Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2

206K 2.5K 398

Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2

"OH. MY. GOD."

Totoo ba tong nakikita ko!? Si Denn.. ba talaga to!?

Namp*cha naman oh! Ngayon ko lang naintindihan yung feeling ni Dr. Victor nung nakita nyang buhay si Frankenstein. Ganito pala yung feeling na makita mong buhay ang isang bagay na ginawa mo.

Nakanganga lang ako habang nakatitig sa kanya. Shete.. I'm doomed.

"Uy Barbs! Okay ka lang?!" tanong sakin ni Rocky. Pati si Wes napatingin na rin sakin.

"O-okay lang ako. Okay lang," pinilit kong ngumiti pero isang natataeng mukha lang ang napakita ko sa kanila.

Gulung-gulo talaga ang isip ko swear! Sumabay pa ang ingay ng mga kaklase ko, at ni 9 na sobrang nawindang sa pangyayari.

Natigil silang lahat nang hatawin ni Ms. Medina ang teacher's table. "IV-Archimedes HINDI BA KAYO TATAHIMIK!?!? Pinapakilala ang bagong classmate nyo dito tapos ang iingay nyo! Bastusan!?"

Medyo nabawasan ang ingay sa classroom, pero ang machine gun na bunganga ni 9 ay tuluy-tuloy pa rin sa kakaputak. "Eh Ms. Medina, this is so shocking! It's the first time that we had a quote unquote new classmate!"

"That's enough Ms. Kitagawa. So, as I was saying," inayos pa ni Mr. Mercado yung polo nya. "This is your new classmate.. Err. Alam kong kilala nyo naman sya kasi lumipat lang sya ng section. IV- Archimedes, please welcome Mr. Cyrus Casabueno."

Mas lalong lumaki ang buka ng bibig ko.

Cyrus Casabueno.

Putek!!! Oo nga pala! Si Cyrus nga pala to!!!

Patay!!!!

Bakit akala ko sya si Denn?!

Okay. May hindi pa pala ako sa inyo.

Iisang tao lang sina Denn Estrella at Cyrus Casabueno.

Pano nangyari!?

Eto flashback

FLASHBACK

Bago ko sinimulang isulat yung You're The One That I Want, mahilig akong magbasa ng kwento dito sa Wattpad. Oo na, hopeless romantic ako. Sa bahay mahilig akong manuod ng mga Asianovela at romantic comedy movies kagaya nyo. Kabisado ko na rin ang One More Chance, Just Like Heaven at My Amnesia Girl kagaya ng iba sa inyo. Pinakafavorite kong Asianovela ay It Started With A Kiss. At.... patay na patay ako kay Mario Maurer.

Katulad nyo ko na in love sa konsepto ng love.

Pero hindi ko pwedeng sabihin sa schoolmates ko yon kasi...

If I FallRead this story for FREE!