.

"Look at you, all ready to ride! Your pony's going to be so lucky to have you today. Are you excited to meet her?" nakangising tanong ko kay Aela. Mabilis naman siyang tumango-tango.

Bumaba na nga kami para malapitan na namin kung saan iyong pony ni Aela. Ramdam ko naman na sumunod lang sila Vira at mama sa amin. Nang makit ako na nga ang warngler na may hawak sa pony ay tinawag ko na itong lumapit.

"Omg! Daddy! My pony!" nakangiting sigaw ni Aela nang makita na niyang nag lakad palapit sa amin ang pony, natatawa ko pa itong sinundan ng tingin dahil ang cute. Sobrang pandak niya kaya bagay na bagay lang iyon kay Aela para hindi siya mahirapang sumakay.

"She's so cute, like me!" tumalon talon pa sa tuwa si Aela, mas lalo lang lumakas ang tili niya nang makalapit na nga sa amin ang pony.

"Her name is buttercup." nakangiting sabi naman nong wrangler. Mas lalo lang natuwa si Aela nang marinig ang pangalan nong pony. Nilapitan niya pa ito at hinimas ang buhok, hindi naman pumalag iyong pony na mas lalo niyang ikinahagikhik.

"She likes me, daddy! I think she wanna be my friend!" sabi pa ni Aela. Ngumiti lang ako sa kanya at inalalayan na siyang sumakay sa saddle. Mas lalo lang napaawang ang labi niya nang tuluyan na nga siyang makaupo doon.

"Baby, you have to hold on tight to the saddle, okay? We'll go slow..." sabi ko sa kanya. Nang masiguro kong maayos na nga lahat ay nag umpisa nang mag lakad iyong wrangler para hilahin ng dahan-dahan iyong pony.

Nang mag umpisa na nga itong mag lakad ay mas lalo lang natuwa at tumili ng malakas si Aela. Nakasunod lang din ako sa kanila para alalayan siya kahit mabagal lang naman ang lakad nong pony. Nakikita ko pa kung paano liparin ng hangin ang wavy at light brown niyang buhok, sobrang laki ng ngiti at parang ito na ang pinaka masayang araw niya.

At tuwing nakikita ko siyang ganyan ay parang ito na rin ang pinaka-masayang araw ko. Napatiim bagang nalang ako nang maramdaman kong may namumuong luha nanaman sa mga mata ko. Naiiyak at nasasaktan ako tuwing naaalala ko ang mga sinabi ko noon kay Vira. Hindi ko na ata kayang patawarin ang sarili kong sinabi ko iyon.

Ilang sandali rin akong nakatitig lang kay Aela habang tuwang tuwa na nag lalakad lang paikot-ikot ang pony niya.

"Mommy! Mommy! Look! I'm riding the pony! I'm flying!" patili na sabi ni Aela. Lumingon pa siya sa banda kung saan nakatayo lang sila Vira at sila Mama na kumukuha ng videos at litrato.

"You're doing amazing, Aela! We're so proud of you, baby girl!" sigaw naman ni Yiren.

Pero ang mga mata ko ay nakatingin lang sa katabi niyang si Vira na ngayon ay nakangiti lang na nakatitig kay Aela, halos hindi na siya kumurap para matignan lang ito ng mabuti. Salubong pa ang kilay niya dahil sa sobrang silaw. Paminsan-minsan niya ring hinahawi sa likod ng tenga ang buhok niyang nililipad na rin ng hangin.

Nang mapansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya ay salubong ang kilay niyang bumaling sa akin, nang mag tama na nga ang mga mata namin ay agad akong napalunok ng laway at binalik nalang kay Aela ang tingin.

Nang sa wakas ay napagod na si Aela kakasakay sa pony niya ay nag pahinga muna kami saglit sa labas ng snackbar. Habang pinapakain ni Vira si Aela kasama nila ate Donna ay umupo naman ako sa tabi ni Yiren na nakacross legs lang habang sumisipsip ng drinks.

"Ang init." busangot na reklamo ko habang pinapaypayan ng palad ang mukha.

"Sorry, hindi ko talaga napipigilan ang hotness ko." mayabang na sabi niya. Pinasadahan niya pa ng daliri ang mahabang buhok na agad kong ikinangiwi. Nag buntong hininga nalang ako nang makaupo na ako sa tabi niya.

"Oh nga pala, thank you. If it weren't for what you did, I wouldn't have known that Vira truly has feelings for me." ngumuso pa ako para pigilan ang mapangisi habang deretso ang tingin kay Vira na ngayon ay nakikipag tawanan lang kay ate Donna.

"Duh, don't thank me. Hindi ko iyon ginawa para sa inyo, ginawa ko 'yon para sa sarili ko." madrama niya pang hinawakan ang dibdib niya na parang naiiyak na siya. Inirapan ko lang siya at hindi na umimik.

Nakatitig lang kami sa harap namin kung saan sila Vira. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nag salita ulit.

"On a serious note, Sammie... if you hurt Vira again, don't expect me to be on your side... again." madiin at mataray na sabi niya sakin. Agad ko siyang nilingon at nakataas nga ang kilay niya.

"In fact, I might be the first one to help her walk away from you for good. She's been through enough. Pag pinaiyak mo pa siya ulit, kahit bakla ako, manununtok talaga ako for the first time—basta mabasag ko lang yang mukha mo." dagdag niya pa. Nag hair flip pa siya at maarteng tumayo at nag lakad palapit kina Vira.

Nang mapansin ko ngang hindi naman na mainit sa labas ay agad na akong tumayo. Kita ko ring inaaliw na ni Yiren si Aela, nag angat pa ng tingin sa akin si Vira nang makitang nag lakad na ako palapit sa kanila.

"Wanna go horseback riding?" nakangiting tanong ko sa kanya, kanina ko pa kasi napapansin na parang nababagot na siya. Mamayang gabi pa naman ang mismong party ni Aela kaya sa ngayon ay wala pa muna kaming ibang gagawin.

Kita kong nagulat pa siya at agad na lumingon sa napakalawak na area ng ranch, bumusangot pa siya bago bumaling ulit sa akin.

"Hindi naman ako marunong."

"Don't worry, I'm gonna guide you." agad na sabi ko.

"Woah? Akala ko unicorn lang ang kaya mong sakyan." humalakhak pa siya.

"We both know I can ride something else besides unicorns, right?" taas kilay na tanong ko, nakagat ko pa ang labi ko para pigilan ang matawa lalo na nang makita kong napawi agad ang ngisi niya at masama akong tinignan.

Hinawakan ko nalang ang braso niya at mahina itong hinila pero hindi parin siya tumatayo, parang nag dadalawang isip parin.

"Come on, babe..." pilit ko sa kanya, nang hilahin ko siya ulit ay napatayo na nga siya. Nag buntong hininga pa siya at bumaling kay Aela na ngayon ay pinapalibutan nanaman nila Mama para kunan ng mga litrato, nadamay pa si Levi.

Nang makalapit na nga kami sa isang kabayo ay inalalayan ko na si Vira na sumakay doon, nag dadalawang isip parin siya pero wala na rin naman siyang nagawa. Nang makasakay na nga siya ay agad na rin akong sumampa sa kabayo.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon